[ MTCA - 2 ]

272 16 0
                                    

Myla POV

" Ikaw Myla, Hindi kaba titino? " Tanong sakin ni San Pedro. Eh hindi ko nga alam kung pano ako titino. Pano ba? Kausapin ko kay si Malas. Haaaayss. Ewan, mahal nya talaga ako. May forever na samin ni Malas.





" Ikaw Myla Bi-bigyan kita ng huling chanisya ngayong Araw kapag hindi ka nag-bago. Pasensiyahan tayo ibaba kita sa Lupa sa Ayaw mo o Gusto " TT^TT Whaaaaa! Oh lord! Ano ba meron sakin? Ganito na ba talaga ako? May na-gawa ba akong kasalanan? Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit ako mina-malas. Haaaaayss. Siguro nga sa lupa talaga ang bagsak ko. Haaayss, maba-bait naman siguro yung mga tao diba?




" Sige Po " yumuko pa ako. Huling araw ko na ito! Whaaaa Bakit! Bakit ba kasi sakin galit ang Mundo! Malas-Malas ko naman! Pano ba ako tatantanan ni Malas? Sige nga bigyan niyo ako ng paraan basta mawala lang ang Malas sa Buhay ko! Kung sabagay, reyna naman talaga ako ng malas kaya imposible na layuan niyan ako...haaaayss.





Lumakad na ako na naka-yuko. Bakit kasi mina-malas ako. Siguro naka-takda na talaga akong malasin noh. Haaaay buhay nga naman, naka-takda ako bumaba sa lupa. Ano ba ga-gawin ko sa Lupa? Haaaay, mabait ba ang mga tao? Sabi ni San pedro usong-uso daw ang bully doon.




Haaaaayss, siguro nga. Sa lupa talaga ako, jusko! Mahal talaga ako ni Malas! Ano ba yan! Siguro naman maba-bait yung mga tao diba? Hindi naman sila ganon kasama. Kahit na na-kuwento sakin ni San Pedro na maraming bully doon.



San Pedro POV



" San Pedro " napa-tingin naman ako sa tumawag sakin." Ano yun, Hijo? " tanong sa sakanya, saka lumapit. Baka may maganda siyang iba-balita, pwede rin may masama.



" Meron pong Batang Pasaway, Sabi po sa Kalkulation po dito, Lagi daw syang nambu-bully at marami na rin po siyang na-bully  " Mmmm Wala na talagang Matinong Tao ngayon, konti nalang din ang mga nanalangin at sumasampalataya sa Diyos." Kailangan niyan ng Respeto " tumango naman siya. Lahat ng mga Taong Makulit, Pasaway, hindi na niniwala sa diyos. Lagi namin yun tinuturuan ng Respeto, at kailangan ng disiplina.




" Ano ba pangalan niya, Hijo? " tanong ko." John Carlo Villajos po " Mmmm John Carlo. Medyo marami din akong naba-balitaan sakanya, nung isang araw. Narinig ko nanaman ang kanyang pangalan. Hanggang ngayon maririnig ko nanaman.




" Sa Tingin mo, Hijo? Anong magandang Gawin sa Lalaking iyan? " tanong ko. Hinayaan ko muna siya mag-isip. Kailangan ng displina pero paanong disiplina? Marami na rin ako tinuruan ng disiplina kaya wala na rin ako mai-isip.





" San Pedro " napa-tingin naman ako sa tumawag nanaman sakin." Ano yun, Hija? " sumunod ako sakanya, mukhang problemado rin ang isang to. May problema rin ito. Ano naman kaya iyon.


Myla, The Clumsy AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon