1

118 12 0
                                    

Train Station - Day

Adventure is worthwhile

AI

"AI saan ka nanaman ba pupunta?" Sigaw na sabi ni mommy sa kabilang linya.

"Kung saan tahimik at payapa." Mahinahon kong sabi sabay patay nang cellphone ko.

Laging ganyan si mommy simula nang iwan kami ni Daddy galit, seryoso, laging umiiyak at wala sa bahay. Dahil sa sobrang higpit niya sa akin umaalis nalang ako ng bahay ng hindi nagpapaalam sa kanya, atsaka kahit na magpaalam man ako sa kanya hindi rin naman niya ako papayagan.

Don't judge me hindi ako naglalayas. Nagaadventure lang ako magisa naghahanap ng lugar na tahimik at mapayapa kung saan makakapagisip ng mabuti at magkakaroon ng peace of mind.

Minsan napapaisip ako kung bakit dinadamay ako ni Mommy sa galit niya kay Daddy, hindi ko naman kasalanan kung bakit iniwan kami ni Daddy.

Nakakainis lang kasi sana wag niya akong idamay sa galit niya, anak niya ako at parehas kaming iniwan dito dapat nga magkakampi pa kami sa lahat ng bagay kasi kami nalang dalawa.

Pero hindi pinaparamdam pa niya sakin na magisa lang ako, na ako ang may kasalanan kung bakit iniwan kami ni Daddy. Ang unfair ng mundo minsan gusto ko siyang sagutin at sabihin na anak niya ako na nandito lang ako palagi sa tabi niya, pero hindi ko siya masagot kasi ginagalang ko siya bilang nanay ko sana galangin niya rin ako bilang anak niya.

Alam ko na galit siya ngayon dahil tumakas ako sa bahay, pero wala na akong pakialam dahil sa tuwing nasa bahay ako alam mo 'yon para akong nakakulong.

Kaya kapag nakakatakas ako pakiramdam ko malaya ako, nagkakapagisip ng maayos, at nagkakaroon ng peace of mind.

I look around para tignan ang mga tao sa paligid ko, yung iba naiinip na kakaantay sa train, yung iba naman naguusap, nagccellphone at kong ano-ano pa. Pero kung titignan natin silang lahat maigi yung iba dyan broken, depress, may pinagdadaanan sa buhay, iniintay ang tunay na pagibig, in love, hinahanap ang sarili, at mga katulad ko na naghahanap ng tahimik at payapa na lugar kung saan makakapagisip at magkakaroon ng peace of mind. Nakakatuwang isipin na isa din ako sa kanila.

At sa wakas, dumating na din ang train kaya lang parang ang labong makasakay pa ako dahil siksikan na, ayaw ko namang isiksik ang sarili ko doon tapos hindi na talaga kasya. Kaya ako nalang ang naiwan dito, ay hindi lang pala ako. Sa kabilang Train Station may naiwan ding lalaki nakatayo nakajacket ito at nakasalamin while nakasmile sa may cellphone niya, parang may kausap ata siya? He's cute ang ganda niyang kunan ng picture, I decide na kunan siya ng picture. Kinuha ko ang instax camera ko at sinimulan siyang kunan ng isang picture at nagtagumpay ako. Tumingin ulit ako doon sa lalaki at laking gulat ko dahil nakatingin na sa akin ngayon ang lalaki buti nalang may dumating nang train at agad akong nakasakay, that was close.

Wait bakit parang bigla akong kinabahan?

Atsaka bakit ako nagtatago wala naman akong kasalanan diba?

I look on his picture na kinunan ko and I was like smiling I don't know why?

Ang tanging nasa isip ko na lamang ngayon ay iba ang epekto ng lalaking ito sa akin, bahala na nga si Master Istoker.

Panaginip LangWhere stories live. Discover now