16

443 11 6
                                    

Me and My Lady Boss

Chapter 16

(Patricia's POV)

Katahimikan.

Nakakahiya. NaHihiya ako.

Lunok. Eh sya naman nag offer diba?

"Ahm.. Sige jan na ako." Sabi ko nalang. "Salamat talaga."

Di ito nag salita, Sige lang ito sa pag mamaneho.

Then biglang nag ring ang phone nito at dahil naka connect yun sa sasakyan niya ay aksidente kong nakita ang tumatawag sa kanya.

Marco calling...

Bahagya naman akong napataas kilay nun Sabay iwas ng tingin.

Marco? Tsk!

Sino nanamang Marco?

Ang dami naman nitong lalaki.

Tsk. Patricia Monica. Napaka judgmental mo naman. Baka relative lang niya.

Agad nitong kinuha ang AirPod nito at nilagay sa tenga nito.

"Hey, Marco...... yes...... of course, I'm already on my way there.... Sorry talaga, busy sa office eh....... Okay........ what?! Coffeedate! ...." Then she laughed.

Ahm. Tunog hindi relative. Tsk.

"Okay! Fine! I owe that to you..... okay. Thank you."

Then end. Saka inalis na niya sa tenga niya ang airpods nito then tumigil ito sa sa gilid ng daan. 

Agad akong Napatingin dito.

Papababain nanaman ba ako nito? This was the exact place kung saan nito ako pina baba last week.

"Okay. Bababa na ako." Agad kong Sabi Saka sinuot na ang bag ko. Mukhang May coffeedate pa ito eh.

Then she looked at me. "I didn't said that."

"Ah. Hindi ba?"

I looked at her, she's busy with her phone, parang May tinetext ata. Hm malamang yung Marco.

"Hindi." Sagot nito sakin. "I just need to grab something for my nephew."

"Nephew? May pamangkin ka? Sa cousin side ba?"

Umiling ito. "Nope." Then binalik na nito ang cp nito sa lagayan sa gitna Saka pinatakbo na uli ang sasakyan.

"T-Teka. So May pamangkin ka nga?"

Then she smiled. "Oh! I'm sorry, I forgot. It is not out in public."

"Ha?"

"Well. He is my brother's son."

"Ha?! Talaga?!" Teka, nag ka anak ba Kuya niya?

"Yep."

Hmm. So nagkaanak nga ang Kuya niya dati?!Pero Bakit di binalita Saka di kinilala Na Uy? Andami kong nabasa na article about sa kanya at sa family niya Pero wala man lang binanggit na may anak ang Kuya niya. Saka sa yearly family photo ng Uy, wala din yung anak ng Kuya niya.

Then she laughed. "Come on. Stop that."

Agad akong napakurap nun. Di ko namalayan na naka tingin pala ako sa kanya.

"Hmm pano ko ba sasabihin?" Then parang nag isip ito. "Ah. Yeah. My brother had a son with his girlfriend."

"Girlfriend?"

Me and My Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon