Ang Panaginip

5 0 0
                                    

Mayroon akong malungkot na panaginip. Ang panaginip ko na ito ay nangyari noong labinglimang taon gulang (15 years old) pa lamang ako. Halos araw araw akong dinadalaw ng panaginip na ito kumpara sa mga nagdaaang taon. Ngayon ay labingwalong taong gulang (18 years old) na ako. At ang mga pangyayaring ito ay nangyari nangyari makalipas ang tatlong taon mula ngayon.

Flashback (3 years ago)

Masaya kaming naglalaro ng  kaibigan ko sa tabi ng ilog. Naghahabulan , nagkukulitan at nagtatawanan. Isang magandang araw ang amaning sinalubong na magkakaibigan.

Nang dumilim na ang kalangitan dahil maggagabi na. Nagpasya kaming umuwi na. Habang kami ay papauwi. Kami ay nagkukwentuhan parin. Tungkol ito lahat sa mga bagay na ginawa namin ngayong araw na sinalubong namin.

Dumating ang kinabukasan. Ang sikat ng araw at nariyan na naman. Isang bagong araw ang nagiintay at andyan upang aming salubungin muli. Ngunit ito din pala ang araw na huli namin masisilayan ng kanyang ngiti.

"Aliyah, ang aga mo ngayon ahh" sabi ni Krista sa kaibigan namin.

"Ikaw din naman Krista maaga ka din. Kahit nga itong si Maria at Avila maaga din" balik na sabi ni Aliyah kay Krista. Isang araw na naman ang nariyan upang aming pagsamahan nina Krista, Maria at Aliyah.

Nagpunta na kami sa aming lugar na nagsisilbing tambayan at pangalawang tirahan. Ang kubo sa tabi ng ilog na amin masayang pinagmamasdan. Ngunit sa ilang minuto na aming itinagal dito. Aking napansin na tahamik ang isa sa amin.

"Tahimik ka ata. Mayroon bang gumugulo sa isipan mo?" Tanong ko rito. Kanina pa siya tahimik simula ng dumating kami dito.

"Haha wala ahh. Ayos lang ako. Sige na pumunta kana sa kanila baka hinihintay kana nila" patawang sabi naman nito. Halata sa kinikilos niya na mayroong hindi tama. Alam kong may mali ngunit umalis parin ako sa tabi niya at pinuntahan ang iba naming kaibigan.

Sumapit ang tanghali at nasa loob parin ng kubo si Maria. Napansin nadin ito ng iba at napagpasyahang puntahan na ito.

"Maria ano ba ang problema? Hindi ka naman ganiyan kahapon diba. Ang saya saya mo pa ngunit ngayon ay ibang ibang ka" ang sabi ni Krista.

"Kung mayroon mang hindi maganda nangyari sabihin mo ito samin" ani naman ni Aliyah.

Hindi na napigilan ni Maria ang sarili at sinabi na nito sa amin ang nangyari sa daan bago siya makauwi sa kanila. Sobrang nakakatakot ang kanyang kinaharap ng siya ay dumaan sa madilim na iskinita papunta sa kanila.

Sa pagkakwento niya ay may humarang sa kanyang isang lalaki. Sobrang takot na takot ito dahil mayroong itong balak na hindi maganda. Ngunit bago ito mangyari ay saktong napadaan ang kanyang kuya. At napigilan ang nangyari. Bago pa man makalapit ang kuya nito. Binantaan ng lalaki si Maria na kapag sinabi ay sasaktan nito ang kanyang mga kaibigan. Kami ang tinitukoy ng lalaki.

Nabigla ang lahat at bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan na naging sanhi ng pagkasira ng munting tulay na nagsisilbing daan patungo sa kabilang parte ng ilog kung saan iyon ang daan pauwi.

"Umuwi na tayo ngayon. Lumalakas pa lalo ang ulan at maaring mas lalong tumaas ang tubig sa ilog" sabi ko sa kanila.

Nagmamadali kaming lumabas at nauna sila Krista at Aliyah. Mabilis naman silang nakarating sa kabilang parte ng ilog. At naiwan kami ni Maria sa kabila.

"Maria umuna kana susunod ako sa iyo" ang sabi ko.

"Sige, ngunit bilisan mo rin dahil tumataas na lalo ang agos ng tubig" ani naman nito sa akin.

Kumakaway sa kabilang parte ng ilog ang dalawa na parang sinasabi na bilisan namin. Sa sobrang pagmamadali namin ay namali ang apak ko at naging sanhi ng pagkahulog ko sa isang kahoy na hindi na nadamay sa pagkasira dahil sa malakas na agos ng tubig.

"Tulong Maria, Tulong" sabi ko kay Maria. Pinilit niya akong abutin at hindi ito nagtagumpay. Dahil tuluyan na akong nalunod sa tubig.

Nakapunta na sa kabilang bahagi si Maria at kasama na ang dalawa. Sobrang sobra ang iyak noong dalawa at nakatulala lang si Maria. Mayroong narinig na tinig si Maria sa kanyang isipan.

"Sabi na sa iyo, wag na wag mong ipagsasabi o may mangyayaring masama sa kaibigan mo" ang tinig na narinig niya. Tuluyan ng umiyak si Maria.

Lumipas ang mga araw at tuluyan ng nawala sa amin si Avila. Dahil sa isang aksidenteng hindi inaasahan. Iyon na pala ang huling araw na masisilayan namin ang magandang ngiti niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin mapatawad ni Maria ang sarili niya.

End of Flashback

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Isang malungkot na panaginip na halos araw araw sa aki'y gumagambala. Napaiyak na lamang ako at nasabi habang nakatingala.

"Avila patawarin mo ako at hindi kita nailigtas ng mga oras na iyon. Hindi ko kaya iangat ka dahil mahina ako. Lumipas na ang tatlong taon at hindi ko parin napapatawad ang sarili ko sa nangyari sa iyo. Sana mapatawad mo ako kaibigan ko"  ang sabi ko.
-Maria

Ang Panaginip Where stories live. Discover now