ABNKKBSNPLAko?! ay isa sa mga sumikat na nobela ni Bob Ong na kilala rin sa pangalan na Robert Ong.Ang nobelang ito ay isang uri ng realismo na kung saan naibibigay ang tunay na pag-hihirap ng mga mag-aaral.Ito ay isang humor autobiography na kung saan gumagamit siya ng mga nakatutuwang salita habang isinasalaysay ang kanyang buhay mula noong siya ay isang musmos pa lamang.Marami sa nakabasa ng nobelang ito na nag-sasabing noong nabasa nila ang naisulat na nobela ni Bob ay muling nag-balik sa kanilang alaala ang mga karanasan nila noong sila ay nagsisimula pa lang na mangarap.At gaya ni Bob ilan sa mga nabanggit niyang karanasan noong siya isang musmos pa lamang at ilan na rin sa aking mga napag-daanan.Tunay talagang maihahalintulad ang nobelang ito sa buhay ng nakararami lalo na ang mga lumaki mula sa kahirapan.Ang nobelang ito ay nag sasalaysay kung paano tayo nabubuhay na kahit sinong Pilipino ay hindi maitatanggi at mababasa mo rin sa nobela kung paano mamuhay ang tipikal na pilipino mula bata hanggang sa kaniyang pagtanda.
Ang nobela ay patungkol sa mga alaala ng manunulat simula elementarya, highschool,kolehiyo,at hanggang sa magkaroon siya ng propesyon.Dito nailahad kung paano hinarap ng manunulat ang pagsubok na pilit hinaharangan ang kaniyang mga tagumpay.Patuloy siyang nangarap kahit pa maraming paghihirap ang ibinibigay sa kaniya,pinatuloy niya ang pag-aaral kahit pa nakararamdam na niya ang kahirapan at ang hindi maiiwasang bilang isang estudyante ang katamaran.Simple lamang na inilahad ng manunulat ang istorya ngunit hindi basta-basta ang ipinapabatid o ang mensahe ng nasabing nobela.
Tunay na maswerte pa rin tayo sa panahon natin sapagkat hindi natin naranasan ang mga kahirapan na napagdaanan ng batang si Bob noong panahon pa ng kaniyang kamusmusan.