0

3 0 0
                                    

Lumabas ako ng sasakyan habang malakas ang ulan. Wala akong pakialam kahit nasa gitna ako ng kalsada. Kinuha ko na ang oportunidad para makaalis sa sinasakyan ko habang naka red light pa ang traffic light. Hindi ko alintana ang lakas ng ulan na dumadampi sa buong katawan ko, di ko na din alintana na basang basa na ako ng ulan habang tumatakbo sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang alam ko lang masakit. Napakasakit ng nararamdaman ko. Pati utak ko hindi gumagana. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin sa mga oras na ito. Ang alam ko lang parang sinaksak ang puso ko ng mga ilang beses. Hindi ko masyado maaninag ang dinadaanan ko. Naghahalo na ang luha at patak ng ulan sa mukha ko. Diko alam kung saan ako patungo. Namalayan ko na lang ang malakas na busina ng sasakyan. Pagkulog at pagkidlat. Malakas na pagbuhos ng ulan at ang pagtilapon ko sa kung saan hanggang sa naging madilim ang paligid ko.

------------------------------------------------------------------------------------
I grab my books and things at nilagay sa bag ko. Kinuha ko na din ang tumbler ko na nakalagay sa gilid ng mesa. Lumabas ng kwarto at hinanap si mama.
Saan na naman kaya yun. For sure nakikipag tsikahan na naman yun sa kapitbahay namin. Kakauwi lang kasi ang anak ni Aling Tesing galing abroad.

"Pangalawang asawa daw yun siya mare. Yun ang tsika sa akin ni Jessa. Alam mo ba kaya yan siya nagmuslim dahil sa lalaki."

"Grabe ka naman mare. Kaya ba siya nagpaconvert para pakasalan lang?" Narinig ko naman na tanong ni mama.

Nasa pintuan na kasi ako ng marinig ko ang usapan nila ng kapitbahay namin. Nagwawalis si mama sa bakuran pero natigil lang dahil sa kakatsismis sa kapitbahay naming si Aling Tessa na nagdadala ng balita sa mga kapitbahay namin. Nakasalampak talaga ang mukha ng nanay ko sa bakuran namin na may harang na bobwire na nagsisilbing pader sa pagitan ng bahay namin at bahay nila Aling Tessa. Nagtatanim kasi sa gilid din ng bakuran nila si Aling Tessa. Kaya nakaupo siya at si mama naman nakayuko sa kanya habang si mama naman nakaipit ang walis tingting sa kilikili niya habang nakayuko at nakasalampak ang mukha sa bobwire na pagitan nila. Hindi naman halata na may pagkatsismosa ang nanay ko. Natatawa na lang ako sa itsura nila.

"Ma, Aalis na po ako.Papasok na po ako sa skwelahan. Nagtsitsismisan ka na naman dyan." Sabi ko sa kanya habang sinusuot ang sapatos ko.

"Ayy! Saglit lang mare ha." Paalam naman niya kay Aling Tessa at pumunta sa akin habang nagsusuot ako ng sapatos nakita ko sa gilid ng mata ko na may kinuha siya sa bulsa niya.

"Ito baon mo." Sabay abot sa akin ng pera na baon ko sa araw na yun. Kinuha ko naman at nilagay sa bulsa ko.
"Alis na po ako." Sabay halik at nagmano sa kanya. " Bye po Aling Tessa. Ang lulusog na po ng mga halaman niyo dahil sa mga tsismis niyong dilig." Sabay tawa na sabi ko sa kanya habang papalabas ako ng gate ng bahay namin.

"Aisha Piquero yung tumbler mo naiwan mo." Pahabol na sigaw ni mama bago ako makalabas ng gate. Naiwan ko pala ang tumbler ko na nilagay ko sa gilid ng lagayan ng sapatos namin kanina habang nagsusuot ako sa sapatos ko. Bumalik ako at kinuha ang tumbler kay mama. Bago ako makalabas ulit ay nakita ko sila na bumalik sa mga ginagawa nila habang nagtsitsismisan parin.

Si Mariam lang naman ang pinag uusapan nila. Kababata ko siya at nagtatrabaho sa Abroad. Kakauwi lang nung nakaraang araw. Di niya tinapos ang college at nag abroad na lang sa Middle East bilang Domestic Helper.Mga dalawang taon din siya nagtatrabaho sa abroad at umuwi na lang at sinabi sa mga magulang niya na may jowa na siya na ibang lahi. Diko alam kung anong lahi. Basta ang alam ko isang Muslim ang mapapangasawa niya. Kaya ng umuwi dito ay nakatalukbong na siya. Nakasuot na ng hijab at sinabi na lang ni Aling Tessa na nag Muslim na daw siya para mapakasal sa jowa niya. So meaning to say nagconvert siya ng relihiyon para sa lalaki. According to Aling Tessa kaya siya umuwi dito para ipaalam personal sa mga magulang niya na magpapakasal na siya at nagmuslim na siya. Nagulat ang lahat lalo na ang mga magulang niya sa naging desisyon niya. Kilala kasi si Mariam na maarter gumalaw at kung makasuot ng damit halos kita ang kaluluwa.Ang mas nakakagulat ay pangalawang asawa siya. Pwede kasing mag asawa ang muslim na lalaki ng apat na beses ng sabay as long as kaya niyang suportahan at pantay ang pagbibigay niya ng responsibilidad sa apat niyang asawa. Anyway,buhay naman niya yun. Dun siya masaya so gora na siya dun. 

Pinara ko na ang dumaan na Jeep.Nang malapit na ako sa University dun ka na naalala na wala pala akong dalang cellphone. Kaya pala parang feeling ko may kulang. Mabuti na lang binigyan ako ng pera ni mama bago umalis may pambayad ako na pamasahe.

" Manong para po." sabi ko sa driver at bumaba na ako ng jeep. Naglakad na ako papasok ng eslwelahan namin ng may tumikhim sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang nag iisang lalaki na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Chariz! Napaka cliche´naman nun.
"Why you are not answering my calls?" tanong niya sa akin. Nakakunot ang kanyang makapal na kilay at straight ang tingin niya sa aking mga mata. Senyales na galit siya.
"I left my phone. I forgot I did not bring it." sagot ko naman sa kanya.
"Why? You did not notice that you did not bring your phone when you left?" tanong niya ulit sa akin at nagsimula na akong maglakad papunta sa room namin para sa unang subject.
"I didn't. I'm sorry." huminto ako at humarap sa kanya. " There is something bothering in my mind. I did not notice I left my mobile." Tumingin ako ng diritso sa mga mata niya at nakita ko ang paglambot ng mga titig niya sa akin.
"Tell me. What's bothering you?" umiwas ako ng tingin at nagsimula ng maglakad ulit.
"Just leave it. It's not important." sabi ko sa kanya at pumasok na sa room namin. Umupo na ako sa upuan ko at tumabi naman siya sa akin.
"May I know what's bothering you? What's in your mind?" tanong niya ulit sa akin ng makaupo siya. Sasagot na sana ako ng dumating na ang professor namin. Iniisa na tinawag ang mga pangalan namin para sa attendance.

"Hussain,Ali"
"Present maam." sagot niya.

There he is, Ali Khalid Hussain. Ang lalaking gugulo ng buhay at pagkatao ko.

To be continued..........

A.K.H.Where stories live. Discover now