"last nato gwen promise!" ngumiti ako kay gwen.

"yan nanamang last mo, 6 years muna yan sinasabi mula grade 11" sermon niya nanaman sakin.

ano ba yan, last na nga toh eh!

"amy!"

tumingin ako sa tumawag sakin, Devin.

"dev! tara na!" bago ko siya hinila ay tumingin muna ako kay gwen, at kumindat at sinabing "last na to promise!" umirap lang siya.

"saan tayo pupunta?" tanong sakin ni devin.

"diba mag dadate tayo?" tumingin ako sakanya.

"anong date? akala ko gagawa tayo assignment?" nagtataka niyang tanong.

ano ba naman toh kj ampota.

"ayaw mo? edi wag ikaw na nga inaaya mag date, ako na toh oh!" kumindat pako sakanya.

"nahihibang ka ba amity? may girlfriend ako, ang alam niya gagawa tayo assignment tapos aayain moko sa date?" iniwanan niya ko nakatulala dito sa may bench.

ha???? haha di ko naman kasi alam.

tangina nakakahiya.

imbes na tumuloy ako sa condo ay pumunta ako sa cafe.

"isang matcha latte nga po thanks" pagkatapos ko umorder dumaretso agad ako sa may table na malapit sa may bintana.

saktong sakto at umuulan.

hays last mo na toh amity

"here's your order ma'am"

kinuha ko ang order ko at agad ng ininom yun.

last mo na talaga toh amity, tama kana.

napaisip tuloy ako, pano kaya kapag ako na ang hinabol? ano kayang pakiramdam?

napansin kong kanina pa nakatingin yung lalaki na nasa katabi kong table.

tangina ang creepy.

di tuloy ako makagalaw dahil feeling ko matutunaw nako sa titig niya.

napag desisyonan kong umalis na lang, baka mamaya kidnapin pako.

pagkadating ko sa condo ay humiga agad ako at nagpahinga

nakakapagodddd.

nag scroll scroll lang ako sa facebook ng may nahagip ang mata ko.

Werchell Univ Freedom Wall

sino kaya yung babaeng nakita ko kanina sa may hens cafe, umiinom siya ng matcha cafe, naka green t-shirt then naka white skirt huhu pakilala ka na sakin.

-mrr

haaaa?? ako bato? tinignan ko ang mga comments at halos mga kababaehan ang mga nag comment, nakita ko rin si gwen na nagcomment.

Gwen Stefani Azorza
     WHAHHAHA kilala ko ata yan.

Benedict Bernandez
      @Gwen Stefani  drop name raw sabi ni pareng mat

mat? hays bahala na ang mahalaga makakapag pahinga ako ngayon.

Mateo Rence Rodriguez
          mga tao talaga ngayon hays

pinatay ko na ang phone ko at natulog na lang hays napaka...

***

"amyyyyy!"

nakakabingi naman tong si gwen, parang ang layo ng kausap ahhh

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taking The RiskWhere stories live. Discover now