Chapter 1

4 0 0
                                    

"Ano ba 'yan? Iyan na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos!" Bulyaw saakin nung utility head dito sa kumpanya na pinapasukan ko.

"Pasensiya na po, ma'am, ang dami pa po kasing tao kaya dumudumi ng dumudumi ang sahig kahit anong linis ko". Pagyuko at hingi ko ng pasens'ya.

"Ayusin mo 'yan, Samantha, dahil hindi ka sinasahuran dito para mag petiks at mag maganda". Atungal n'ya pa saka umalis.

Ako palagi ang nakikita nito simula pa nung mag apply ako rito sa kumpanya bilang isang janitress dahil hindi naman ako nakapagtapos ng college. Saakin palagi mainit ang ulo n'ya, konting kibot ko lang nakasigaw na agad s'ya.

Hindi rin madali ang proseso bago ko makuha ang trabaho na ito. Marami ang nag reject saaking kumpanya dahil kahit janitress pala ay kailangang college graduate ka at marami pang ibang qualifications pero mababa ang sahod.

Pero hindi na ako para mag inarte dahil walang-wala talaga ako. 'yung sinasahod ko rito ay kaya lang akong pakainin ng mahigit isang linggo kaya mabuti na lang ay libre ang tirahan dito. Lahat ng utility workers ay may libreng tirahan. Parang isang apartment na malaki at sama-sama lahat ng trabahante roon. Kaya pagkain lang talaga at pangangailangan ko sa araw-araw ang kailangan kong pagkagastusan.

Pagkatapos ng shift ko ay nag ayos na rin ako ng mga gamit ko at umuwi na. Malapit lang din dito ang apartment kaya pwedeng lakarin, sayang kasi kung mamamasahe pa ako.

Madilim na pagkalabas ko dahil alas diyes ng gabi ang out ko, na-late lang ako ng out ngayon dahil dun sa head namin kaya may ot ako ng isang oras, alas onse na ako nakalabas.

Habang naglalakad ay may nadaanan akong katinderya kaya kumain na muna ako dahil wala naman akong stock ng pagkain sa apartment. Wala kasing ref o anumang appliances roon maliban sa mga electric fan kada kwarto.

Pagkatapos kong kumain at magbayad ay umalis na rin ako agad at dumiretso na sa apartment.

"Nag ot ka?". Salubong saakin ni Mina pagkapasok ko palang ng gate. S'ya lang ang kaedad ko rito dahil karamihan ay may anak at asawa na.

"Oo e, napag-initan na naman kasi ni head". Sagot ko.

"Iba talaga sapak nun sa ulo, palibhasa kasi matanda na kaya baka naiinggit lang sa'yo, ganda mo ba naman e". Tumawa s'ya at kinindatan pa ako.

"Sira, baka kasi ayaw n'ya lang talaga sa'kin. Hayaan mo na nga 'yon". 

"Mas'yado ka kasing mabait kaya ka inaabuso no'n. Sagutin mo rin minsan para matauhan. Hindi makatao ang ginagawa n'ya sa'yo". OA pang sabi n'ya.

"Ang OA naman ng hindi makatao HAHAHA. Hayaan mo na lang dahil wala naman na akong magagawa roon". Pagkatapos nang kaunting chismisan namin ni Mina ay pumasok na rin ako sa kwarto ko at nagbihis.

Kaya ayoko talaga ng walang ginagawa dahil kung saan-saan lumilipad ang isip ko. Ayoko ng balikan ang nakaraan dahil mas maiging mag focus na lang ako sa kasalukuyan para sure ang plano para sa kinabukasan.

Nakatulog na rin ako agad pagkatapos mag isip-isip dahil na rin sa pagod.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising dahil may isa pa akong trabaho. Dalawa ang trabaho ko. Nagtatrabaho rin ako sa isang bakery. Tumutulong ako sa pagtitinda at sa pagbibake dahil nagustuhan ng may ari ang gawa kong cake noon nung nag apply ako.

7am to 3pm ang schedule ko sa bakery samantala, 5pm to 10pm naman ako sa kumpanya.

Gumayak na ako at pumunta na sa bakery. Nakasabay ko pa si Mrs. Ana, 'yung may ari ng shop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The World Is Spinning, Come Dance With MeWhere stories live. Discover now