»MFHL #5«
»|| Sean's POV ||«
Habang bumababa ako nang hagdan ay hindi ko maiwasan na kabahan. Baka hindi magustuhan ni Tyron itong suot ko. What if he change his mind? Baka mag back out siya sa date namin. Nang makababa na ako ay nakita ko si Tyron na nakaupo sa may couch nila. Ang gwapo niya sa suot niya.
He is wearing a red shirt and he wore a black denim jeans that hugs his toned legs perfectly and he wore a red sneakers. His hair is a bit disheveled but gosh! He look so hot. Nang makita niya ako ay nakita kong napalunok siya. Sana nagugustuhan niya yung damit na sinuot ko. "Woah! You look hot!" Sambit niya at namula bigla yung mukha ko. "You look hot too" Saad ko at ngumiti lang siya. Nagulat ako nang halikan niya ang noo ko.
"OMG!!! Ang cute niyong dalawa!!!" Sigaw ni Kaia kaya napatawa nalang ako. "I'm not cute though I'm hot!" Saad ni Tyron kaya napailing na lamang ako. "Um... Ano po ba ang gagawin natin?" Tanong ko kay Tyron kaya napalingon siya sakin. "We're going on a date remember?" Saad niya kaya napatango na lamang ako. "Aalis na kami guys!" Saad ni Tyron at namula ang mukha ko nang hawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami.
"So saan mo gusto pumunta?" Tanong niya saakin habang nakangiti siya sakin. Napayuko ako and I bit my lip while thinking... Saan kaya pwede pumunta. "Don't bite your lip or I'll kiss you" Saad niya kaya nagulat ako at hindi na kinagat ang labi ko. "A-ano! Punta tayo sa M-mall!" Saad ko at namula ang mukha ko nang namalayan kong nautal ako.
"Okay! Sa mall tayo pupunta" saad niya at sumakay na kami sa kotse niya. Habang bumabyahe kami ay hindi ko maiwasan na kabahan at manerbyos. "Are you okay?" Tanong niya sakin ni Tyron kaya napalingon ako sakaniya. "I'm fine" Saad ko at kumunot naman ang noo niya. "Then why are you sweating?" Tanong niya at doon ko lang namalayan na pinagpapawisan nga ako.
"W-wala to!" Saad ko at pinunasan ko yung pawis ko. Nakarating na kami sa isang mall at bumaba na kami sa kotse niya. I saw the looks of other people to us. Their disgusted and I know that they hate gays. Napabuntong hininga nalang ako at nakita ko si Tyron na nakatingin pala saakin. Nginitian ko lang siya at kinindatan niya lang ako bilang reply niya sa ngiti ko.
Hindi ko maiwasan na mamula ang mukha ko kaya napatawa nalang si Tyron. I pouted and his breath hitched. "Damn don't do that Sean" Bulong ni Tyron saka ako niyakap. "Do what?" Tanong ko sakaniya. Umiling lang siya at bumuntong hininga. "Let's just get inside the mall" saad niya kaya tumango na lamang ako.
Nang makapasok na kami sa Mall ay napag desisyonan na muna namin na pumunta sa isang arcade game area. Well ito daw kasing si Tyron gusto muna daw mag laro kaya hinayaan ko nalang. Ang weird he's already 20 years old yet he still wants to play. Napatawa nalang ako sa iniisip ko. Habang nag lalakad kami papunta sa Arcade Game Area biglang may tumawag sa atensyon ni Tyron.
"Tyron?!" Boses ng isang babae yun. Lumingon si Tyron sa likod namin at parang na istatwa siya sa kinatatayuan niya. Lumingon rin ako at nakita ko ang isang napakagandang babae. "K-Kaylin" Nauutal na saad ni Tyron sa babae. Nakita kong naluluha ang babae at bigla nalang niyakap si Tyron na nagdahilan para mapasinghap ako.
"I miss you Tyron" Saad nung babae at niyakap pa ng mahigpit si Tyron. Hindi ko alam pero bakit ako nakakaramdam ng sakit? Napayuko ako para hindi nila ako makitang lumuluha na. "I miss you too Kaylin" Saad ni Tyron at nang iniangat ko ang paningin ko sakanila nagulat ako ng biglang halikan ng babae si Tyron.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Napasinghap ako ulit at narinig iyon ni Tyron. Nakita niya akong umiiyak. "S-Sean I-I can explain" saad niya at ngumiti lang ako saka umiling. "O-okay lang po Sir" saad ko at nakita kong napamilog ang mga mata niya. "N-no please let me expla-" hindi ko na siya pinatapos pa at tumalikod sa kanilang dalawa bago tumakbo paalis sa harapan nila.
Nang nasa labas na ako ng Mall ay doon ko na nilabas lahat ng sakit na naipon sa puso ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Napag desisyonan ko nalang na umuwi. Naglakad nalang ako pauwi at habang naglalakad ako ay bigla namang umulan. 'Sumabay ka pa talaga ulan sa mood noh?' Tanong ko sa isip ko.
Habang naglalakad ako at bumubuhos ang ulan. Hindi ko parin mapigilan na isipin yung nagyari kanina. Yung babae ba... espesyal kaya siya kay Tyron? Siguro girlfriend niya ata yun. Sa totoo lang... bagay silang dalawa. Parehas mag magandang mukha. Parang mga artista sila.
Napabuntong hininga na lamang ako at mabuti naman at narating ko na ang bahay ko. Binuksan ko ang pintuan at pumasok na sa loob. Siguro mas maganda kung umalis nalang ako sa buhay nila. Siguro mas maganda kung mag resign nalang ako bilang maid nila. Napayuko ako at umakyat nalang sa kwarto ko. Pag dating ko sa kwarto ko ay humiga ako sa higaan at ipinikit ang mga mata ko.
Alam kong may masamamg mangyayari ngayun. At yung nangyare kanina ay yunna yung masama. Napahagulgol ako ng iyak nung naalala ko nanaman si Tyron. Akala ko siya na yung magpapasaya saakin. Akala ko siya na yung taong mamahalin ako. Akala ko siya na yung makakatuluyan ko. Kaso... hanggang akala lang pala. I just sighed and closed my eyes.
Nagising ako bandang 3 am at grabe ang sakit ng ulo ko. Umupo ako sa higaan ko at napahawak sa noo ko. Ang sakit sobra. Naalala ko na naulanan pala ako kahapon so maaaring may lagnat ako. Pero hindi kailangan kong pumasok. Gusto kong makita muli sila Tyron bago ako mag resign. Tumayo na ako at napag desisyonang maligo. Sinuot ko na yung Maid uniform na may letter T sa Gilid ng sleeves at bumaba na. Nagulat ako nang makita ko si Tyron na nandoon sa baba at nang makita niya ako ay nataranta ito. "Sh*t are you okay?" Tanong niya at hinawakan ang noo ko. "Damn you're sick!" Bulyaw niya at umiling lang ako. "I'm okay sir pro-" di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumagsak ang katawan ko and
.
.
.
.
LIGHTS OUT- END OF CHAPTER 5 -
BINABASA MO ANG
MAID FOR HIS LOVE
Romance"Sir?" I asked him. "Bakit?" Tanong niya. Napakagat labi ako at nilingon siya. "First kiss ko po yun sir. Nag promise ako sa sarili ko na ang first kiss ko ay kapag kasal na kami nang mamahalin ko but I broke that promise... My big promise" Saad ko...