R&C 1

0 0 0
                                    

"HOY!!! Panget!", sigaw ni Raven sa papasok na si Christine.

Mataray na Nakataas ang kilay na tinignan ni Christine ng masama si Raven, "Bakit gwapo ka? Sa itsura mong iyan? Ha!" Balik sigaw naman ni Christine.

Umupo sya sa tabi ng kanyang kaibigang si Jamaica. Nagkatingin si Raven at Christine at nag irapan.

Ganito lagi ang sistema ng dalawang estudyante na ito ng 10 - Plato. Laging nag aaway na parang aso't pusa. Hampasan, habulan at asaran. Walang araw na pinalampas na hindi sila nag aaway.

Kahit ang kanilang mga kaklase ay walang magawa sa away ng dalawang ito. Dahil kahit sila ay hindi maintindihan ang pinagmulan ng away ng dalawa.

Sabay-sabay umuwi ang magkakaibigan na sina Christine, Jamaica, Samantha at Chloe. Sa kanilang paglalakad ay dumaan sila sa Plaza ng Amungan, kung saan naman nakatambay ang magkakaibigang Raven, Sean at Carl.

Malayo pa lamang ay nakita na ni Sean ang grupo nila Christine at itinuro niya ito kay Raven.

"Pre, chicks oh. Kaso hindi mo gusto," sabay tawa ni Sean.

"Hindi ko talaga gusto. Panget yan eh", sabi naman ni Raven ng lingunin niya saglit sila Christine.

"So, kung hindi mo gusto, pwede ko ng ligawan." Saad naman ni Carl habang nakatitig kay Christine. Nang lumingon si Christine sa kanya ay ngumiti sya.

Gumanti naman ng ngiti si Christine kay Carl. Nakita ni Raven ang ngitiang naganap kayo lalo syang sumimangot.

" Anong nagustuhan mo diyan? Ang panget, ang payat, hindi naman sexy, maliit, at higit sa lahat masama ugali!" Malakas na sambit ni Raven habang masamang nakatitig kay Christine.

Nang makalapit ang grupo ni Christine, kumaway si Carl kay Christine. "Hi, Christine", ngiti sabay kaway ni Carl. Ngumiti ulit si Christine at kumaway din. Nang mapalingon sya kay Raven, inirapan niya ito.

"Wag kang feeling. Hindi ka maganda. At kahit anong mangyari, hindi ka gaganda at walang magkakagusto sayo ng totoo." Mayabang na sabi ni Raven.

Napabaliktingin si Christine kay Raven. Tinitigan niya ang lalaki. May gulat at pagtataka ang kanyang mga mata. Binuka niya ang kanyang bibig na tila may gustong sabihin. Pero tinikom niya din ito makalaon.

"Sumosobra ka na ah." depensa ni Samantha sa kaibigan.

"Kaya nga pre, parang sobra naman yung sinabi mo." dagdag pa ni Sean.

"Maganda kaya si Christine," nakangiti at dahang dahang dagdag ni Carl.

"Maganda?! Kung maganda yan, eh bakit pala hanggang ngayon wala man lang nagkakagusto sa kanya. Ah baka dahil sa sama ng ugali. Pero pwede din dahil wala namang mahihita sa kanya ang mga lalaki dahil-"

Isang malakas na sampal ang ang pumigil sa pagsasalita ni Raven.

Masama ang tingin ni Christine. Nangingilid ang luha at kita sa mukha niya ang sama ng loob na kinikimkim niya.

Hawak ni Raven ang nasampal niyang pisngi, at mabilis na lumingon kay Christine. Masama ang tingin na binaling ni Raven sa dalaga.

"Ano b-," naputol ang sasabihin ni Raven ng makita niya ang luha at hinanakit sa mukha ni Christine.

Nabigla ang lahat sa nangyari, dahil ito ang unang pangyayari na sinampal ng malakas ni Christine si Raven.

Nagpunas ng luha si Christine. At walang lingon likod na tumakbo paalis. Nagulat si Raven sa nakita.

Hahabulin niya sana si Christine, pero hinawakan sya ni Carl sa balikat.

"Ako na tol. Sobra yung sinabi mo. Baka lalo lang lumaki ang gulo."

Hinabol ni Carl ang papalayong si Christine. At walang nagawa si Raven. Nakahabol lang sya ng tingin sa papalayong pigura ni Christine.

Kumuyom ang kanyang kamao at nagbaba ng tingin. Tila may malalim na iniisip. Napansin iyon ni Sean, na siyang pinakamalapit niyan kaibigan. Napailing na lamang si Sean at tinapik sa likod si Raven.

 StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon