Agad na nakita ng mga mata niya ang gwapong mukha ni Raven, ang kulay brown niyang mga mata na tila nangungusap.
Tila huminto ang mundo ng dalawang taong ito ng sila ay magtitigan ng matagal. Napawi lang ang kanilang pagkatulala ng biglang may pusang nag ingay.
Kumunot-noo si Christine, at binawi niya ang braso na hawak ni Raven. Pero mahigpit ang hawak ni Raven sa kanyang braso kaya hindi sya nakawala.
"Tin-", bungad ni Raven.
Tinaas lang ni Christine ang kanyang kamay senyales na tumigil sa pagsasalita si Raven. Hinila niya ulit ang braso niya. Pero hinila din ni Raven si Christine papunta sa kanya.
Dahil sa lakas ng paghila ay sumumsob ang mukha ni Christine sa dibdib ni Raven. Dali dali tinulak ni Christine si Raven dahil sa gulat. Namumula ang mukha ng dalawa ng sila ay maghiwalay.
Hindi tumitingin ang dalawa sa isa't isa.
Nang maalala ni Christine ang nangyari kahapon ay sumimangot ulit sya.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa, Ven. Nangyari na ang nangyari. Tama ka nga siguro. Wala nga siguro talagang magmamahal sa akin." Madamdaming sabi ni Christine. Napahinga sya ng malalim na tila nagpipigil umiyak.
"Tin, hindi yun ang ibig kong sabihin." mahinang sambit ni Raven. Nag aalangan na magtaas ng boses kay Christine.
Tumingin lang ang dalaga sa kanya ng matagal. Mga tingin na tila may mabigat na hinanakit sa lalaking kaharap. Tila may gustong sabihin pero nagdadalawang-isip dahil may takot at hinanakit syang nararamdaman.
Bumuntonghininga si Christine. Isa pa. At isa pa ulit. Umiling at napahawak sa noo.
"Tapos na tayo eh. Wala nang tayo. At kasalanan ko yun. Kaya pwede bang-," malalim na hininga ulit ang pinakawalan ng dalaga. Umiling na lang sya at umalis. Bumalik na lang sya sa classroom para hindi na niya makausap pa si Raven.
Tumingala si Raven. Matagal na nakatingala ang binata habang malalim ang binibitiwang hininga na tila nahihirapan. May maliit na hikbi na tumakas sa kanyang bibig bago sya umupo at yumuko ulit.
"Ha!" isang salita na puno ng mga sari saring emosyon na hindi niya mabatid.