A/N: Hello Guys! :)) This is my first story po, kaya sana po i-support niyo po! Ito po kasi magiging basis ko kung itutuloy ko pa pong gawin yung story ko eh :)) please vote and comment po! :)) THANKS :)
---
Hindi lahat ng love story may happy ending..
Yung iba kasi mas pinipili yung sasabihin ng ibang tao kesa sa nararamdaman niya para sa taong mahal niya..
Hindi lahat pinapalad magkaroon ng prince charming na pinapangarap ng lahat ng kababaihan..
Dahil hindi naman totoo ang fairytale..
Pero kung nanaisin mo, pwede kang gumawa ng sarili mong love story..
Ako kasi may gustong ibahaging love story sa inyo eh.. Yung kuwento ko..
--
“Oh my, ang ganda talaga ni Stacy no?”
“Idol ko tala siya, promise!”
“Pare, ang ganda talaga niya!”
“Sino kaya ang magiging boyfriend ni Stacy? Ako na siguro.”
Ayan ang lagi kong naririnig every time na papasok ako sa school. Oh my, I’m so maganda talaga. I can’t help it naman kasi.
Sino ba naman diba? Ako kaya ang Clinford Academy Queen.
Every year, our academy is conducting a pageant where the school will choose a beautiful young lady who’ll be the face of our school. At sa taon-taong pageant na iyon, ay walang palya ang pagkapanalo ko.
And this will be the last year that I’m going to hold my title, dahil gagraduate na din ako. My Gee, I’m going to miss my throne here in the academy.
I am Stacy Mendez, high school student here in Clinford Academy. Buhay prinsesa lagi, many suitors, many fans, and many people who admires me. And I am enjoying my popularity. I got use to it na kasi because of my charm. Di naman sa nagmamayabang pero totoong maganda ako. Singkit na mga mata, matangos na ilong, kissable lips, has a body of a beauty queen and always wearing a beautiful smile. Feeling celebrity na nga ako dito sa campus eh. Kapag lumaki ako, nako, talagang ipu-push ko ang pag-aartista or pagbu-beauty queen ko! ^___^v
---
Akala ko lahat sila gusto ako, pero hindi pala. Meron isang particular boy dito na kahit anong pa-cute at lakas ng charm ko ang ibato sa kanya, aba’t itong anak ng palaka, dinededma ang beauty ko! Pero teka, teka. WALA akong interes sa kanya ah. It’s just that, siya lang ang katangi-tanging tao na iniignore ang kagandahan ko, at LALAKI pa siya. Di ba? Asdfghjk. Tinatapakan niya ‘tong ego ko ah. Tignan lang naten kung di ka pa maakit sa aking alindog. BWAHAHAHA. *evil laugh*
Balita ko, scholar daw siya dito kaya humingi ako ng tulong sa mga teachers ko dahil close naman kami. Dahil na rin sa may upcoming contest ang school namin, at ako ang ipapanglaban, I asked them to assign that scholar boy to be my trainor in question and answer portion and they definitely agreed kasi nga he’s so smart. So kapag matalino ayaw na sa magagandang tulad ko? NO WAY. Ipapa-abduct ko siya sa mga aliens kapag nagkataon. ^^
Sinadya kong maagang pumunta sa designated room kung saan niya ako tuturuan. 2:00 pm is the call time and he came 5 minutes before it. Wow! Siya na!
As he began giving me questions to answer, I scanned his face and his body. (Hey, hey physical appearance okay, wag green. Haha) Hmmmnn. Mahahabang pilikmata, matangos na ilong, singkit na mata, fair complexion, matangkad (kanina ko napansin pagpasok niya ng room), at malinis tignan. Di na masama, all in all, masasabi kong Cute siya, tanggalin niya lang ang nerdy glass niya. Pwede na din, but he’s not my type, so simple to be my ideal guy.