Simply me

41 1 3
                                    

Hindi ko inakala na ganto pala ang mangyayare sa aking buhay. Nagkaroon ako ng inspirasyon sa lahat ng bagay na aking ginagawa. Ako rin ay umiibig ngayon. Oo nga pala, ako nga pala si Jigo Jovero, isang estudyanteng UMIBIG, NASAKTAN at NANGARAP. 

Nagaral ako ng kinder sa isang eskwelahan na malapit sa amin. Bago pa man akong makapasok sa eskwela, ako ay nangarap na rin. Nangarap na magkaroon ng magandang buhay at makapagaral sa magagandang eskwelahan. 

Well, nagsimula na ang aking unang klase. Syempre, takot pa akong maiwan ng aking mga magulang. Buti nalang, kaklase ko ang aking pinsan na. Kaya ayun, medyo nde na ako kinakabahan. Pagibig? Wala pa ako nung time na kinder palang ako. Pero nung nag kinder 2 na ako, nagkacrush na rin ako. Kaso hindi ko pa yun tinotohanan kaya ayun, parang wala lang ang crush sa akin nung oras na yun.

Pagkatapos kong grumaduate sa kinder, pinasok naman ako ng mga magulang ko sa isang pribadong eskwelahan sa Caloocan. Nung una, pinagtest nila ako. At ayun, pumasa ako. Pero kinakabahan din at the same time. 

Grade 1.

Pumasok ako ng maaga nun kasama ang aking magulang. At ang seksyon ko pala nun ay St. Charles. Andami ko na meet na estudyante doon. Pero may mas matatanda pa rin sa akin kaya kailangan ko silang galangin din. Natatandaan ko pa nun ay may kaklase akong magaling magsalita at matalino rin. Pero parang nahuhuli ako sa klase kaya kailangan ko pang magsikap. Marami rin akong kalokohang nagawa tulad nalamang nung nabato ko yung teddy bear ng kaklase ko sa window kaya ayun kailangan kong palitan. Nakakainis yun. -_- 

Grade 2.

Pumasok na ang grade 2. Sure naman ako na maraming nagbago sa akin. Well, naging adviser ko ang math teacher namin. Favorite subject ko ang math kasi ito ang laging gustong ituro ng aking magulang sa akin. Nagkuhanan kami nung card nung first quarter at 81 ang math ko. Dismayado ang aking magulang kaya tinuruan nila ako. At pag hindi ko kayang sagutan iyon, iiyak ako. Haha. =))) Tumaas naman ang grado ko simula nung 2nd quarter. At dito na ako nagsimulang umibig TALAGA. Nagkacrush ako sa isang katabi ko. Well, masarap siyang kasama. Masarap din siyang kakwentuhan pero natapos ang grade 2 ko wala akong naging crush. 

Grade 3.

Grade 3 na ako. Improving 'no? xD Ang adviser ko naman ay isang english teacher. Magaling un magturo. Grabe kaya. =)))) Dito na ako naging maloko. Katabi ko nun ay isang anak ng teacher tas ang hyper niya kaya nahulog din ako. Pero crush lng aa. :P xD Mas pinagbuti ko ang pagaaral ko this year. Pinakafavorite kong guro ay sa MAPE kasi magaling din sya. May time ngang may contest kaming DAPAT sasalihan kaso hindi natuloy pero kasama ako dun bilang representative ng aming seksyon. 

Grade 4.

Improving na talaga ako. Kaso may isa akong kaklase na pinakaayaw ko. Kadiri kasi siya. >:) Lagi ko daw pinapaiyak pero hindi naman talaga. Masama un ee. Kasi nandoon ako sa upuan ko kala niya upuan niya kaya pinapaalis ako pero sinabe kong upuan ko kaya ayun umiyak at nagsumbong sa Discipline pero wala akong pake. Nilogbook lng naman ako ee. Hoho. =))) Dito na rin ako nagkaroon ng Bestfriend. Mabait yung bestfriend ko. Nagkacrush din nga ako sa kanya minsan ee. Kaso hindi naman tumagal yun.  Natatandaan ko pa nun ay favorite ko ang Social Studies. Kaya ayun may isa kaming test na isa lng ang mali ko. At favorite din ako ng teacher ko nun.

Grade 5.

Dito na maraming mga bagay na kailangan gawin. At ako ay nahalal bilang Bise presidente ng klase. Sa tingin ko, napakahirap talaga nung posisyon ko nun. Well, adviser ko nun naman ay sobrang bait. Mabait sa akin kasi kaclose niya kuya ko. Pero nakakatakot yun magalit. Pero nakaya ko naman ang isang taon sa kanya. Inakala ko nga nun na ang presidente namin ang magiging best in deportment ng klase yun pala ay ako kasi siya ay anak ng teacher kaya may possibility na siya yung maging best in deportment. Well, pinakamasayang grade to para sa akin. Kasi dito ako nahalal bilang Auditor ng Student Council. Di ko rin naman inakala yun. Pinatakbo lng ako ng adviser ko at nung presidente namin. At dito rin talaga ako nagkaroon ng crush. <3 Na tumagal ng halos 2 years. xD Solid ako ee. xD Pero nasaktan din ako at the same time. Huhu. =)))

Grade 6. 

Gagraduate na ako sa elementary. Sad un. xD And patuloy pa rin ako bilang auditor ng student council. At inasahan ko nga rin nung time na un na ako ay magiging presidente ng aming klase kaso nde nangyare. Tumakbo din ako bilang bise presidenta kaso hindi rin nanalo. Sa huli, walang nakuhang posisyon. Tuloy pa rin ang pagibig ko. 2 year nga ee. Hinde pa tapos. Wag excited. >:P xD Pinagtest din ako sa Calsci. Pumasa naman ako. Pero nagaalangan ako ee, kasi mahirap na eskwelahan ang pinasukan ko. Tsaka nakakahiya namang matanggal diba? Kaya pinagdadasal ko na hindi ako matanggal. Dumating na ang graduation, iyak dito, iyak doon. Hoho. Katabi ko pa ang aming top 1. Nakakakaba yun. Hahaha. At best in deportment ulit ako at active student council officer kaya ayun naglakad ako sa carpet ng magisa. ahihi. May carpet nga ba tlaga? Haha. xD At natapos din..

Firstyear.

Hoho. Mahirap naaa. -_- Calsci ee. Pero masaya naman ang mga nangyare sa aming section kasi nakuha naming ang ikatlong place sa sabayang pagbigkas. Dahil na rin sa tinuro ng teacher namin at adviser. Well, yung 2 years na pagibig ay natapos dito. </3 Pero ok lng. Mamaya ko na sasabihen yung iba. Nagkaroon naman ako ng bestfriend dito, si lamchek at Denji. Masaya kasama si Lamchek pero pag napikon, ingat ingat lng. Haha. Si denji naman, masaya din kasama kasi nakakarelate siya sa akin kasi may pagibig ung letseng un ee. Hahah. :P xD De. Pero mabait yang mga yan. Lol. Pagibig? Napalitan na nga. Nung taga-Copernicus. Nde ko naman inaasahan yun ee. Pero ok lng. :P Mabait naman siya ee. Minsan nga lng. :P End of class, iyakan yun. =)))) Pero masaya naman. Tas si Jazmine.Haha. -_- Ilang yakap din un. As a friend lng aa. xD May BF na yan ee. xD Requirement pa ee. >:)

At hanggang dito muna siguro tayo. =))) PAGIBIG din ito. 

Maraming salamat sa mga special mention Haha. xD 

Simply meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon