Chapter 2:Babala

133 7 0
  • Dedicated kay BSIT section 1-47 BFF's
                                    

 Aerith's POV

"Prinsesa san po kayo pupunta, hindi po akyo pupwedeng lumayo!" Sigaw sa akin ng aking tagabantay.

Huminto ako at ngumiti sa kanya.

"Huwag po kayong mag-alala, kukuha lang po ako ng mga bulaklak sa paradise garden"paalam ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Lagi na lamang ganoon, tuwing aalis ako o kung anong gagawin ko laging may nagbabantay sa akin. Ako nga pala si Aerith asane, ang Fairy princess From the Kingdom Of clorshca. Wala na akong mga magulang dajil sanggol pa lamang ako nang mamatay sila. Maraming nagsasabi na ako daw ang itinakdang prinsesa na  papaslang sa Vamplord, pero imposible yun. Narito na nga  ako sa paradise garden at namimitas ng mga bulaklak nang may maramdaman akong nagmamasid sa akin sa paligid.

Cyde's POv

kainis! naramdaman niya na siguro na may magmamasid sa kanya! Kailangan hindi ako magpahuli. Kailangan ko pa din siyang bantayan.

ang lakas pala ng pakiramdam ng prinsesang to! Tss! Magpapakita na nga ako.

 Aerith's POV

Hindi ko na lang pinansin yun at  nang lumingon ako ako sa aking likuran may lalaking nakasuot ng robe na may hood at nakatakip ang kanyang mukha kaya't mata lang niya ang aking nakita. Tumayo ako at Tinanong siya.

"sino ka?"

Hindi siya sumagot sa halip ay hinawakan niya ang braso ko. At biglang may pangitain akong nakita. Isa siyang bampira, at nasusunog ang aming palasyo, maraming tao ang nabihag ng mga bampira.kumalas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Isa kang bampira? anong kailangan mo sa akin?"tanong ko sa kanya.

Inalis niya ang takip sa kanyang mkha saka ngumiti sa akin.

"ako si Clyde Zanzenin, Vampire Prince. Narito ako para bigyan ka ng babala, mag-iingat ka, gingawa ko ito dahil hindi ko gusto ang mga pinaplano nila sa iyo" Seryoso ang tinig niyA.

"Plano?anong ibig mong sabihin?"saka ulit siya ngumiti sa akin.

Nagwave siya saka tumalikod at naglakad palayo.

"alam kong magkikita pa ulit atyo, princess"

Sabi niya sa akin saka naglaho. Bakit niya ako binigyan ng babala?.

The PRINCESS'S VAMPIRE PROTECTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon