"YOUNGEST SANCHEZ AND HER LOVE FOR BAR HOPPING"
Grabeng headline 'yan ah!
That article is the first thing I saw the moment I opened twitter. I sighed and turned my phone off, I'll appreciate the road instead, habang hawak-hawak ang masakit 'kong ulo. Bwisit.
Bakit ba kasi pati buhay 'ko sa likod ng camera, nangingielem sila? Kung hindi ba naman tanga, pati pag b-bar 'ko, binabalita pa. Good morning nalang rin talaga.
Buti nalang sanay na ako at ang manager 'ko sa mga ganitong article, hindi na nakakagulat. Ever since I started working for the limelight, wala na ata silang pinalampas sa'kin. Draining, yes, but it is what it is.
Malala ang hangover 'ko, but I still woke up early today. Nangako kasi akong sasabayan 'ko si Scarlette, my niece, over breakfast bago sumama kay kuya Simeon para ihatid siya sa school. Ilang beses na niya ako hinahanap sa kuya 'ko, ang daddy niya, kaya lang ay laging may nababangga na trabaho. Kaya ngayon na free ako, kahit ba pakiramdam 'ko ay tinotornilyo ang utak 'ko, tumuloy na ako.
Medyo may kalayuan ang bahay nila kaya naman minabuti 'ko munang pumikit. My head hurts as fuck. How I hate hangovers.
I was on the verge of napping na when someone called from my phone. Dinungaw 'ko yun, and I sighed when I saw who it was. Ms. Ana naman e.
"Po?" Tamad 'kong sagot, at saka pumikit ulit. Umiikot talaga ang paningin 'ko.
"I'm sorry, nagising kita?" I heard her laugh. "Anyways, I'll make this quick naman."
Hinayaan 'ko siyang tumalak sa linya. My brain is refusing to digest anything right now, though.
"Your dentist, remember? Unfortunately lumipat na sila ng location, late ako na inform. But don't worry, may nahanap akong kapalit. Kakilala 'ko kaya naman tuloy ang schedule mo later, pumayag siya kahit last minute. I'll send his clinic's address sa driver mo."
Tumango nalang ako, kahit alam 'kong hindi yun makikita ni Ms. Ana.
Nanatiling tahimik ang linya. Akala 'ko nakatulog na 'ko nang tuluyan, kaya halos mapatalon ako nang isigaw niya ang pangalan 'ko.
"Serenity! Narinig mo ba 'ko?" Ms. Ana naman e!
"Po?! Opo!" Naiirita 'kong daing.
"O, siya, sige. Matulog ka na ulit. Hindi ka talaga maayos kausap pag umaga," sabi ng manager 'ko before ending the call. Edi wow.
I sighed and reclined my seat. Hindi 'ko alam kung malayo pa ba kami o ano dahil wala pa naman sinasabi ang driver, pero inaantok talaga ako kaya bahala na.
Ramdam 'ko na ang pag-tulog 'ko nang tumunog ulit ang cellphone 'ko. Text naman ngayon! Bakit ang aga magising ng mga tao sa mundo?! At bakit ang aga aga nila mang abala?!
Cobe:
Good morning! Saan lakad mo today? :)
I rolled my eyes. Isa pa 'to. Kagabi palang ay nasabi 'ko na ang plano 'ko ngayon, kaya nga tinanggihan 'ko ang mga aya niya.
Bago pa ako malasing nang tuluyan kagabi ay naalala 'kong nireplyan 'ko ang iilang text niya, inaaya niya kasi akong mag gym at breakfast ngayon. Tinanggihan 'ko nga lang dahil may iba akong gagawin.
YOU ARE READING
Serenity's Escape
Teen FictionDespite her name screaming calmness and untroubledness, she finds peace within its complete opposite. She lives for the noise of life, while he doesn't. A story for Serenity Sanchez and Valentino Alcarez, all based from the twitter serye.