CHAPTER II

2 0 0
                                    

Mika's POV

Kinaumagahan ay naisipan kong mag punta sa market para mamili ng mga stock namin na lulutuin sa mga susunod na araw. Nasa kalagitnaan ako ng pagpili sa vegetable section ay may napansin akong nakatitig saakin sa may meat section. Pero ng tignan ko naman ay wala na, naprapraning lang ata ako.

Sa tingin ko naman ay nabili ko na ang lahat ng dapat kong bilihin kaya dumiretso na ako sa counter. Matapos mamili ay nagpunta akong convenient store dahil gusto kong mag ice cream bumili na ako ng apat na  medium tub na ice cream. Nagmadali na din akong umuwi dahilmagtatanghali na at baka malusaw din ang ice cream na binili ko.

"Andito na po ako," agad naman akong sinalubong ng kapatid ko at tinulungan akong magbitbit. 

"Uy may ice cream," tuwang tuwa nitong sabi. Pagkadala namin sa kusina ng mga pinamili ay naabutan ko si Mamana nagluluto ng paborito kong sinigang na baboy. Nilagay ko lang ang mga pinamli sa ref at tumulong na din ako kay Mama na maghain.

"Anak, sabi sakin ni kumare uuwi na daw Liam," panimula ni Mama.

"Halla si ate namumula Ma," sabi naman nitong kapatid kong mapang-asar. Jusko tiii nangigigil ako ha.

"Waley ka be? Hindi naman ako namumula," sabi ko sabay kapa pa sa aking mga pisngi.

Nagtawanan na lang kaming pareho. Alam kasi ng buong pamilya ko na gusto ko talaga si Liam, sabi naman nila Mama dahil daw halata naman nung bata pa ako na may gusto ako sa kanya, kaya nila nalaman.

Kinagabihan ay kinuha ko ang isang tub ng chocolate ice cream sa ref at kinain habang nagmomovie marathon. Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng naisipan kong lumabas sa veranda ng kwarto ko, gusto ko lang ng makalasap ng sariwang hangin. Naupo muna ako saglit sa swing na kasya ang dalawang tao. Naalala ko dito kami palagi tumatambay ni Liam kapag gabi at nakatingala sa mga bituin. Naalala ko tuloy nung times na sabay kaming mag wish ni Liam sa shooting stars nung seventh grade kami.

~flashback~

"Mika, ang ganda talaga tignan ng mga bituin no," sabi ni liam.

"Oo nga e," sabi ko naman pero hindi talaga ako sa mga stars nakatingin kundi sa muka niya hihi enebe.

"Mika look may shooting star tara mag wish tayo," excited nitong turan.

"I wish na makasama kita palagi Liam," wish ko habang nakapikit at nakatingala. Matapos sabihin ang wish ko ay tumingin ako kay Liam at nagulat ako na nakatingin siya sakin na nakangiti.

"Bakit Liam? May dumi ba yung muka ko?" sunod sunod kong tanong. Dahil kung may dumi sa muka ko nakakahiya naman na makita niya yun.

"Wala Mika, hahaha ang cute mo," sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

"Teka ano nga palang wish mo?" curious kong tanong sa kanya dahil hindi ko narinig yung hiling niya tapos ako sinabi ko ng malakas.

"Ah wala sabi kasi sa akin nila mama na kapag sinabi mo daw ang wish mo hindi matutupad."

"Ha! Halla sinabi ko edi hindi matutupad yun?"

"Kahit hindi mo hilingin, tutuparin ko parin."

~end of flashback~

Hindi pa ako tapos sa pag alala ng mga memory namin dito sa duyan dati ng may marandaman nanaman akong nakatingin kaya lumapit ako sa railings ng veranda at nahuli ko yung nakahoodie na itim na nakatingin pero nung tinitigan ko ito ay naglakad na ito palayo, ayoko naman tawagin baka magising pa sila Mama.

Bumalik na lang ako sa loob dahil ang weird ng nangyare kanina. Tinuloy ko na lang ang panonood ng kdrama. Opo mahilig din ako sa kdrama eh bakit ba HAHAHAHA. Hanggang sa inantok na lang ako kakanood at natulog na din.

Kinabukasan ay maaga akong nagbukas ng shop dahil maglilinis ako dahil hindi ako pumunta sa shop kahapon.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng may tumama sa likod ko, hindi naman siya masakit kaya tinignan ko yung binato at nakitang isang pirasong bulaklak ng rosas ito at yung favorite ko na klase ng rosas which is yung white. Pinulot ko ito at lumabas ng shop sinusubukang hanapin ang nagbato pero wala naman na akong naabutang naglalakad sa labas. Hay nako iba talaga ang ganda ko te HAHAHAHA alam ko believe nanaman kayo sakin jusko masanay na kayo ganyan talaga ang buhay maganda. Kidding aside last na nakareceive ako ng white roses ay nung araw na nawala na lang ng biglaan si Liam.

Liam's POV

"Anak namiss kita ng sobra."

"Namiss ko din kayo Ma, Pa," sabi ko sa kalagitnaan ng pagyakap ni Mama sa akin.

"Bakit nga ba ayaw mong imbitahan ko si Mika ngayon, nako sigurado ako na miss na miss ka na din non," turan ni Mama.

"Hayaan mo muna akong gumawa ng paraan kung paano ko siya kakausapin dahil siguradong nagtampo yun at hindi ako nakapagsabi sa kanya nung umalis ako," nalulungkot kong sabi kay Mama.

"Ewan ko ba sayo, bakit kasi hindi ka nagpaalam manlang,"sagot ni Mama.

"Mahihirapan akong umalis kapag nakita ko siya."

Kakauwi ko lang nung sabado ng gabi, maaga akong pumunta sa bayan dahil nalaman ko na matapos makagraduate ng college ni Mika ay nagtayo siya ng plant shop at bibisita ako doon.

Bago ako tumuloy sa shop ay bumili ako ng isang white rose dahil alam kong paborito niya ang bulaklak na ito.

Nakita ko siyang naglilinis sa shop niya ng makarating ako doon, kaso nga lang nung nandoon na ako ay nawalan na ako ng lakas ng loob na kausapin siya kaya inihagis ko ang bulaklak sa kanya at tumakbo sa malapit na eskinita para magtago.

"Pasensya ka na Mika, hindi ko pa kayang makaharap ka sa ngayon," at umalis na din ako doon ng pumasok na siya sa shop niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waiting for YouWhere stories live. Discover now