Credits to: Vinedi
Thanks for helping me.
PLAY THE SONG DUN SA TABI.
DI NIYO TO MAFEFEEL =))))))
OO NA PANGET. NABWISET AKO EH.
HAYYY
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-==-=-=-=-=-=-=
Ako daw yung tipong magaling mag-advice about sa pagibig.
Madami daw ako natutulungang tao basta about dyan sa pagibig na iyan.
Pagibig.
Nakakasawa.
Paulet-ulet
pero ito ang magpapakasaya sayo
at mananakit rin sayo
Ako nga pala si Zean. Lalake ako yes. 17. Umiibig sa hindi pwede.
And i will try to... fix you
---------------------------------------------------
"So guys, Ang lesson for today ay sequence. May apat tayong sequence. Fibonacci, Arithmetic, Geometric and Harmonic sequence"
Ako nga pala si Zean. Zean dela fuentes. Isang Algebra teacher for 2nd year students.
I am now 31 years old
"Please answer page 169, letters A and B. I'll check afterwards"
Umupo na ako sa teachers table at nagpahinga.
Pero may nakakuha ng atensyon ko
Isang estudyanteng mukhang may pinagdadaanan.
"Miss Raleo?" Sabi ko.
Pero tulala pa din siya.
"Miss Raleo!" Sigaw ko.
"Y-y-yes s-sir?"
"May i talk to you outside?" I said.
Nagulat siya pero tumayo rin at naglakad ng nakayuko.
Umupo ako sa bench at sumunod naman siyang umupo.
"Miss raleo. Ano bang problema?"
Tumingin muna siya at bigla nalang siyang umiyak.
"Naf-f-r-riend z-z-zone po kasi ako"
Napa buntong hininga ako.
"Alam mo aleya. Ganyan talaga ang pagibig. Paminsan para kang bagay, Mahal ka pero bibilhin ka parin pero paminsan para ka ring bagay pa din, Di ka nga mahal pero may HALAGA ka"
Tumawa siya "Di ko naman to ginusto eh. Nakakaloka si kupido mali pa ng pinana. Tinulungan ko lang naman siya nun kasi di siya makamove on" At yumuko ulet siya.
I smiled.
I remembered myself when i was in that age.
"Iha, Kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan. Wala kasi tayong magagawa eh. Ang pagibig hindi mo nga yan mapipigilan pero balang araw kaya mong patapusin din kaya start moving on dear. Masasayang ang mga oras mo eh"
"Sir maraming salamat ah!"
I smiled.
"No need iha. Its my job to fix broken hearts"