Hi! 2 updates today kay Mayor then by Monday na po ulit ako mag-update dito sa wattpad saka yung kay General at Amour sa Patreon and vip group may trangkaso po kase ako kaya hindi ako makapagsulat ng tuloy-tuloy. Pahinga lang ako ng two days then mag update na po ulit ako. Thank you!
"P-Primo?" Hindi ako puwedeng magkamali dahil sa kanya talaga ang boses na narinig ko at sa kanyang numero talaga itong tumatawag sa akin. "Primo? I-Ikaw 'yan diba?" Nag-crack na agad ang boses ko kahit wala pa akong naririnig na nagsalita ulit, but I know he's really my husband!
"Ako nga wife, ako nga Serenity." Sabi naman ni Primo sa kabilang linya, matapos niyang mag-ensayo sa shooting range ay agad siyang dumiretso sa barracks na tinutuluyan niya pang-samantala. Good thing is nasa bulsa niya ang cellphone niya at hindi naman ito nawala o nalaglag ng kunin siya ng mga kaibigan. So he call his wife after he went back here, dahil tulad niya ay alam niyang nag-aalala din ito sa kanya ngayon. And he want to end her worries now and say to his wife that he's safe and nothing bad happened to him.
"My God, my God i-ikaw nga, nasaan ka ba? O-Okay ka lang ba? nakatakas ka ba sa mga kidnapper mo kaya ka nakatawag? I'm so worried to you!" Napaupo na lang ako sa kama ng masiguro ko na siya nga ang tumawag at boses talaga ito ni Primo. My hands are even shaking until now because he contacted me!
"I'm safe and I'm good Serenity, and I'm sorry for making you worried." Paunang sabi ng alkalde sa asawa.
"T-Talagang pinag-alala mo ako pero uuwi ka na ba? Nasaan ka ba? ipapasundo kita." Sunod-sunod kong sabi sa kanya dahil hindi na ako makapag-hintay pa na makita ko siya at mayakap. Kung hindi nga lang siguro ako pinainom ni Ate Sienna ng sleeping pills kagabi ay baka hindi ako nakatulog sa kakaisip sa kanya. But hearing his voice now and telling he's okay I felt good too. Dahil 'yon naman ang gusto ko at malaman sa ngayon na ayos lang siya at walang masamang nangyari sa kanya.
Napatayo naman si Primo sa kinakaupuan, alam niyang umiiyak ang asawa dahil naririnig niya ang tunog ng pag-hikbi nito sa kabilang linya. And stressing her is not good because she's pregnant. Pero paano na? Ano 'to? Aatras siya sa usapan nila ni Supremo? Ayaw naman niyang masabihang walang isang salita dahil naka-oo na siya dito.
"I can't still go back Serenity, hindi pa ako makakabalik sa Santa Clarita." Pinal na sabi ni Primo. Alam niyang mapapa-isip na naman ng kung ano ang asawa dahil sa sinabi niyang ito pero hindi naman talaga siya makakabalik agad gaya ng gusto niya. He need to finish first his assignment before he can go back to his mansion. Biyernes naman na ngayon at ilang araw na lang at gagawin na din niya ang misyon niya.
"P-Paanong hindi? I mean akala ko ba--" Parang bumalik lang ang kaba ko ng sabihin niya 'yon, dahil naguluhan lang ako lalo kung bakit hindi pa siya makakabalik.
"I need to do something first before I go back to you Sweetheart, pero isa lang ang sisiguraduhin ko I'm in good condition now and wala sa aking nangyaring masama." Primo said it to her, tutal nandito na din naman siya sa Manila at apat na araw na lang naman ang hihintayin niya bago ang kanyang misyon ay aayusin na lang din niya ito at tatapusin.
"Pero bakit nga? at anong something ba ang sinasabi mo ha? akala ko ba okay ka na? So bakit hindi ka pa babalik? nasaan ka ba?" Sunod-sunod ko ulit na tanong, ano 'to? Hindi lang ba siya kinidnap? dahil mukhang hinostage din siya gano'n? o baka dahil may inuutos pa o pinapagawa sa kanya ang mga lalakeng dumukot sa kanya kaya hindi agad siya makakabalik sa akin?
"Calm down okay, calm down wife because you're pregnant. Just give me four days then I'll go back to Santa Clarita after that." Sabi ulit ni Primo, hangga't maaari ay ayaw na niyang pahabain ang usapan nila dahil baka madulas pa siya at masabi dito ang totoo.
"C-Calm down? paano ako magca-calm down Primo? Eh nag-aalala nga ako sa 'yo, I saw you being kidnapped yesterday and you think I can calm down? At hindi lang ako ang nag-aalala sa 'yo. We are all worried about you dahil hindi namin alam kung sino ba ang mga dumukot sa 'yo o kung saan ka ba nila dinala. Ako, ang mga kaibigan mo pati na 'yong mga tauhan mo sa bahay ay lahat kami nag-aalala sa 'yo. Tapos ngayon tinawagan mo nga ako at sinabing okay ka lang at wala namang nangyaring masama sa 'yo pero hindi ka pa din pala makakabalik."
"That's why I call you right, kaya nga tinawagan kita para sabihin sa 'yo na okay lang ako at wala naman sa aking nangyaring masama. Just give me four days then I'll go back to you safe and alive." Paliwanag pa ulit ng alkalde, hindi naman niya kase puwedeng hindi ito tawagan dahil siguradong lalo lang itong mag-aalala sa kanya na ayaw naman niya syempreng mangyari. He don't want to make his wife more worried, dahil iniisip niya din ang lagay ng baby nila na nasa sinapupunan niya. At kung may mangyaring masama ulit sa pinag-bubuntis nito ay wala na talaga siyang masisisi pa kung hindi ang sarili niya.
"Sabihin mo muna kung nasaan ka, I want to know Primo dahil hindi ako makakalma kung hindi ko malalaman kung nasaan ka ba." Sabi ko ulit sa kanya, four days pa daw bago siya makauwi sa Santa Clarita? bakit? May inutos ba o pinagawa sa kanya ang mga kumidnap sa kanya kaya hindi siya makakabalik agad sa amin? Kase kung oo lalo lang ako mag-aalala na baka may mangyari sa kanyang masama.
Primo took a deep breathe, he can't give all the details to Serenity because for sure his wife will ask help to her cousin and Eros Jacinto for sure. And of course he don't want that to happen, ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa gobernador na 'yon kaya nga mabuti pa na tinawagan niya na ang asawa ngayon para makauwi na 'to sa Santa Clarita. "I can't give you all the details wife but trust me I will go back to you after four days." 'Yon na lang ang nasabi niya dito.
"Primo? Primo!" Tawag ko sa pangalan niya pero pinatayan na niya ako agad ng tawag.
Samantalang napamura na lang si Primo matapos niyang patayan ng tawag ang asawa, he felt guilty doing that to her. But he can't really tell everything to Serenity, at siguro ipapaliwanag na lang niya ang lahat dito oras na bumalik siya sa kanila.
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
Call Me Mayor Book 02
RomancePrimo Suarez and Serenity Del valle story This is R-18 story and not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Wag niyo ng i-skip yong book 01, yon muna basahin niyo.