today is oct 24 2023 ( tuesday) 2:21pm
event ni rhian is oct 22 2023 (sunday) 1:00pm-5:00pmhindi ko na mapigilan,hindi ko na mahintay yung picture namin dalawa,hindi pa nilalabas ng cyberhians hehe pag nilabas na nila lalagay ko na dito. pero diko na ipopost sa IG ko or FB ko .. mas maganda sana kung may selfie kami sa phone ko noh ? and sana may autograph yung likod ng phone ko para pag nakikita ko phone ko makikita ko autograph nya.. pero may picture na binigay,bili nalang ako transparent na case tas lalagay ko sa likod ng phone ko yung picture niya..
- salamat po pala sa lipstick sobrang ganda nya,and sa foods and sa vida na water and sa candle.. maraming salamat naging masaya yung buong araw,ang saya niyo panuorin at ang babait ng tao.salamat din sa nakatabi ko sa table hehe napakwento pa ako don sa isang katabi ko na nasa kaliwa ko 😂 nakwento ko kung san nag start kung san ko nagustuhan si rhian tas nung nakatabi ko siya sa upuan sa sinehan hehe..
- sobrang hiyang hiya talaga ako non,nanginginig buong katawan ko,nahihiya ako lumapit ke rhian 😂 nahihiya ako mapicture an at nahihiya ako na mapasama sa groupie kasi ipopost nga nila sa ig nila or fb or tiktok 😂 pero bahala na. nandon na ee baka kasi sabihin kung hindi ako sasama sa group picture baka isipin nila napaka arte ko hehehe pero super nahihiya lang talaga ako non sana maintindihan niyo..
-nakakaiyak kasi nakaya ko,nakaya ko pumunta sa event ng AKO lang mag isa ang umattend sa event. kinaya ko pa din at natapos ang event kahit nanginginig ako sa hiya.
- nung nakita ko si rhian grabe sobrang ganda pa din lalo siya gumanda!!!! tapos inisip ko nanaman siya ulit hahahha bumalik lahat simula nung una ko siyang nagustuhan , naalala ko nanaman kung pano niya ako pakiligin at pasayahin.. bakit pala hindi mo kasama non si sam or si wifey mo? hehe ayaw mo ba akong mag selos ? 😂 joke lang.
- tingin ako ng tingin sayo pasensya kana ha ? tomboy nga kasi ako 😂 gandang ganda ako sa muka mo!!! di mo manlang ako tinitignan 😂 or baka sinasadya mo wag tumingin ? 😂 joke !!! bakit kaya bawal mag selfie ? and autograph ? dati naman pwede yata ? 😂 oks lang kahit bawal hindi ko din naman sure kung kaya ko mag pa selfie sayo since nanginginig nga ako 😂 wala pa ako masyadong tulog nong gabi tas iniisip ko talaga kung pupunta ba ako or wag nalang kasi diko kaya mag isa yon ang nasa isip ko.tas nung nakausap ko yung friend ko na lalake na may motor at nung sinabi niya hahatid niya ako sa event ayon nag decide na din ako pumunta since may mag hahatid naman hindi ko na inisip yung pag uwe ko. bahala na pag uwe ganon.. tas may email pala ang cybherhians late ko na po nabasa sabi don close na daw yata ang form tas sa susunod nalang daw ako umattend ganon nakalagay pero late ko na nabasa.nakauwe na ako dito sa bahay 😂 buti nakapunta pa din ako pasensya na kayo sakin gusto ko lang din po kasi makita si rhian sa personal gaya niyo po hehe.salamat din cyberhians kasi kahit di ako member pinayagan niyo pa din ako makapasok sa event niyo.. wala po akong masamang intensyon ke rhian. love ko din po siya gaya niyo..and i want best for her din po.. diko alam kung bakit ee ahahha hindi ko siya nakakasama pero ganito ako sa kanya. pano pa kaya kayo nakakasama niyo siya and kilala niyo na siya 😂 diko siya kilala pero i know deep down ano yung next jan ? 😂 wag na nga english hahaha basta alam ko sa puso ko mabait na tao si rhian. kaya deserved niya lahat ng binibigay sa kanyang trabaho at mga tao .. mga nakakasama niya bigay ni God yon ..
-yung sa picture naming dalawa hehe saka ko na ilalagay dito and saka ko na din ilalagay kung ano ang nafeel ko nung nag picture kaming dalawa 😂
- sa sobrang kaba ko at nginig ko nakaubos yata ako ng isang gallon na tubig don 😂 tas kada iinom ako nanginginig kamay ko 😂 di makainom ng tubig ng maayos hahahahhaha
-nung nag titigan na games haha nakakahiya tumitig pero grabe yung titig nung isang butch don na nakasalamin ee hahaha talagang super titig siya walang kurapan hahaha ako nalang umiwas ng tingin 😂 tapos eto pa! hindi naman ako nag titiktok hahahaha hindi ako sumasayaw pero napasayaw ako don 😂 nakakahiya talaga hahahahha
-namatay pa yung ilaw kasi nahugot yung saksakan 😂
- pag bumubunot si rhian tas ang premyo yung 360 ba yon ? hahaha pinag dadasal ko wag ako mabunot hahahaha kasi nakakahiya don 😂 diko din expected na mabubunot ako sa lipstick kaya super thank you!! kailan kaya nila ipopost yung picture 😂 sure ako sobrang pangit ko don.
-onga pala napaka sexy mo sa suot mo bagay sayo .and napakaputi mo lalo ka gumanda promise !!! blooming ka non kahit simple lang yung make up 😂 tinitignan kita kahit malayo tas nag bublured yung paningin ko kaya hindi ako masyado tumititig sayo 😂 layo kasi 😂 pero okay lang yon ang mahalaga nandon ka nakita ka namin nakasama ka namin.
-natawa ako don sa sumasayaw tas sabi mo pag lingon mo don sa katabi mo mali din pala steps 😂
-maraming salamat napasaya mo kami.. napaka gandang gift non sakin.. hindi man kita nakamayan,wala man selfie sa phone ko wala man autograph okay lang yan.. bumili pa naman ako sa 7/11 ng pentle pen hahahahha papa autograph sana ako sa likod ng phone ko haha tas nabasa ko sa gc sa fb sinabi ng cybherhians bawal selfie,autograph 😂 nganga!! pero nag go pa din ako kahit na alam ko na hindi kami makakapag selfie. malayo man ikaw . wala man selfie . di man ako nakakain ng ayos . 1k is nothing ang importante nandon ka. thanks sa effort and time mo.
-- basta mabuhay ka lang palagi at maging healthy at maging masaya sa jowa. maging okay ang buong pamilya mo at ibless kapa sana lalo. lahat ng wish mo sana matupad ..
-napaisip pa nga ako nung sinabi ng kapatid ko na ipagawa nalang ng fliers yung pambili ko ng ticket sayo ee kasi tatakbo na kagawad nanay ko heheheh pero okay lang yon maiintindihan na nila yon.
-kapag gusto talaga madami paraan ee noh ? yung damit na suot ko binili ko pa sa shopee hahaha tas akala ko talaga hindi na ako makakapunta kasi masama daw pakiramdam nung tao na inaasahan kong makakasama sakin. di pala natin need umasa sa ibang tao para magawa ang bagay na gusto natin. hehehe
- wala na po ako masabi need ko na po mag sleep may pasok pa ako mamayang 9pm.. may pambili na ako ng ticket sa sine pag nag block screening yung palabas nyo ni paolo contis. hehehe sana nandon ka ulit.. nag iisip ako kung para kanino ba ang mahika kaya ko gustong gusto pero narealized ko baka para sayo yon kasi napapangiti mo ako 😂 napapangiti ako pag nag babasa ako ng story ko at pag naaalala kita...
-galing lang naadvance yung pag kikita sa personal haha kala ko sa palabas pa ng ako at ikaw yung pag kikita sa personal ..
-may naiisip na akong gift sayo pero diko sasabihin dito.. sobrang simple lang ng gift ko saka na yung mga mamahalin ha ? hehe
mag iingat ka palagi rhian lagi mo tatandaan sobrang ganda mo at madaming madami pang taong mag kakagusto sayo. parami kami ng parami.. lagi mo yan iisipin.
-- just LIVE !!!
Ako si LYN PANGILINAN crush ka simula 2016 hanggang ngayon! Godbless sa atin.. (3:02pm)
-may naalala pa pala ako, nung umalis ka kala namin umalis kana,pero bumalik ka.umihi ka lang yata non haha dapat aalis na din ako non ee pero sinabi nung katabi ko tapusin ko na hehe tas ayon nabunot pa ako sa lipstick 😂
--- Goodnight rhian .. napakaganda mo! sana mapanaginipan kita .
-- may idadagdag pala ako .nag check kasi ako kagabi ng old Twitter ko and nakita ko ito .
yan yung pepper spray napinamigay nila sa ayala hehe feb 14 yata yan ee diko alam if anong year na 😂 pero binigay ko yan ke kath yang pepper spray 😂 tas wala don si rhian ramos diko naabutan hahaha .tas eto pa yung isang picture na pinakagusto ko sa comment niya nuon sakin.

ipag pray ko daw sya hehehe about yan sa race nya ee sa pampanga yata yon.. hehehe old twitter ko yan.. buti di nawawala phone mo noh ? and hindi mo nakakalimutan pw mo 😂 ang tagal mo ng accnt yang mga ig mo fb mo and twitter mo 😂
osige na pipikit na ako. salamat sa lahat rhian !!! ipag patuloy mo lang ang pag papakilig sa amin !!!!
YOU ARE READING
PART 2 ... FIRST TIME..
NouvellesAVID FAN OF YOURS ... Sept 9, 2022 ( 10:16am) FRIDAY