Day and Night

27 0 0
                                    

Kaya ko pa.

Yan ang lagi kong sinasabi , lagi lagi , araw araw, gabi gabi.

Minsan nga ang sinasabi ko sa mga kaibigan ko ay puro kasinungalingan. Ayoko lang na makita nilang nasasaktan ako dahil paniguradong masasaktan ko sila. Ayoko.

Nagkakilala kami ng lalakeng yun ng nag transfer ako , naging mag kaibigan kami , nalaman kong nahulog siya sakin , then ako naman. naging masaya ang buhay ko noon.

Kaso di ko inaasahang magiging malungkot din.

Syempre gusto gusto lang yun , puppy love kumbaga. Umabot ng hangang kalahating taon iyon pero nang dumating na ang buwan ng febrero dun na nagsimulang mag bali bali.

Umaasa akong bibigyan niya ako ng card sa 14th dahil isa rin iyon sa mga projekto at syempre gumawa rin ako ng para sakanya di pa niya kasi alam na gusto ko siya. Gumawa rin ako para sa mga magulang ko.

Pero sabi nga nila "Don't expect the things that will never happen." Ibig sabihin umasa ako. Umasa ako.

Umiiyak ako habang nakatingin sakanya habang nag bibigay ng letter para sa babaeng nangangalang May. Syempre umiiyak lang ako sa puso ko at sa isip , masyado kasi akong tanga.

At sa huli di ko rin binigay ang sulat na para sakanya.

Dumating ang araw na umaasa parin ako dahil sa mga sinasabi ng mga kaklase ko. At dumating rin ang araw na may sinabi sakin ang kaibigan ko.

Hinack ng kaibigan kong ito ang facebook ko at chinat ang lalakeng gusto ko. Pero syempre ang sinabi ng kaibigan ko ay siya iyon at hineram niya lang ang facebook ko.

Kwinento sakin ng kaibigan ko na gusto niyang maghiganti sakin. Nagtaka agad ako bakit gustong maghiganti ang lalakeng gusto ko sakin?

Sinabi sakin ng kaibigan ko na "4r's" ang pangalan ng plano niya 1:be bitter 2:stop being bitter 3:find a rebound 4:revenge.

Hindi ako naniwala sa sinabi ng kaibigan ko since impossible iyon. Kalat na kalat parin naman sa classroom na ako ang gusto niya kakapit nalang ako duon.

Then sportsfest came duon ko nakilala ang totoong ugali ng mga kaklase ko , duon ko nakita na madali lang palang tumalikod sa isang taong naging parte na ng buhay nila.

Duon agad silang kumaripas para salubungin ang kaibigan nila na ex ng lalakeng gusto ko . Nakangiti ako noon pero ilang minuto ang lumipas di parin sila bumalik. Para akong naglaho na parang bula.

Nang bumalik sila daladala ng isa naming babaeng kaklase ang ex niya lumapit sila sakin at pinakilala ang babaeng yon nanangangalang Metis ngumiti ako isa siyang greek god.

Nangnatapos ang sportfest pumasok ako sa service at pumunta sa harap katabi ang driver para makaiwas sa mga kaklase kong nasa loob. Bigla akong tinawag ng kaibigan kong lalake at pinakita ang picture nanglalakeng iyon na hawak ang kamay ng ex niya. Pero ngumiti lang ako.

Naging ganon ang pattern hangang natapos na ang school year. Nang nag bakasyon siya text siya ng text sakin at syempre nga dahil gusto ko siya rinereplayan ko tanga ako eh nag sasabi sya ng i love you pero di ko sinasagot. Huwag muna.

The next school year may bago kaming kaklase babae siya malamang , maganda siya at katamtaman lang ang kulay gaya ko , mahaba ang buhok niya samantalang ako nag pagupit.

Gaya ng dati naging ganoon nanaman ang pattern hanggang sa dinare ako ng kaibigan ko na sabihin ko sakanya lahat ng negative stuff na gusto kong sabihin at ibulong sa sarili ko na mahal ko siya pero nag kamali ako.

Ginawa ko ang dare niya pero imbis na ibulong ko sasarili ko binulong ko sakanya. Binulong ko sakanya. Ngumiti ako dahil natapos na ang dare.

Kinabukasan noon ay binigyan niya ako ng sulat gusto rin daw niya ako since alam naman na niya na gusto ko siya kumapit ako dito. Kapag ka mag sasabi siya ng i love you sasagot ako.

Hangang sa sinabi ng mama ko na pupunta kami ng america. Syempre wala akong magagawa. Divorced ang mama at papa ko kaya nag mahal nanamn ang mama ko.

Mas gusto kong sumama kay papa noon kaso wala eh. Bata pa ako ng nag divorce sila.

Nag makaawa ako kila mama na wag muna ngayon kaso ang sinabi lang nila eh ililipat nila ang date ng pagalis namin. Syempre muli ngumiti ako.

Pagpasok ko sa klase inaasar ako ng mga kaklase naming lalake na may boyfriend na daw ako. Nagtaka ako dahil wala naman napatingin ako sa kanya. Lumingon naman siya at ngumiti.

Kaso syempre lahat iyon kasilungalingan wala akong boyfriend. Wala.

Nag simulang mag tanong ang mga babae sakin since maraming nagkakagusto sakanya. Syempre umo-oo nalang ako kapag ka hindi ang sinabi mo sasabihan ka nila ng sinungaling.

Then the day came. Aaalis na kami papuntang america. Maraming umiyak saming mga magkaklase kaso ako noon ay di manlang umiiyak siguro dahil alam na ng katawan ko ang mangyayari namaslalo akong masasaktan kapag di ako umalis

Nangnakarating kami syempre eh agad nag chat sakin ang lalakeng iyon. I love you ang lagi niyang sinasabi sakin at syempre ang lagi ko ring sinasabi ay i love you too.

Mag dadalawang buwan na kami dito sa america ng nag chat sakin ang isa kong pang kaibigan. Binigyan niya ako ng letrato. Letrato ng lalakeng mahal ko na nag a-i love you din sa isa pang babaeng kaklase ko.

Umiyak ako ng umiyak. Di ko talaga inaasahan iyon. Pero syempre kaylangan kong ngumiti. Nag skype kami ng babaeng naging kaibigan ko since day one ng iskewlahan na iyon parehas kaming bago.

At dahil nga sa reverse ang mga nangyayari dito umaga dyan at gabi dito kami nag iiskype lagi lagi namin siyang napapagusapan naging bulag ako syempre pinag uusapan din naman ang lalakeng gusto niya.

Naguusap parin naman kami. Kami ng lalakeng gusto ko, nag ai-love youhan at marami pa. Mas lalo akong nahulog at maslalo rin akong naging tanga.

Ika limang buwan ko na dito ng biglang nag send ang kaibigan ko ng isa pang letrato at ito naman ay isang screenshot ng pagkakaaminan nila.

At muli umiyak ako. Dito na ako sumuko , blinock ko siya at lahat na ng bagay bagay para di niya ako macontact. Dito ko na rin sinuko ang mga salitang Kaya ko pa at pinalitan ng

Ayoko na.

Day and NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon