"Wake up lazybones! It's just the fourth week of school wag mong sabihing aabsent ka na agad" Ayan na naman ang unggoy na to sinisigawan na naman ako.
"Ugh" I shrugged, dumapa sa kama, at pinatong ko ang unan sa likod ng ulo ko.
"Hey! I said get up! Hindi ako ang mommy mo lalong hindi ako ang yaya mo now you better get out of bed now or i'll have throw you out of there!"
"Can't you see i'm sleeping?!? Bat ba ang kulit mo!" Pasigaw rin na sagot ko at binalibag sa direksyon niya ang unan.
Tho hindi ko nakita kung san yun napunta dahil nakapikit ako alam kong di siya tinamaan. Nakalimutan ko na tuloy yung panaginip ko walang kwenta kasi tong lalaking to kontrabida sa buhay!
"Take a bath now and eat your breakfast will you?" Ay andito pa pala siya "Ayokong ma-late nang dahil lang sayo"
"Pwede ba? Get out! Sino naman nagsabing gusto kong sumabay sayo ha ambaho mo kaya!" I retaliated. Humugot ako ng malalim na hininga para ihanda ang sarili ko sa posibleng pasabog niya pero nagulat ako nung may dumapo na towel sa mukha ko. "Ano ba!" Ngumiti siya at naglakad palabas ng kwarto ko. Langya tinalikuran ako? Nakakainis talaga!
Hesistantly I got up and took a bath while murmuring to myself about how much i'd like to toast that guy. Paglabas ko nagsuot agad ako ng uniform, nagpolbo at bumaba na para kumain.
"Good morning!" Bati ko sa gorilya sabay ngiti ng ubod ng plastic.
He just groaned. Pfft ang pangit niya talaga. Sabi ko sa isip ko. Ang sama pa ng ugali.
Kumain ako ng tahimik. Siya naman ewan may hinihintay ata na text, panay ang tingin sa cellphone eh, hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagkain.Araw-araw ganito kami. Away dito, away doon, sigawan dito, sigawan doon. Lagi siyang galit sakin, di rin naman ako nagpapatalo, kaya eto aso't-pusa kami lagi. Lalo pang nadagdagan ang galit niya sakin nung malaman ng Mommy niya na hindi pala kami sabay pumapasok sa school (nag-cocommute ako at siya naman may sasakyan), nag-hysterical siya at sabi niya she can't let their only princess (which is yours truly) na maalikabokan at pagpawisan kaya simula ngayong araw magkasabay na kaming papasok at uuwi. Kahit na tutol wala na akong magagawa, Mommy niya na nagsabi eh. Kahit siya alam ko ayaw na ayaw niya rin sa arrangement na ganito.
Siguro nagtatanong kayo kung ano ko ba talaga siya. Let me tell you a story. Noong unang panahon, may dalawang batang nagkakilala dahil sa isang holen. Bagong lipat nun sa probinsya ang batang si Michael at umiiyak siya dahil hindi niya makuha yung daan palabas ng public market, tamang-tama at naglalaro ang batang si Lucas ng holen sa tapat ng tindahan nila dahil negosyante ang mga magulang niya. Nilapitan niya ang bata at tinanong kung bat siya umiiyak, sinabi ng huli ang dahilan at sinamahan siya ni Lucas na makalabas ng palengke at hinatid pa ito sa bahay nila. Mula noon naging magkaibigan na ang dalawa, magkaklase simula grade 1 hanggang high school at sa mga taong yun nasubok ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan. Pagtungtong ng dalawa ng college, lumuwas ng Maynila si Michael at nag-aral ng Business Management sa isang sikat na unibersidad samantalang si Lucas ay lumipad ng America at dun nag-aral. Pero bago ang paghihiwalay ng matalik magkaibigan, may 'kasunduan' muna silang 'napagkasunduan': kung sakali man na ang panganay ng isa sa kanila ay babae at ang sa isa naman ay lalaki, ipagpapakasal nila ito. No buts. Because they considered it the greatest strength of their friendship.
Di ko malilimutan yung araw na dumating ako sa bahay galing school at sinabi ni Papa na bumalik na raw galing America ang bestfriend niya kasama ang asawa nitong si Tita Elizabeth at ang kanilang napakagwapong nag-iisang anak na si Dylan. Pagkakita ko sa kanya kinilig ako, ang gwapo eh. As in sobrang gwapo. Alam niyo yung na-starstruck ka? Akala ko nga artista siya eh. At oo marunong na rin ma-starstruck at kiligin ang mga 12 years old.
Pero yun na ang huling beses na nakita ko si Dylan.
Madalas pa ring bumisita sina Tito Lucas at Tita Elizabeth sa amin pero ni minsan di na siya sumama. Naisip ko siguro di niya lang talaga trip ang probinsya tsaka baka namimiss niya ang kinalakhang environment sa America. Pero kahit ganun ang babait pa rin nila Tito at Tita.