"I am Dylan your new classmate, hope we can all be friends."
What. The. Hell."Koya bat ang gwapo mo OMG!!!"
Sigaw ni Davika, it seems siya unang nakarecover saming lahat."OO NGA OH MY GOD WILL YOU MARRY ME??" Umepal din ang kaklase at kaibigan kong mahilig sa metal bands na si Rayna.
"Hindi akin na siya!" Sambit ng halos mamatay na sa kilig na si Brandi.
Nagpatuloy pa ang agawan pero hindi ko na yun napansin.
Pero bat ba siya napunta dito? Accountancy student siya di ba anong ginagawa niya sa klase ng mga writer?
"Magsitigil nga kayo ang lalandi niyo..." Nangibabaw sa lahat amg baritonong boses ng lalaking nakaupo sa may bintana "akin lang si Papa Dylan" sabay balik sa natural na boses niyang pambakla. Napatingin ako sa direksiyon niya at natampal ang noo ko.
Oo nga pala. Bat ngayon ko lang naalala? HRM students sina Fernando at Davika, nagtake ng advanced english kasi trip lang nila kaya ayan nasama sila samin. Meaning, hindi unusual na may ibang estudyante with different majors na mapasama sa klase namin but not this tsonggo!
Di ko namalayan na pinaupo na pala ni Sir Espejo ang huli sa bandang likuran malapit sa dalawang baklita na halos ika-lupasay naman ng dalawa. Mabuti naman at di niya ko magugulo, isip ko.
*30 minutes later*
"Ms. Andes, Mr. Aquino bat ang ingay-ingay niyo" luhhh
"Si Aquino kasi sir kinikilig kay Dylan" defensive na sagot ni Dyosa
Tiningnan ko si Sir at mukhang natutuwa siya sa sarili niyang joke. Baklita din kasi siya eh siguro nafefeel niya si Baks.
"Eh bat ba kayo nasa hulihan di ba pareho kayong "A"?"
"Sir di ka pa naman po nag-aarrange ng seating plan..." Maagap at super galang na sagot ng nerdy class president namin na si Mana.
Natawa si sir at natawa rin kami. Nakakatawa kasi siya eh, pati manner niya na lang ng pagtawa nakakatawa pa kaya nagtawanan kaming lahat.
Pagkatapos ng mahaba-habang tawanan nakabawi na si sir.
"Okay e di mag-assign na tayo"
"Oh no!" Sabay na protesta ni Bakla at Davika, napawi ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Sir naman huwag na po tayo mag-arrange ng chairs ayokong malayo kay Prince Charming" doggy-face pa ang bruha, ang hirap pigilan tumawa.
"Haynako Ms. Andes, aral aral muna ha. Now come in front, Mr. Bonifacio dito ka sa second row" defeated, mabagal na naglakad papuntang unahan ang dalawa at inoccupy ang dalawang seat dun.
"Next, Ms. Austria, Ms. Bani....Ms. Beriso..." at nagpatuloy ang roll call hanggang sa di ko namalayan tinatawag na pala ko.
"Hey Friend lipat ka na"
"Huh?" Nagulat ako
"Bye friend i'm gonna miss you" mangiyak-ngiyak na sabi ni Alyssa na kunwari nagpupunas pa ng luha.
Pagdating ko sa third row, alam niyo kung sino katabi ko? Hindi si Dylan kundi ang best ko na si Hubert. Hindi best as in best friend. basta naging tawagan na namin yun. Ang katabi niya nga pala sa kaliwa ay si er syempre si Dylan.
Nang makuha niya ang mata ko inirapan ko siya pero ang mas nakakainis ay parang wala lang naman sa kanya tss.
Pagkalipas ng ilang minuto nahuli ko na naman siyang nakatingin sakin