Hey. Youre holding my hands so tight, sabi ko kay Vernice.
Binitawan niya ang kamay ko.
V, why are you with her? tanong ni Brianna.
I just saved the lost sheep from a pack of vixens, walang ganang sagot ni V.
Napataas naman ng kilay si Diana pero she stayed quiet.
Ay!!! Alam kong hindi mo ako matitiis Vernice eh! bigla akong napatikom sa nasabi ko.
Tiningnan ako nang masama ni Brianna.
Sorry, I said.
Tsk,tumalikod lang si Vernice dala-dala ang bagahe niya.
After another hour, nasa loob na kami ng eroplanong pag-aari ng school. Halos lahat ay excited sa biyahe. Ang mga babae ay pinag-uusapan ang mga gwapong players sa ibang school habang ang mga lalaki naman ay excited na manuod ng mga professional football, hockey, and basketball players.
During the 2-hour trip, wala man lang umimik sa amin ni Vernice. I was trying to talk to her pero she keeps on ignoring me. Naramdaman kong nagvibrate ang necklace ko.
This means may message ako from Julian kaya pumunta ako sa washroom. Since advance mag-isip si Daddy, he created a chip which is flight-friendly kaya pwede kaming mag-usap through my necklace or watch. As for Julian, his chip is installed in his watch and headphones kaya hindi masyadong obvious kapag nag-uusap kami.
Hey. What is it? tanong ko sa kanya.
Kmusta ka sa partner mo? Seems like ang tahimik niyo, sabi niya.
Eh, ayaw naming maki-ingay sa inyo, sagot ko.
Sus! Siya na siguro ang katapat mo, Prinsesa, I can hear sarcasm from his tone.
Shut up! Tsk, iritadong sagot ko.
Narinig ko ang pagtawa niya.
So I heard youre gonna meet James at Cali, sabi niya.
None of your business, sagot ko.
It is my business, Princess. Im your Knight in Shining Armor remember?
If you keep meddling with my stuff, Im gonna rip this chip and well know whos gonna die first, sabi ko.
Dont you dare, Amelia! may halong pagbabanta sa tinig niya.
So let me be. Its just James. Hes my friend, sabi ko and I hung up the call.
Nabigla ako sa paglabas ko dahil nakita ko si V na nakitingin sa akin. Napatingin din siya sa hawak kong cellphone.
Kung may balak kang mamatay, huwag mo kaming isali. Stupid, sabi niya at pumasok na sa washroom.
Hindi rin nagtagal nakarating kami sa Chateau Gardens, isa sa mga sikat na hotel dito sa California na pag-aari ng pamilya ng isa naming kaklase.
As soon as we arrived, nagpunta na kami sa kanya-kanyang silid. Since V is my partner magkasama kami sa room.
Hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita kaya dumiretso na ako sa room namin.
Pagpasok ko pa lang ay bumungad sa akin ang amoy ng silid na katulad ng cherry blossom sa Japan. Isa pa sa nakakamangha ay ang interior design na hango sa Japanese house. Excited akong pumasok sa bedroom at nagulat ako dahil nakita ko ang natutulog na si V.
Sobrang himbing ng tulog niya na hindi man lang siya gumalaw sa pagkahulog ng pouch ko sa sahig.
Nagmadali akong mag-ayos ng gamit at lumabas. I have to go somewhere
BINABASA MO ANG
D'Cartes: Amelia D'Cartes' Story
JugendliteraturWARNING!!! THIS IS A BORING STORY! Hindi ito puwede sa mga taong mahilig sa literature, pro-Wattpad reader, at mga grammar Nazis. If isa ka sa mga nabanggit, SKIP this story. Thank you! This is a story of... A 16-year old girl born in an elite famil...