Chapter 1.

5.8K 140 3
                                    

Naniniwala ka ba na kapag may nawala may darating? Pano nalang kaya kapag ang nawala ay, bumalik?

Ako po si Martha Gomez, Ordinaryong bata. 5 na taong gulang ng mangyari ang lahat. Pero sa isang pag kakamali, Mag babago kaya?

At dito mag sisimula ang aking istorya.. Palagi akong nalulungkot sa aming bahay nang dahil siguro sa wala akong kalaro, wala akong kapatid, At ang tanging kausap ko lang ay ang aking Mama at Papa. Gustong gusto kong mag karoon ng kapatid, baka sakaling sumaya na ako.


"Marthaaa! Bumaba ka dito at kakain na tayo" Patawag na utos ni Mama.

"Opoooo!" Magalang kong sagot.

Pag tapos kumain, "Anak, Mag bihis ka at tayo'y mamamasyal" Sabi ni Papa.

(Syempre ako naman natuwa) "Yey! Okay po papa"

"Nakuuu! Ikaw talaga Martha, Spoiled na spoiled ka sa Papa mo" Patawang sabi ni Mama.


(Kami'y nag tungo na sa Mall, Binili ako ng kahit na anong gusto ko. Ngunit parang may kulang talaga at hindi ko padin magawang maging masaya)

(Nang kami'y nasa bahay na..)

"Marthaaa! Halika dito sa sala" Patawag na utos ni Papa. 

(Dali dali akong bumaba kasi mukhang importante ang sasabihin niya)

"Bakit po Mama at Papa?" Sabi ko..

"Diba anak matagal mo ng gustong magkaroon ng kapatid?" Tanong ni Papa.

"Opooo.." sagot ko.

"Mag kakaroon ka na ng baby sister!" Natutuwang sabi sakin ni Mama.

"Talaga poooo?! Yeheyy! May mag kakaroon nadin ako kalaro sawakassss! Hindi na ako malulungkot" Sabi ko..

(Ilang mga buwan ang lumipas.. Sinilang na ang aking kapatid..)

Nag simula na silang maging busy sa kapatid ko, at halos nawalan na sila ng oras sa akin. Na yun namang kinalungkot ko at kinagalit sa maliit kong kapatid.

---(Pag lipas ng 4 na taon)

(Akala ko magiging masaya ako sa pag kakaroon ng kapatid, Pero bakit ganon? Wala na silang naibigay kahit konting panahon sakin puro nalang kay Dorothy ang buong pansin nila!)




------------------------------>

My Sister.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon