My Diary: Entry #15

23 4 0
                                    

"Nagulat ako nung nakita namin si Tita Jes. Grabe 'yung takot at taranta ko kasi may dugo! Naiyak ako! Si Jiro hindi na makalma. Hindi siya makausap nang matino, sigaw lang nang sigaw, iyak nang iyak sa mama niya. Nag-iyakan rin kaming dalawa ni Jaile dahil sa taranta. Buti na lang tumakbo si Ryle papunta sa bahay nila Jaile para masabihan yung mama niya tungkol sa nangyari kaya nasugod sa ospital si Tita Jesiree!" humahangos na kwento ko kay Seven.

Ilang araw nang wala si Jiro. Ang balita sa 'min ni Jaile, nakaadmit sa ospital si Tita Jesiree at ayaw daw umalis doon ni Jiro. Kila Jaile muna dapat siya habang nasa ospital si Tita pero nagmamatigas daw si Jiro at ayaw umuwi.

I asked Jaile about Tita Jesiree but he also knows nothing about her condition. Hindi naman daw sinasabi sa kanila ni Jiro.

"Kung. . . Kung nakita mo lang si Tita. . . Ang daming dugo!" My hand trembled as I showed it to him. "Dumikit sa akin nung ginigising namin siya. Galing sa bibig niya. . ."

Seven just stared at me blankly while I narrated. Ngayon ko na lang ulit siya natyempuhan sa bakuran nila kaya agad ko siyang tinawag para ikwento lahat ng nangyari nung wala siya.

Ni hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ako pero tuloy-tuloy pa rin ang pagkukwento ko hanggang sa natanaw ko nang parating ang sasakyan nila kaya tumayo na ako mula sa gutter at tumakbo.

"Bukas na lang ulit!" sigaw ko bago pumasok ng gate namin. Nagtago ako at sumilip pa rin. Pinagmasdan lang ni Seven ang sasakyan nilang palapit bago siya tumayo na rin at pumasok ng bahay nila.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay namin nang huminto na ang sasakyan sa tapat nila.

I heaved a sigh as I lied on the sofa while Tita Jesiree's unconscious body still lingering in mind. Pumikit ako nang mariin para subukang alisin sa isipan iyon at maya-maya'y nakatulog.

Nagising lang ako nang makarinig ng sigaw at mga tahol mula sa labas. Napabangon ako at kunot-noong sumilip sa bintana, kuryoso.

"Punyeta!"

Sigaw ni mama iyon kaya lumabas ako ng bahay.

Namilog ang mga mata ko nang makita siyang hinahambalos si Dali. Kita ko ang kalat ng mga karne sa daan. Nagtatahulan na rin ang mga aso mula sa mga kapit-bahay.

Dali squealed when Mama hit him. Yuko at halatang takot siyang naglakad palayo. Hahabulin pa dapat siya ni mama para hampasin ulit pero hindi na tumama.

"Tanginang buhay talaga!" aniya nang tignan ang plastik na hawak, butas na iyon, halatang kinagat at laglag na sa sahig ang mga karne na maaaring laman noon. "Tanginang aso 'yan!"

"Icocontact ko nga 'yan sa barangay para hulihin ang mga pagala-gala ritong aso," anunsyo ng kapit-bahay namin na nasa labas pala. Kumare siya ni mama at madalas kausap sa tapat ng bahay.

Tuluyan akong lumabas ng gate para makiusyoso, mayroon na ring iilang kapit-bahay na nakatingin sa direksyon namin at unti-unting nagsipasukan nang matapos ang kaguluhan.

"Anong nangyari, ma?" tanong ko.

"Wala na tayong ulam!" halata sa boses niya ang galit pero alam kong nagpipigil siya, marahil ay dahil may ibang tao.

Nag-usap pa sila ng kapit-bahay sa kung gaano sila naperwisyo ng aso bago pumasok ng bahay si mama at doon naglabas ng galit.

"Tanga rin 'yang mama mo noh? Isisisi pa sa aso eh siya 'tong nakikipagdaldalan, hindi man lang nag-ingat! Ayan, dinakmal ang ulam!" ani ng isa pang kapit-bahay namin na naglilinis ng sasakyan nang matira ako sa labas.

Hindi na lang ako nagsalita. Bumaling ang tingin ko kay Dali na nakahiga na na parang cocoon sa isang tabi.

I shrugged and just went back inside to continue my sleep.

"Itinawag ko nga sa barangay. Inireklamo ko talaga kasi naman 'di ba pakalat-kalat din ang tae kahit saan! Bukas raw ay mag-iikot sila para damputin ang mga aso na 'yan!" dinig ko mula sa kwentuhan ni mama at ng kapit-bahay namin kinabukasan.

Napahinto ako sa pagsipa ng mga bato at napalingon.

"Dadalhin daw nila sa center!"

Lalapit pa dapat ako para mas marinig ang usapan nang masagap naman ng tainga ko ang tunog ng gate ng tapat namin. Automatic akong napalingon.

Sinundan ko si Seven na may dala-dalang pagkain at dinala kay Dali na nasa sulok lang. He sat infront of him without his butt touching the ground.

Uupo pa lang ako sa tabi niya nang marinig ang sigaw ni mama. "SERENE?! ANONG GINAGAWA MO DIYAN?! GUSTO MO BA MAKAGAT NG ASO?!"

I flinched and immediately stood straight. Napalingon si Seven kay mama bago sa akin. My face flushed and turned my back at him, embarrassed.

"Nako, mga batang ito. May rabies ang mga asong iyon. Kapag kayo nakagat ng mga 'yan, aywan ko na lang," gatong pa ng kapit-bahay.

Yuko na lang akong dirediretsong pumasok ng bahay.

* * *

June 21, 2022 | October 30, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon