Chapter 5

643 16 0
                                    

"IBIG mong sabihin kayo na ni Gael?!." Natutuwang tanong sa kanya ni September. Dahil pakiramdam ni Andeng ay sasabog na sya kung hindi nya maikukwento ang lahat-lahat nang nangyari sa kanila ni Gael. Matagal na nyang bestfriend si September at noon paman ay wala na silang sikreto sa isa't-isa.

"Anong kami na? Sang parte dun sa mga sinabi ko ang kami na?." Napakamot nang ulo nya si Andeng. Kahit kelan talaga, may paglutang si September.

"Kasi naman kilala ko yang mga lalaking yan, kapag may nagustuhan ay wala ka nang kawala! Kaya kahit hindi pa kayo ay malamang sa isip nun ay kayo na."

"Pinagsasabi mo dyan." Naglulumong napasandal nya ang ulo sa armchair nang sofa nito. Mali ata na nasabi nya kay Sep, parang mas lalo syang nalito. "Sa tingin mo ba, sawa na sya sa mga magaganda at mga mayayamang nakakadate nya kaya naman sa akin sya nagpapapansin?."

"Oh, bakit parang ang tuno mo ay dihadong dihado ka? Aba Andeng, maganda karin naman, at mayaman ka sa mga taong nagmamahal sayo." Nngumisi at yumakap pa si September sa kanya.

"Seryoso na kasi Sep, saka di ba sabi mo ay babaero yun si Gael?."

"Babaero nga, at babaero din naman si Vel noon, pero tignan mo ngayon at napakaloyal na nya. Malamang ay ganun din si Gael. Saka Andeng, mas bagay kayo kesa kay Savier."

"Si Savier, alam mo namang crush ko lang yun. Yung ngayon kasi kay Gael, parang iba e."

"Kung may gusto karin sa kanya, edi wala namang problema don di ba?."

Napatingin nang maimtim si Andeng sa kaibigan. Noon paman ay alam na ni September ang mga hinaing nya sa buhay, dahil halos parehas sila nang pinagdaanan nito.

"Alam mo namang, wala sa isip kong makipagrelasyon ngayon di ba?."

"Andeng naman, saka mo na isipin yan, sa ngayon bakit hindi mo muna ieenjoy paglalandi sayo ni Gael. Hmmm?."

Saglit na iniwan sya sa sala ni September dahil may kukunin daw ito sa kwarto. Maglalakad-lakad sana sya sa may harden nang maalala nya ang nabasang text kaninang tanghali nang papunta sya dito kina September. Hindi sya agad nagreply dahil hindi naman nya kilala ang number nito.

Unknown number: Hi Andeng :)

Andeng: Who u?

Reply nya dito ngayon.

Unknown number: Gael Heath Parker po, at your service :)

Parang biglang nag-init ang cellphone sa palad ni Andeng pagkabasa nya nang reply nang binata. Kanina pa man kasi ay nahuhulaan na nya kung sino ang nagtext, ewan ba nya basta pagdating daw Gael, parang ang lakas nang mga senses nya.

Tuloy ay bigla nyang naalala ang last na kita nilang dalawa ni Gael.

At bakit ngayon ay mas pinananabikan nya ang pagkikita nilang ulit. Ayaw man nya ay parang napakadali sa binata sa tibagin ang pader na gusto nya laging ibakud sa sarili.

Hindi kaya tama talaga si Sep sa sinabi nito? Na wala na syang kawala kay Gael?

Gael: Seen talaga? Where are you btw?

Magrereply na sana si Andeng nang makitang pabalik na si Sep.

"Nga pala dito kana magdinner ha." Sambit nito nang makaupong muli.

"Sige." Naisagot nya. Dati paman ay madalas na syang dito maghapunan kina Sep, lalo ngayo't buntis ito, mas naging malambing ang kaibigan sa kanya.

Muling nagvibrate ang kanyang cellphone.

Gael: Sent a photo.

Nagselfie ito kasama ang kapatid nyang si Andrew. At sa nakikita nyang background ay kitang-kita nya ang kanilang humble kitchen

Desirous Men 5: GAEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon