Chapter 9: At Home

3 1 0
                                    

Lorraine's Pov:

" Yung katabi ko." Sabi nya.

Nagulat ako roon at pati narin ang  dalawa kong katabi na kanina pang tawang tawa na parang baliw na. Buti nga tulog si hazethe kasi itong si claire baka asarin naman.

" Sinong katabi? " Tanong ko ulit sakaniya.

" Sleepyhead," napatingin kaming lahat ng biglang gumising si hazethe sa walang oras, " Brei..." Sabi nitong ni hazethe. Lumingon sya sa kaniyang katabi at nagulat ito.

" Brei! "

" Yes? " Mahinang sagot ni kuyang pinsan.

" Kala ko ba nakauwi nako." Nagtatakang sabi ni hazethe at napakamot sya sa batok nya. hindi sumagot si kuya at pinatuloy ang pag-drive.

Kanina yung dalawa ang tulog ngayon sila naman natulog tsaka si hazethe naman ang gising. Narating rin namin ang street 157 sabi kanina ni claire kaya hininto ni kuyang pinsan ang kotse nya roon.

" Gising na Claire," I said and woke her up.

" Bakit? " Tanong nito.

" Narito na tayo sa street 157, bumaba kana at matulog kana ng mahimbing roon sa bahay mo." Madali kong sabi.

" Ayy yun lang pala." Agad nya kinuha ang bag nya at bumaba na ng kotse. Nag paalam sya samin bago sya pumasok ng bahay nila. " Huy lorraine,diba magkatabi sila ni hazethe at yung kuyang pinsan mo, sabihin mo si kuyang pinsan mo sya nalang gumising kay hazeth–" hindi naituloy ang sasabihin nya dahil nakatingin sakanya si hazethe at masama ang tingin nito. agad pumasok si claire sa kaniyang bahay ng mabilisan. Umalis na kami ng street 157, sumunod naman ay kina thrisia, deretso lang ang pag drive ni kuyang pinsan hanggang sa makita na nya ang street 67.

Sunod ko namang ginising si thrisia, ako nga rin gusto ko na matulog ehh kaso may isa pa kaming ihahatid. " Thrisia...gising," Utos ko sakaniya. " Nasa street 67 naba toh? " Tanong niya.

" Kanina pa," Sabi ko sakaniya.

" Ok, sige bye lorraine, at bebe ni–" naputol ang sasabihin ni thrisia at di nya ito inulit pa. " Ano yun? " Tanong kaagad ni hazethe bago bumaba si thrisia ng kotse.

" Wala," tipid na sabi niya," bye! " Sabi nya samin, tumalikod na ito ang nakangisi sya na parang gusto tapusin ang sinasabi nya sakin. Parehas lang naman sila ni claire hindi natapos ang sasabihin dahil kay hazethe.

Uamlis na kami ng street 67, susunod naman kay hazethe, eto na! yung sabi kanina ni claire na hindi nya naitapos sabihin. Patuloy parin ang pag drive ni kuyang pinsan at parang inaantok na rin siya.

Hindi ko namalayan yun na sobrang layo pala ng CSCS sa Bahay nila kuya brei, kaya pala natatagalan palagi sina kuya brei at kuya brent pumunta sa CSCS at late rin minsan pumasok. Minsan nakisabay rin ako sakanila o kaya kasama ko rin si loice na palaging tulog walang ambag sa bahay noon, ako lang mag-isa na gumagalaw sa isang bahay, halos mga gawain noon ni mom nung buhay pa siya.

" Kuya...." Mahina kung sabi.

" Ano? " Sabi nya.

" Nandun yung street 143." Sabay turo ko at tinignan nya kung saan ko tinuturo ang aking index finger. " Alam kona." Hininto nya ang kotse nya sa gilid ng street 143.

" Kuya, gisingin mo na sya." Pang-aasar ko naman ngayon.

Kitang-kita ko si hazethe na mahimbing ang tulog nito at sa bagay, maganda sya at matalino rin, parang sleeping beauty na palaging inaasar ng dalawang magkaibigang bayuko.

Unknown Mystery Guy (COMPLETED)Where stories live. Discover now