Title:bahay bisita
Magandang gabi Ako nga po pala si Bella , gusto ko lang po ikwento ang karanasan ko nung bata pa ako kasama ang aking lola sa aming probinsya sa Zamboanga, ang bahay namin ay nakapaligid sa mga malalaking puno ng manga at malapit ito sa ilog.
Ang lola ko kasi ay isang mangagamot, nakiusap kasi ang isang kilala ni lola na magpapagamot sa isang bahay sa Zamboanga, at ang bahay namin dun ay isang maliit lamang na tirahan.
Umalis na si lola ng bahay para puntahan ang kaniyang kakilala at habang ako'y nasa loob ng bahay namin nagluluto ng bulanglang, at pagkatapos ko mag luto naisipan kong maglakadlakad sa malapit na puno ng manga.
Nagdala ako ng lampara sagayon ay meron akong unting liwanag.....at may napansin ako na parang may nakatitig saaking habang naglalakad, hindi ko nalang ito pinansin at tinuloy ko na ang paglalakad hanggat sa mapagod at naisipang naring umuwi...
Nakahiga na ako sa kwarto namin habang iniintay ko si lola, pero may narinig akong kumawatok sa pintuan (dugh!,dugh!,dugh!) sinilip ko sa bintana kung sino ang kumakatok.....isa itong nilalang, hindi ko gaano makita ang kaniyang muka dahil walang ilaw ang labas ng bahay, kinuha ko ang lampara para makita ang nilalang na ito.
Sa aking pagtingin nanuyo ang labi ko sa takot dahil hindi ito iang tao wala mga mata at madaming sugat sa paa at kamay dahil sa aking kaba hinanap ko ang itak malapit sa kusina, at humaripas ako papunta sa bintana, ang bintana na iyun ay pwede buksan dahil sira narin ang mga bakal nito....lumakad na ako papunta sa harap ng bahay para harapin ang nilalang na ito, hinawakan ko ng mahigpit ang itak.
At pagtingin ko wala na ang nilalang sa harap ng bahay, pero paglikod ko madami na sila tumakbo ako paalis ng bahay, sa sobrang takot hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ako lang magisa sa bahay at malapit naring magmadaling araw, naisipan ko magdasal ng "AMA NAMIN" nilaksan ko ang pagdarasal para mawala ang mga nilalang, mga ilang minuto nakita ko na ang aking lola pauwi sa aming bahay.
Napaiyak ako sa pawi dahil nakita ko na ang aking lola, sinamahan ko sya para dumeretso sa bahay ikwenento ko sakanya ang mga nangyari at tumawa lang sya, at sabi nya "Mga espireto lang yun na nagbabantay sa bahay, hindi kasi tayo nagbigay ng paumanhin na matulog sa bahay..." at nanghingi ng paumanhin si lola sa mga espirito sa bahay at hindi narin kami gabalain nung gabing iyon, dun na po nagtatapos ang kwento ko.
Sa ngayon ay malaki na ako...may asawa at dalawang anak nakatira ako ngayon sa abroad, minsan umuuwi kami ng pinas para bumisita sa aking pamilya. pinagisipan ko na wag bumalik sa bahay ng aking lola para hindi na magambala pa ang mga espirito at ipagdarasal ko nalng na sana mapayapa ang mga espirito na ito.........salamat po sa pakikinig...
BINABASA MO ANG
BOOK 1- PINOY CREEPY STORY-
Horrormga kwento tungkol sa kababalaghan ng mundo......