Chapter 4-First (Self-Considered) Date <3

79 0 0
                                    

July 11,2014



Asan na kaya yun?    Eto na nga bang problema kapag walang cellphone. Hayst. DI ko tuloy malaman kung nasan na sya. :/


Sumabay muna ako sa mga kaklase ko dahil hindi ko nga sya makita. Dapat magkikita kami after nung event, sabi ko sa chat, intayan kami sa lobby. Pumunta nakong lobby pero wala sya. NapaPraning nako.


Pumunta kami ng mga kaklase ko sa Mcdo Tandang Sora. Pero habang umoOrder sila, hanap parin ng hanap yung mata ko sa kanya. Tingin ako ng tingin sa labas at glass naman yung wall ng Mcdo doon.


May konting kalabuan yung mata ko, mga 100 ang grado ng mata ko, pero hindi nako nakaSalamin. Pero kahit ganon, pag mahal mo ang isang tao, kahit gaano pa kalabo ang mata mo, liliwanag at liliwanag yan kapag sya ang hinahanap at nakita mo.


Totoo yan, dahil sa dinami-dami ng tao sa labas, nakita ko sya na naglaLakad doon. Syempre makikita ko sya, ang tingkad ba naman ng blue na Jansport backpack nya noh XD Hahaha.


NagPaalam nako kaagad sa mga kaklase ko, alam naman nila na si Simon talaga ang dapat na kasama ko at kanina ko pa sya hinahanap. Lumabas agad ako ng Mcdo at hinabol sya.


Suot nya yung checkered blue na polo na binigay ko sakanya. Yiieee haha <3


"Hay nako san ka ba nagPunta? Kanina pa kita hinahanap. Pumunta ako sa lobby wala ka naman." sabi ko sakanya.


"Nandun lang kaya ako noh. Hay. Oh ano, anong gagawin mo?"


"Uhm. Ano nga ba? Uuhh. Pwede ba tayong pumuntang SM?? Pleeaaasseeee?? :D"


"Ehh?? Gusto kong magLOL eh. Samahan mo nalang ako."


"Hala, LOL nanaman? Please dali na minsan lang naman ako magRequest sayo eh :( "


And after 5mins. of pagtaTalo with him, pumayag din sya at last. Yeeeyyyy!!! Pupunta kaming SM woohoooo XD HAHAHA



NagLakad kami papuntang sakayan at sumakay ng jeep papuntang SMNE.


Nung nandun na kami sa SM, nagikot ikot kami.


Humahawak ako sa wrist nya pag naglaLakad kami. Naalala ko yung store na The Bead Shop dahil nagbebenta sila ng mood ring. Namiss ko na kasi yun, at gusto kong bumili kaya pumunta kami sa basement at pinuntahan yung stall.



"Tss. Ang mahal na nung mood ring nila. Parang ayoko na," sabi ko kay Simon nang makita ko yung mga stainless stud earrings na nakasabit.


"Ay teka, gusto ko netooo," Naghanap kaagad ako ng color blue noon, at meron naman akong nakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lesson #27: How To Kiss (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon