DISBANDING

1 0 0
                                    

HULING ARAW
written by Zin Pliuma✍️

Ito na ang huling araw ng concert namin, na dadaosin dito mismo sa araneta. Pansin ko din ang pananahimik ng grupo, na dati'y masaya at makulit kapag magcoconcert na kami. Pero ngayon iba na, nakakalungkot mang isipin pero kailangang gawin at kailangang tanggapin.

"Kailangan na nating magready guys," seryosong saad ko.

"Kailangan ba talaga nating gawin?" Tanong ni Justin. Napabuntong hininga naman ako, at napatingin sakanilang lahat. Na nakatingin na din pala sa'kin, at naghihintay sa aking sasabihin.

"Oo," tipid kong sagot dito. "Oo, kailangan pa rin natin' magperform, kahit na kulang tayo, k-kahit na wala siya," pagpapatuloy ko.
"Kaya natin 'to guys."

"Ngayon ang libing Pablo, bakit ngayon mo pa napiling magperform?" Galit na pahayag ni Josh.

"Dahil 'yun naman dapat, hindi ba?"

"Sa ating lahat, Pablo... Ikaw ang pinaka-ka-close niya, hindi ba't... dapat nando'n ka? Bakit napili mo pa ring mag-concert? Alam naming nasasaktan ka, dahil sa nangyari sa kaniya, " hindi nakatiis na pahayag ni Ken.

"H-Hindi ko kasi matanggap eh," utal kong saad, at tinignan sila isa-isa.
"Oo, h-hindi ko matanggap pero kailangan nating mag-perform sa huling araw niya... K-Kahit pa, ang kapalit ay ang hindi natin pag-punta sa araw ng libing niya, d-dahil 'yon ang huling kahilingan niya," naluluhang paliwanag ko.
"A-Alam kong kasama natin siya ngayon dito," pagpapatuloy ko. Hindi ko na mapigilang mapaluhod at mapaluha sa harapan nila.

"Sorry, Pablo... Akala namin wala kang paki-alam sa kaibigan natin," umiiyak na ding saad ni Justin. Saka ako niyakap, kasunod naman niya si Ken at Josh na pulang-pula na din ang mata. At sa stage na iyon nagyakapan kaming apat. Kasabay nu'n ang malakas na palakpakan mula sa audience.

"What a nice acting you have there," masayang sigaw ng host, which is si Stell. Siya kasi ang magiging host para sa araw na'to, dahil natalo siya sa bato-bato pick kaninang umaga.
"Pero bakit naman pinatay niyo ko sa role play niyo, nakakatampo ah," nakasimangot niyang saad. Natawa kami sa tinuran niya, kaya pati ang audience, natawa na din sa kalokohan niya.

"Si Josh ang may pakana niyan," natatawang saad ko.

"Hoy, anong ako?" -Josh.

"Ikaw naman talaga," sigaw ni Ken dito.

"Oo nga, kaniya-kaniya kaya tayo ng script," natatawa namang saad ni Justin.

"Tama na 'yan, baka magsap@kan pa kayo d'yan," awat sa'min ni Stell. 'Ang kukulit talaga ng grupong 'to, oo.'
"Nagustohan niyo ba ang performance nila?" Tanong niya sa audience.

"YESSSSS!" malakas na sigaw nila.

"So, let's go back to our topic, we're here to announce that SB19 will be disbanding today," nakangiting saad ni Stell. Alam kong naiiyak na 'yan, siya kaya ang pinaka-iyakin sa'ming lima.
Tumingin naman siya sa'kin, kaya tinanguan ko na lang.

"AWWWWWW," malungkot nilang saad.

"But as a promise, we will stick together and support each other's back in our separate journeys," nakangiting saad ko.
"We may not have the biggest fandom, but we have the most dedicated ones," pagpapatuloy ko.

"Hinding-hindi namin kayo makakalimutan. Thank you A'tin for making our dreams come true—for the support. Happy 20th Anniversary to us, Atin," nakangiti ding saad ni Josh, at pa-simpleng pinunasan ang kan'yang mata.

"We will set the stage on fire, are you ready, A'tin?" Sigaw naman ni Ken.

"YESSSSS," malakas nilang sigaw. Napatingin ako sa blue ocean, napakaganda sa mata. 'Mamimiss ko 'to at dadalhin hanggang sa pagtanda,' nakangiting bulong ko sa aking sarili.

"Mamimiss namin kayo at mahal na mahal ko kayong lahat, A'tin," sigaw naman ni Justin. Nakangiti lamang ako habang tinitignan ang audience.

"This is it, Atin, ito na ang last performance namin dito sa araneta, please enjoy, A'tin," nakangiti kong saad.

"LET'S GO, A'TIN," sabay sabay naming sigaw.

"Everyday kinagat ng seven lions," natatawang kanta ni Stell. Natawa din pati audience ang kukulit talaga. Kaya nasasabihan ng "the most chaotic group" eh.

_________

"MORE! MORE! MORE!" malakas nilang sigaw nu'ng matapos kaming mag-perform, ngunit ngumiti lamang kami, kahit na masakit pero kailangang tanggapin.

"Thank you so much, A'tin," malakas na sigaw ni Justin. Hindi na nakapagsalita pa ang tatlo, dahil umiiyak na sila. Kaya nilapitan ko na lamang sila at inaya sa gitna.

"THANK YOU FOR COMING, EVERYONE AND THANK YOU FOR EVERYTHING," naiiyak kong sigaw. At sabay sabay naming tinungo ang gitnang bahagi ng stage, at sabay sabay din kaming nag-bow bilang pasasalamat sa walang sawang suporta nila.

"M-Mag-picture muna tayo before leaving the stage guys," nahihirapan kong saad. Ang hirap iwanan ang A'tin, kakayanin ko bang hindi sila makita? Kakayanin ko bang hindi sila makausap? Kakayanin ko bang hindi na sila ang kasama sa araw-araw? Kakayanin ko bang hindi mag-perform on stage?

"Pablo, w-we're leaving," naluha na ring saad ni Justin. Nakatingin lamang ako sa A'tin na papaalis na.

"Kaya ba natin?" Wala sa sariling tanong ko.

"K-Kakayanin natin lahat 'to," sumisinghot na saad ni Stell. Saka niya ako niyakap, at nakisali na din sila Ken, Josh, and Justin. Nakisali na rin ang ibang A'tin na hindi pa umaalis. Napaiyak na lamang ako sa kanilang ginawa.

"Mahal na mahal namin kayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONESHOT COMPILATION [SB19 FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon