Chapter 3

37 1 0
                                    

Mataas ang sikat ng araw na tumatama sa inaayos kong puting headband sa ulo nang kalbitin ako ni Kelsey upang i-alok ang lip tint niya sa akin. I shook my head dismissively right away.

"Ang pangit ng shade na gamit mong lipstick," Kesley snorted staring at my lips.

Bumusangot naman ang mukha ko. "Wag mo namang i-bully yung lipstick ko."

"Baka sabihin ng bago natin prof. di ka marunong pumili ng bagay na kulay sayo!"

"Hindi ka sure kung babae," pagtutol ko rito.

She pinched my nose and smiled. "Bakit? Babae lang ba ang kayang tumingin ng bagay na kulay sayo? Si Caspien nga kahit walang kipay ang galing sa kulay."

"Kapag ako nagpa-trans, sisiguraduhin kong mas malaki boobs ko sayo," Caspien warned her, sparing her a glare.

Tinawanan lang namin yun.

"Racquel, may prof. na?!" malakas na tanong ni Kelsey sa babaeng nakatanaw sa pintuan.

Lumingon pa siya muna sa kaliwa't kanan sa labas ng pintuan. "Negative!" she answered.

Kanina pa siya iyan nandyan, ginawa ba naman siyang cctv ng mga kaklase ko para raw sumenyas pag dumating na ang prof. namin sa purposive communication.

It's already the second semester and it feels like we're already senior college students because of being bombarded with piles of tasks.

Pero wala pa nga raw kami sa kalahati sabi ng mga seniors sa amin.

Seniors seem to enjoy intimidating freshmen like us. They claim to have tons of responsibilities and that it's extremely tiring. However, the way they boast about their workload is discouraging for us.

Ang hilig pa nila magtanong ng: "Sigurado ka na sa course mo?" o "Sure ka na talaga sa kinuha mo?" with matching tawanan pa ng kasamahan nila. Magtatanong ka lang naman ng kursong pinili mo. Pero dahil nasasayahan sila doon, napapahaba ang usapan.

"Guys, may prof.!" Racquel announced.

With that, my classmates quickly returned back to their respective places with noises around. Nataranta rin tuloy akong umayos sa pagkakaupo.

Hindi nga nagkamali si Racquel dahil may sumilip na maputing babae na mukhang hindi nalalayo sa edad namin.

She smiled widely at us and gave solace around the room. "Is this English-1?"

"Opo," we answered in chorus.

Tumuloy siya loob ng silid wearing a small smile to us. As soon as she reached in front, we drooled over her charm. Her red hair beautifully complements her heart-shaped face.

Ang ganda ni ma'am!

"Sigurado kayong first year kayo? Mukha kayong bata," she said bemused all over her face.

"Paanong bata po, ma'am? Mga fourteen po?"

She shook her head. "Hindi, mga forty-five lang naman. Char lang."

Umugong ang mahinang tawanan sa loob ng silid dahil sa pagbibiro niya. Pangalawa na si ma'am sa mga prof. naming nagjoke sa araw na 'to and to think that personality is we wish to live comfortably in room.

As Wind Screams in the Ocean (Batchmate Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon