CHAPTER ONE

339 3 1
                                    


"HI, MARISSA!"

Lumingon si Maris sa dakong harapan ng kanyang bakuran kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Nang sandaling 'yon ay kaiibis lang niya mula sa kanyang segunda manong kotseng naigarahe na niya. Awtomatikong pumaskil ang ngiti sa kanyang mga labi as soon as maghinang ang bista nila ng best friend niya.

"Hi, Garry," magiliw ring bati ni Maris, approaching him.

"How has your day been?" usisa ni Garry, sinusulyapan ang suut-suot niyang office uniform sabay daan sa bukas na gate.

Maris Gabriel was a certified public accountant. Employed siya ngayon sa isang malaking pharmaceutical company sa karatig-bayan bilang isang chief accountant doon. Ilang buwan pa lang siyang nagtatrabaho doon.

Tumigil sila nang malapit na sa isa't isa.

"OK naman; walang problema," she replied. "Ikaw, I'm sure na ang dami uli ng mas pinaganda't pinaguwapo mo sa araw na 'to."

Garry beamed from ear to ear. "True, shupatid, kaya happy ako. Pero may isang naging customer akiz na maski anong hairdo ang gawin ko sa kanya, wit mai-improve ang itsura niya!" anitong pumipilantik ang mga daliri at nandidilat ang mga mata.

Magwa-one year nang nag-o-operate ang salon ni Garry hindi kalayuan sa bahay ni Maris, at lukratibo pa rin ang itinatakbo ng business nito. Mahuhusay kasi ang mga hairdresser at beautician doon sa pangunguna ni Garry, bukod sa talagang napaka-friendly at accommodating ng mga ito, kaya natutuwa ang mga parokyano sa mga ito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Gano'n ka-chaka?" halos paanas na sakay ni Maris.

Napabunghalit ng tawa ito sabay daop ng mga palad nito. "Okray agad? Actually, walang ka­-shonget-shonget – ang pogikaya niya! Hindimagbe-better ang looks niya dahil kahit anong hairstyle babagay sa kanya. Siya ang pinakaguwaposa lahat ng hombreng na-saytsung ko!" deklara nito.

Sandaling napatigil si Maris hanggang sa bahagyang ngiwian niya ito. "Narinig ko na 'yan, eh. 'Yan din ang sabi mo dati sa huling naging infatuation mo."

"Oh, believe me, Marissa, higit na good-lookingang na-meet ko kanina kaysa kay Migs. Bonggakea ang kaguwapuhan niya! At tall pa siya; sa tingin ko, six-footer siya. Athletic din ang build, baklah! Nang ma-sight ko nga siya, halos mahulog aketch sa aking chair. Nakakalokah!"

"Ang O.A., ah!" Maris quipped.

"Totoo talaga, maniwala ka," giit nito. "Kasa-kasama siya ni Tatay Cosme nang magpagupit sa salon kanina. Binawasan ko lang naman nang kaunti ang kanyang mabango at soft na buhok. Super healthy ng dark brown hair – ang tsalap i-touch!" Tuluyan nang kinilig si Garry sa alaalang iyon.

Na-amuse naman siya sa kaartehan nito. "So may kakilala si Tatay Cosme na napakaguwapo para sa iyo." Sinulyapan niya ang bahay sa tapat ng kanyang bakuran na tinitirhan ni Tatay Cosme at ng asawa nitong si Nanay Odette. Parehong "malapit" sa kanila ni Garry ang magkabiyak. Isang mananahi si Nanay Odette. Si Tatay Cosme naman ay nagtatrabaho sa isang resort sa karatig-bayan – doon sa Harbour Beach Resort, bilang isa sa mga electronics technician doon. May isang anak ang mga ito na nakapag-asawa ng isang Briton, at naninirahan na ngayon sa Wales.

"Siya ang bagong boss ni Tatay Cosme," imporma pa nito. "O, 'da bah, bukod sa hunky

siya, ang yaman-yamanpa! Pak na pak!"

Maris grinned. "Nailipat na pala ang ownership ng resort na iyon." Recently lang nang mabalitaan niyang ipinagbibili na ang naturang resort ng mga heiress ni Don Ramon na namatay sa isang plane crash a few months ago.

Captor Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon