CHAPTER TWO

84 1 0
                                    


TWO AND a half years ago nagbiyahe si Maris pa-Italy para magbakasyon, at makasama ang mga kaanak sa father's side na matagal nang naninirahan doon. Wala siyang nakitang anumang premonisyon na may trahedya na naghihintay sa kanya abroad.

Pang-apat na araw niya na noon doon sa Italya nang lumarga sila ng ilang pinsan niya patungo sa isla na paborito ng mga ito. Sa kasamaang-palad, bago pa nila marating ang island ay nagsimulang mag-list ang ferry na sinasakyan nilang magpipinsan at ng iba pang ilang daang pasahero. Sa gitna ng pagpa-panic at komosyon ng mga tao ay nahiwalay siya sa mga pinsan niya. Sa paghahanap niya sa mga ito, may kung anong malakas na puwersang humampas sa kanya mula sa likod! Biglang naumpog ang kanyang ulunan sa kung anong matigas na bagay, at nahulog siya sa malawak na dagat mula sa ferry! Pagkaraan lang ng sansaglit, nilamon na siya ng buong karimlan.

Nang magkamalay siya ay nasa bahay na siya ng isang lalaking hindi niya kilala. Actually, wala siyang kilala na sinuman – maging ang sarili. Wala siyang anumang natatandaan sa nakaraan niya, sa buhay niya.

Titig na titig sa kanya ang lalaki nang sandaling 'yon, nakabadha sa mukha ang pagtataka sa nangyayari sa kanya. Ilang sandaling natahimik ito, hanggang sa wakas ay tumikhim ito at in-introduce nito ang sarili nito. Ayon dito, Sergio Basco ang pangalan nito, at siya naman daw si

Heidi Basco – ang asawa nito!

Pinatotohanan iyon ni Dr. de Campo, ang half-Filipino at half-Italian na medikong tumingin sa kanya sa isla ni Sergio. Matagal na raw nilang kaibigan ito ng kanyang "mister," at saksi ito kung ga'no sila nagmamahalan ni Sergio.

Sabi pa sa kanya ni Doc de Campo, dahil diumano sa head injury na kanyang natamo sa paglubog ng lantsa na sinakyan niya pauwi sa isla, kaya nabura ang lahat ng mga alaala niya. In-encourage siya nitong 'wag mawalan ng pag-asa na sooner or later ay mareresolba ang amnesia niya, lalo na't nandiyan daw si Sergio na numero unong aalalay sa kanya.

No'ng unang ilang buwan sa piling ni Sergio, binabawalan siya nitong lumabas ng pulo. Ayon dito ay inaaalala lang nito ang kanyang kondisyon, ang kapakanan niya; baka raw hindi makabuti sa kanya ang komplikadong mundo sa labas ng pulo. Habang nasa isla ay okupado naman siya sa housekeeping, at pag-aalaga sa kanilang mga livestock at mga pananim. Hanggang isang araw ay isinama na siya nito sa pagtungo sa mainland para bumili ng ilang merchandise; no'ng time na iyon ay 'di available si Boyong Dominguez na isa ring Pinoy at helper nito na nauutusan nito para mag-drop off ng groceries, at iba pang kailangan nila na "mag-asawa," on their doorstep. Nasundan iyon ng mahahabang tour nilang dalawa sa iba't ibang panig ng Italya.

Kasabay ng paglalim ng kanilang samahan ay mas gumuguwapo't nagiging charming ito sa kanyang paningin. There were times na natutukso siyang maging intimate rito. Gayunpaman, parati ay mare-realize niya na hindi pa rin pala siya handa.

Sa isip niya – yes, attracted siya rito. She cared about him. Maligaya siya sa presensiya nito, sa kung paano ito as her "better half." Pero para sa kanya ay hindi pa sapat ang mga iyon para magkaro'n na ng intimacy ang kanilang ugnayan. Nais niyang maramdaman muna at makatiyak na in love na siya rito bago niya payagang mangyari iyon.

Suportado naman ng "husband" niya ang pasiya niyang iyon. Handa raw si Sergio na maghintay sa pagbabalik ng pag-ibig niya.

Sa panlimang buwan ng pagiging amnesic, nagulat siya sa pagsisimula ng pagbabalik ng

ilan sa mga alaala niya. Ngunit sa tuwina na mayroon siyang nagugunita, wala namang klarong impormasyong ibinibigay; banggitin pa na malabo ang mukha ng bawat taong nakakasama niya sa mga memorya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Captor Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon