The Answer

34 0 0
                                    

Ano ba talaga ang sagot sa buhay? What will stop the feeling na parang butas ang puso mo at kahit na anong bagay-relasyon, pera, pasarap-ay hindi kayang takpan. One of the most intelligent and accomplished men in history, si Blaise Pascal, the "Father of Calculus," said, "Every man is born with a vacuum, an emptiness that can only be filled by finding God."

Okay, sige. Eh paano? How do you find God?

Do you go to church or mass or prayer meetings everyday? Nothing wrong with that.

But, look at God's promise in the Bible: "You will seek me and find me. When you seek me with all your heart, I will be found by you, declares the Lord..."

Ang pangako ni Jesus when you seek and ask is this: "Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks receives; he who seeks finds; and to him who knocks, the door will be opened."

Would you like to live your life to the fullest? Would you like a life without worries and discontent? Then ask Jesus to come into your life to be your Lord and Savior. Jesus came to this world so that we may lead lives na hindi bitin. Tingnan mo.

Sabi ni Jesus: "...I have come that they may have life, and have it to the full."


Jeremias 29:13-14

13Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin. 14Oo, ako'y matatagpuan ninyo, sabi ni Yahweh, at ibabalik ko ang inyong mga kayamanan. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng bansa at pook na pinagdalhan ko sa inyo, at ibabalik sa dakong pinagmulan ninyo bago kayo nabihag.

Mateo 7:7-8

7Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.

Juan 10:10

10Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.

Ang Buhay Na HIndi BitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon