"I'm really sorry, Ma, Pa."
Di ko na mabilang kung ilang beses ko nang nabanggit ang katagang ito kay mama at papa, pero pakiramdam ko hindi pa rin sila sapat.
"Napag-usapan na natin 'to hindi ba, Lulu? It's not your fault. We understood everything." Hinawakan ni mama ang kamay ko at pinisil iyon. "Your papa and I are just doing this para hindi na maulit. Gusto lang kitang ilayo sa mga nakakapagpahamak sa iyo, anak."
"Tama ang mama mo, anak. You don't need to ask for apology again. Alam namin ang totoo. Anak ka kaya namin 'no," natatawang ika ni papa. Dahil doon ay gumaan ang pakiramdam naming lahat.
"In the end, kami nga ang dapat mag-sorry sa iyo. Okay lang ba talaga sa iyo na kay lola ka muna titita?" nag-aalalang wika ni mama. Bahagyang sumilip din si papa sa pwesto ko pero inalis din niya agad upang itutok ang mata niya sa daan.
"Okay lang talaga, ma. Maayos naman kasama si lola. At saka, I know she'll be happy to be with me too," paga-assure ko sa kanila.
"Hmm, pasensya ka na at hindi kami agad makakasunod ni papa mo ha. May ilang projects pa kasing dapat tapusin sa firm, hindi naman namin pwedeng basta i-cancel 'yon. We promise to be with you asap."
"I love you, Ma, Pa," tanging sambit ko habang nakangiti nang malawak.
"Mahal na mahal rin namin ang prinsesa namin 'no. Hindi ba, pa?" Bumaling si mama kay papa.
"Syempre naman 'no! Walang tatalo sa prinsesa namin. Syempre pati na rin sa reyna ko."
I chuckled at their sweetness. Hindi talaga sila pumapalya.
I grew up witnessing their sweetness. Isa na rin iyon siguro kung bakit hinihiling kong magkaroon din ng relasyon katulad ng mayroon sila. Sometimes, I envy both of them. Para kasing kayang-kaya nila lahat ng pwede nilang pagdaanan basta magkasama silang dalawa.
I especially love the sparks in their eyes, in their 15 years of relationship, hindi nawawala ang sparks sa mga mata nila. Parang laging bago, hinding-hindi magbabago.
Ilang oras pa ay nakarating din kami sa probinsiya ni mama, kung saan nakatira ang lola ko. Madalas na rin kaming gumala dito noon kapag may mga okasyon o kaya naman ay hindi kami busy para dalawin si lola.
Nag-iisa na si lola dito, pero ayaw niya pa ring iwanan ang bahay nila. Paano ay ito raw ang unang pinundar nila ni lolo. Kaso ay maagang kinuha si lolo kaya si lola ang solong nagpalaki kila mama at sa nag-iisa kong tito.
My mother had to go to the city kasi mas malaki ang sweldo nila doon kaysa dito. Sa siyudad rin sila nagkakilala ni papa. Habang si tito naman ay dito na rin namalagi at nagtayo ng bahay sa tabi ni lola.
"I bet miss na miss ka na ng lola mo. Huling punta namin dito noong birthday ng pinsan mo ay busy ka sa research niyo kaya hindi ka namin naisama. Your lola was so sad that time. Sabi ko nga e isasama na lang namin siya sa Manila para makagala rin, pero huwag na lang daw at kahirap ng biyahe," natatawang pagkukwento ni mama.
I unintentionally shuddered at the thought of my research days. That was the start of my days, both mentally and emotionally. Dito rin 'yong panahon na nangyari 'yong insidente na naging dahilan kung bakit kailangan kong lumipat.
"Nevie," pagtawag ni papa sa pangalan ni mama. His voice has an alarming tone on it, and I could also feel a hint of desperation and plead to it. Napatingin ako sa kaniya pero nakatingin din pala si papa sa akin. Napansin niya siguro ang pananahimik ko.
"Oh shoot! Sorry, honey," ani mama nang maalala niya.
I just smiled slightly at them. Wala na rin akong lakas para magpanggap pa sa harap nila.
Kami lang ang nakakaalam kung bakit ako lilipat sa poder ni lola. Ayaw na rin naming sabihin sa kaniya dahil baka maging trigger pa 'to sa sakit ni lola. And it's actually more peaceful, if kokonti lang nakakaalam.
Since it's not a pleasant one.
Konting drive pa ay nakarating na rin kami sa bahay ni lola. Tabing kalsada lang ito kaya kita agad namin si lola na nag-aabang sa terrace sa 2nd floor. Malawak ang ngiti nito habang kumakaway sa amin. Nasa tabi niya si Ate Mariel, malayong kamag-anak namin sa side ni lolo, na tagabantay niya. Mahirap na rin kasi kung mag-isa lang si lola sa bahay. Busy din naman si tito sa sarili niyang pamilya.
Nang mai-park na ni papa ang sasakyan sa loob ay bumaba na kami ng sasakyan, saktong kabababa lang din ni lola galing 2nd floor.
"Ang magandang kong apo!" bungad nito sa amin habang nakaamba ang yakap sa akin.
Natatawang tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. She gave off a certain scent that calmed me down. Katulad kila mama, pakiramdam ko ay safe na safe ako sa piling nila.
"My beautiful lola! I miss you so much!"
Umiling ito. "Hindi pa rin nagbabago ang pagiging englishera nitong batang ito, oo."
"Ma, hayaan mo. Nasanay na e, marunong naman magtagalog ang isang 'yon," my mother replied on my stead. They were busy unloading my things from the back of the car.
"Kaya nga, la. Tsaka hindi ko ho alam kung anong tagalog ng miss... Paano ko tatagalugin 'yon?" I pursed my lips while trying to scatter my brain for the translation.
Pero syempre, wala, bakit kasi kailangan pa natin pahirapan sarili natin 'di ba. Kung alam mo na 'yon sa isang lenggwahe, iyon na ang sabihin mo kaysa naman pahihirapan mo pa ang sarili mo pagta-translate.
Natatawang tumango-tango si lola. "May punto ka diyan apo."
"Si Kuya Saint nga pala?" ani mama habang siya ay nagmano kay lola. Sinundan naman ito ni papa.
"Sinusundo iyong bunso niya galing school," sagot nito kay mama. "Nasa taas nga pala ang magiging kwarto ni lulu. Pinaayos ko na iyon, ayon sa binigay niyong plano pero i-check niyo pa rin para sigurado."
"Pumapasok na pala si Bea?" gulat na turan ni mama.
"Aba'y oo naman, limang taon na ang batang 'yon. Oras na para siya ay mag-kinder."
Habang nag-uusap sila ay lumapit ako kay papa.
"Pa, tulungan na kita diyan," tawag pansin ko rito. Inabot ko ang kamay ko para tulungan siyang bitbitin ang iba kong mga gamit. He chuckled as he looked over the bags that he needed to bring upstairs.
"Eto na lang ang bitbitin mo. Salamat prinsesa ko." Inabot nito sa akin ang pinakamaliit at mukhang pinakamagaan na bag sa mga hawak niya.
"Walang anuman, papa ko."
May ilan pa silang pinag-usapan ni lola habang paakyat kami sa taas para mailagay na ang mga gamit ko.
Ilang oras din kaming nag-ayos ng kwarto ko. Inaaya pa nga kaming kumain ni lola, pero nakakain na rin naman kami sa daan kanina. At saka, masyado ng engrossed sila mama at papa sa pagtse-check ng kwarto ko kaya hindi na rin sila maabalang dalawa.
I guess this is the perks of having an architect and an engineer as my parents.
BINABASA MO ANG
You Complete Me
Teen FictionLoiusse is a kind, beautiful and understanding girl. It is an understatement to say that everyone adores her, but that also contributed on her downfall. Because of an incident, Louisse was sent to the province in her lola's care to keep her safe. Bu...