One

16 1 0
                                    

Hindi inaasahan niyang makakakita ng isang nakakabahalang eksena. Habang siya ay naglilinis ng classroom sa ikalawang palapag nang biglang makarinig siya ng putukan mula sa ibaba.
Sa una ay inisip niya kung tama ba ang narinig niya.

Napatigil siya, at tiningnan ang bintana. Ang unang pumapasok sa kanyang isip ay ang mga bata, ngunit naalala niya na nasa field trip ang mga ito ng umagang iyon at babalik ang mga ito sa hapon kasama si Aurora na isa sa nga guro na kasama ng mga bata sa pagsupervise.

Napatingin siya sa bintana na nakatabing ng kurtina, sumilip siya at nakita niya ang directress kasama ang isang babae habang papatakbo sila. Napatingin siya sa lalaking sumusunod sa mga ito na may hawak na baril.

Another gunshots. Hindi alam ni Candice anong nangyayari, at napatingin siya sa lalaki sa di kalayuan. Naningkit ang kanyang mga mata nang mapansin ang tattoo sa leegan nito.

Napasinghap siya nang makitang natamaan sa may binti ang directress, nasa mini-forest ang mga ito tumakbo. Ngunit saan siya nakatayo ay nakikita niya ang nangyayari.

Kinuha niya ang phone ngunit hindi niya inaasahan na low bat ang kanyang phone. Napapikit siya ng mariin sa inis na nararamdaman, kung kailan pa ay kailangan niya. Nakalimutan niyang i-charge iyon kagabi. 

Mabilis na hinanap niya ang charger sa loob ng kanyang bag, at nang makita iyon ay mabilis niyang pinansak ang charger sa outlet malapit sa bintana. 

Ilang segundo ang hinihintay niya bago binuksan ang phone, at hinihintay iyong bumukas.

Sumilip uli siya sa bintana, at hindi niya inaasahan na magtama ang tingin niya at ng  babaeng kasama ng directress sa likuran nito ang lalaki, nakatutok ang baril sa likuran nito.

Nasaan ang direktress? 

Nang bumukas ang phone, ay kaagad siyang tumawag sa polisya.

That ended her on the police station as the witness. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nahahanap ang babaeng nangangalang Aria Jasmine Sartin.  The late president's daughter. 

“That's all, Miss, for today,” sabi ng police pagkatapos niya mailarawan ang suspect na kumuha kay Aria at masabi ang kanyang  nasaksihan.

Tumayo na si Candice at umalis. Palabas na siya sa police station nang mapansin niya ang lalaking naka-suit and tie na papasok sa entrance. Gwapo ito at matangkad kahit mat sout itong dalawang bilog na eyeglasses na bumagay dito, kaya ilan sa mga tao na naroroon sa lobby ng police station ay napatingin sa gawi ng lalaki.

His Amber eyes glanced at her, at akala niya ay lalampasin siya nito pero huminto ito sa kanyang harapan.

“Ikaw ba si Candice Lopez?” tanong ng baritono nitong boses.

Kumunot ang noo ni Candice, at isang tanong sa kanya. Bakit?

“Ako nga, Mister, sino po ba sila?” tanong ni Candice sa nagtatakang boses.

“I'm Kaizer Monravon, a lawyer of Aria Sartin. Pwede ba tayong mag-usap?”

Kaizer Monravon, parang pamilyar ang pangalan ng lalaki para kay Candice.

“Saan tungkol?” Sinipat niya ang tingin ng lalaki, weighting kung lawyer ba talaga ito dahil sa itsura nito ay malayo sa sinasabi nito.

He was too handsome to be a lawyer, and he did not feel like one, for Candice. 

“About my client," sagot nito at may kinuha sa bulsa, a business card with his name and the name of a lawyer firm.

Monravon Law Firm.

Pumaitaas ang kanyang mga kilay, remembering the Monravon law firm na kilala sa boung bansa. Hindi niya inaasahan na isa sa mga Monravon ang makakausap niya. 

Tangled in LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon