Two

3 1 0
                                    

"Oo, Ma, papunta na ako sa mall,” sabi ni Kaizer sa phone. Umiigting ang panga niya sa nararamdamang inis sa mga oras na iyon habang nakikinig sa sinabi ng kanyang ina.
His dearest mother.
“Papunta na po ako, Ma. Opo, pupuntahan ko po ang sinasabi mong restaurant at magpapakilala sa sinasabi mong babae.”
His mother had set him up for a blind date.

A blind date! Isang araw ay may dalawang blind date siya sa loob ng weekdays. Hindi ba napapagod ang ina niya sa paghahanap ng babae na esut up sa kanya? 
Determinado nga ang kanyang ina na sa taong iyon ay magkakaroon siya ng asawa.

Hindi niya masabi sa ina na may babae siyang matagal ng magugustuhan.  Paano niya masasabi kung ang assistant mismo nito ang gusto niya? Alam niyang hindi papayag ang kanyang ina. His mother was not easy to be please, gusto nito ang babaeng gusto nito para sa kanya. 

Kaya every weekend, he felt like he was in hell, trying to do what her mother did. Of course, ayaw niya naman masaktan ang ina niya kung hindi niya gagawin.

Bumuntong huminga siya. "Ma, I am not running away. Nasa mall na nga ako eh.” Huminto ang sasakyan niya sa parking lot ng mall. "Palabas na ako, good bye, Ma.”

Tinapon niya ang phone sa dashboard pagkatapos ng tawag at mahigpit niyang hinawakan ang steering wheel.

"Kailan ba matatapos ang blind date saga na ito? Bloody hell!” inis niyang sabi.  Palabas na sana siya sa sasakyan ng tumunog ang phone niya kaya napabalik siya ng upo.

Akala niya ang ina ngunit ang kaibigan niyang si Alexi nag tumatawag. Kaagad niyang sinagot ito. 

"Hey, nakahanap mo na ba si Aira kung nasaan ito?” tanong ni Kaizer, sumandal sa kanyang kinauupuan. 

He was wearing in his usual suit and tie at inayos niya ang buhok ng palabas siya sa kanyang office sa Monravon law firm, pero napansin niya sa front mirror ang nangingitim niyang mata dahil sa stress ng blind date araw araw. 

“Hindi pa mate, may problema ako ngayon,” sagot ni Alexi. “Lasing uli si Zerran. Available ka ba ngayon?”

Kumunot ang noo ni Kaizer. Simula ng umalis si Aria sa isla kung saan ito pinoprotektahan ni Zerran ay laging naglalasing ang lalaki. Hindi niya alam anong dahilan bakit nagkaganoon si Zerran, hindi naman ito ganoon dati, kahit namatay si Isanna ang fiancee nito seven years ago. At ngayon na malaman nito na may kumuha sa babae ay lagi itong galit, demanding na mahanap ang babae sa madaling panahon. Zerran was worried sick, it was unusual of him.

“Alam mo naman na may blind date ako, dalawa sa isang araw.”

“Another date this day?” 

“Oo. Anong magagawa ko,” reklamo niya. 

Narinig niya ang tawa ng lalaki na ikininis niya, umasim ang kanyang mukha. “Hindi nakakatuwa ang pagtawa mo,” inis niyang sabi.

“Bakit naman kasi hindi ka magkaroon ng girlfriend upang matapos ang paghihirap na ito. Damn me, you have ten dates for a weekend,” ani Alexi.

“Galing sa taong kagagaling lang ng divorce,” balik sagot ni Kaizer.

Nawala ang tawa ng kanyang kaibigan sa linya. “Damn, Kaizer, you are being personal here!” hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

“Nagiging personal ka rin sa akin,” aniya. “Tawagan mo si Sebastian. I'm sure, makakatulong ka na tumigil si Zerran sa pagkalasing. Alam mo naman bukas kailangan tayo kausapin ng seven godfather's tungkol sa nangyari kay Aria,” suhistiyon niya.

“Too bad, Sebastian is in Spain. Tumawag ang magulang niya na papuntahan siya roon,” abiso ni Alexi.

Napaisip si Kaizer na tungkol sa kompany ng pamilya ni Sebastian ang dahilan bakit pinatawag ang kaibigan. Bakit naman kasi ayaw tanggapin ni Sebastian na maging CEO ng kompanya ng magulang. 

Tangled in LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon