10

628 16 0
                                    

𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗙𝗘 𝗢𝗙 𝗠𝗥.𝗕𝗔𝗗𝗕𝗢𝗬 𝗕𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡𝗔𝗜𝗥𝗘

:ᴀɪʀᴀ ᴛʜʀᴇᴀᴅᴇʀ

🍂CHAPTER 10🍂

-SAMANTHA'S POV-

"Good morning!" si Cris.

"Hello Mommy Good morning!" si Janna.

Mapait akong napilitang ngumiti kasabay ng pag upo ko sa tabi ng anak ni Cris.

Pero ramdam ko pa rin ang sakit.

Tsngina talaga!

Parang gusto ko nalang magkulong sa kwarto at damdamin ang sakit na nararamdaman ko.

"Morning" walang emosyong sabi ko.

Narinig ko ang pagak na pagtawa ni Cris kasabay rin ng paglapit nito sa akin na ikina gulat ko.

Dahan dahan niyang hinaplos ang buhok ko habang nilalagyan ng pagkain ang plato na nasa harapan ko.

Habang si Janna, napapangiti lang.

"Daddy me too please" usal ng bata.

Nilagyan rin iyon ni Cris, ng magtama ang tingin naming dalawa.

Kahit ano sigurong gawin kong pag iwas ng titig sa kaniya ay hindi ko mapigilan.

Para akong batang namumulang kamatis sa isang tabi sa bawat ngiti niya.

Habang mas tumatagal, tila nagiging malalim ang nararamdaman kong kakaiba.

Mahirap aminin.

"Hmmm Honey!" Si Cris.

Halos mapatalon ako sa gulat ng halikan ako nito sa labi sa harapan ni Janna.

"Are you mad of me?" Malambing ang boses na tanong nito.

"Ano ba!Lumayo ka nga sakin..para kang siraulo" singhal ko ng tumawa siya.

"Bakit ba galit na galit ka?" Tawang tawa na tanong niya.

At nagawa pa talaga nyang magtanong.

Umirap ako sa hangin, pinilit kong kumain ng walang anumang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Pero ang mag ama.

Hindi matigil sa kakadaldal...tsss..

"Janna...gusto mo nabang magkaroon ng kapatid?" Tanong ni Cris.

Nanlaki ang mga mata ko ng tignan niya ako, at hindi ko na nga napigilan ang umubo...

"Why Daddy??"

"Hmm...diba gusto mong magkababy ulit si Mommy" tanong ni Cris na nakatitig lang sa akin.

"Ang bastos mo naman..kumakain tayo" asik ko.

"Why?..Im just asking her...ano bang bastos dun?" Tanong niya pa.

"Yes Daddy!!..Mommy...gusto ko na po m-magkababy ka" sabi ni Janna.

Seryosong seryoso ang mukha nito.

Umiling iling nalang ako at binalewala iyon.

Nang matapos kumain, lumapit sa akin si Cris.

"Magbihis ka" sabi niya.

"Ha?Bakit." Tanong ko.

"Dami mong tanong..Magbihis ka!!Bilisan mo.." usal nito bago binagsak ang katawan sa sofa.

Pagka akyat ko nga sa may kwarto naligo na ako at nagbihis, pagbaba ko...Nakita ko si Cris na tila napamura pang nakatingin sa akin.

"WHAT THE HELL!!.." asik nito.

PRETENDING TO BE HIS WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon