Alas Tres

40 2 0
                                    

Alas dos ng hapon nang mapagkasunduan nila Jamaica,Abi,at Mica na manuod ng horror movie sa bahay nila Jamaica..

MICA'S POV

"Gusto ko yung The Road" suhestiyon ko kila Jamaica at Abi

"Game ako d'yan,sabi ng kaklase ko maganda daw ang palabas na iyon" pag sang-ayon sakin ni Abi

"Kayo ang bahala.I-search n'yo na sa YouTube habang kumukuha ako ng pagkain sa baba" paalam ni Jamaica sa amin bago s'ya tuluyang bumaba at kumuha ng pagkain

"Eto,eto.. nakita ko na,ipeplay ko na ha?" paalam ko kay Abi

"Teka,i-pause mo muna.Hintayin muna nating makabalik si Jamaica"

Ilang sandali pa ay bumalik na si Jamaica na may dalang isang box ng pizza at inumin

"Nandito na ako,sinimulan nyo na ba?"

"Hindi pa naman,hinihintay ka kasi namin ni Mica"

"Mabuti naman kung ganon.Papatayin ko na rin ang ilaw para may thrill"

"Uhhm.. pwede bang hayaan na lang nating nakabukas ang ilaw?"

"Huwag mong sabihing natatakot ka Mica? hahaha,ikaw na nga itong nag suggest ng papanuorin natin eh"

"Ah..e.. hindi naman sa ganun.."

"Patayin na lang natin,para mas feel"

Ang totoo ay takot ako sa mga multo maging sa mga kwentong kababalaghan.Nakukuha ko lang manuod ng ganitong mga istorya kapag may kasama.

"Ahh!!!!"

Sabay sabay na sigaw naming magkakaibigan nang magulat sa palabas

"Nagulat naman ako dun hahaha! ay teka,mag c-cr lang ako" paalam samin ni Abi

"Sama ako,naiihi na rin ako" aktong susunod kay Abi palabas ng kuwarto

"Ako rin!" pahabol ko sa kanila

"Diyan ka nalang.Buksan mo nalang ang ilaw kung natatakot ka.Hindi naman kami aabutin ng isang minuto sa banyo eh hahaha" pigil sakin ni Jamaica

Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi n'ya. Naiwan ako sa kwarto nang nag-iisa.Nilibot ko ang kuwartong ito nang may isang bintana akong nakita na nakapukaw sa atensyon ko.Agad ko itong nilapitan at hinawi ang kurtinang nakatakip dito.Namangha ako sa aking nakita,isang malawak na bakanteng loteng puro halaman at puno.Hindi ko akalain na meron pa lang ganito sa likod bahay nila Jamaica.

"Huy ano ka ba! isara mo lang yang bintanang yan!" sita sakin ni Jamaica habang tinatakpan ulit ng kurtina ang nasabing bintana

"Bakit?" nagtatakang tanong ko

"Ang sabi kasi ni Mommy,dating sementeryo daw ang lugar na yan matagal na panahon nang lumipas.Tinayuan ng iba't ibang establisyamento pero hindi rin umunlad ang mga iyon dahil sinasabi ng mga taong nagtatrabaho sa mga kumpanyang iyon na nanggagambala raw ang mga kaluluwa ng mga taong inilibing dyan dahil sa galit na tinanggalan ng karapatang manahimik.Di nagtagal,ipinagiba na ang mga building na naitayo at kahit kailan ay wala nang nagtangkang pumunta dyan.Sinasabi rin nila na kapag natipuhan ka nila,hinding hindi ka nila papatahimikin,magpaparamdam ito sa'yo nang paulit-ulit" paliwanag sakin ni Jamaica na nagdulot sakin para matakot.

"Hindi magandang biro yan Jamaica" Nangangatal kong sambit habang nanlalambot pa rin sa aking kinakatayuan

"Wala namang masama kung maniniwala ika nga ng iba.. Hindi ko rin naman sigurado ang usap usapang iyon dahil ikinuwento lang din sakin yon ni Mom"

"O sige na,manood na tayo girls. Sabihin nyo lang at magkukwentuhan nalang tayo dito" Sabad ni Abi

"Eto na,oo na ituloy na natin nang di kayo abutin ng dilim sa daan"

Ipinagpatuloy namin ang panonood at natapos ng alas singko.Pagkatapos non ay nagpasya na kaming umuwi para kumain ng hapunan

"O siya,tuloy na kami ha? bukas na lang ulit"

"O sige,mag iingat kayo sa pag uwi ni Mica"

"Bye Jamaica,bukas ulit" Paalam ko sa kanya

Paglabas namin ni Abi ng bahay nila Jamaica ay malamig na simoy ng hangin ang agad na sumalubong samin.Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ipinagbalewala ko ito at nagpatuloy sa pag uwi

"Ang ganda talaga ng napanood natin noh? Lalo na yung sequence ng story,astig!!" sambit ni Abi habang patalon talon pang naglalakad

"Uhhm..oo" matipid kong sagot

"Anong problema? Natatakot ka ba?"

"Hindi noh,medyo inaantok lang ako sa lamig ng hangin"

"O siya,dito na ako.Ingat pauwi"

Nagpaalam sakin si Abi at sumakay na ng tricycle pauwi.Pinili kong maglakad pauwi dahil di naman kalayuan ang bahay namin mula rito,nilinga ko ang paligid ko at napansing kong ako pala ay nag iisa.May hindi tama sa nararamdaman ko dahil parang may nakamasid sakin.Binilisan ko ang lakad ko at ilang minuto pa ay nakauwi na ako sa amin

 "Oh,nandito ka na pala anak.Tamang tama,kakain na tayo" Bati sakin ni Mama

"Sige po" nakisalo ako ng pagkain kila mama at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kuwarto para magpahinga.

Humiga ako sa kama ko para magpahinga.Inilagay ko ang earphones sa aking tenga para makinig ng kanta.Ilang saglit pa ay nakatulog na ako nang di ko namamalayan.

Sleep my baby,sleep no one can hurt you


Hhhmmm la la la sleep my baby sleep


Nakarinig ako ng nakakakilabot na boses na tila kumakanta. Gising na ang aking diwa ngunit tulog pa ang aking katawan.Hindi ako makagalaw,hindi makasalita.Nagawa kong makadilat ng kaunti,may naaninag ang aking mata.Isang babae.. hindi man malinaw pero ang alam ko ay magkatapat na lamang ang aming mga mukha.Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa aking bibig,naninigas ang aking katawan.


Sleep my baby,sleep

Pilit kong isinisipa ang aking mga paa,gusto kong humingi ng tulong.Nilabanan ko ang takot kahit na habang patagal ng patagal na ganito ang sitwasyon ko.Ramdam ko na hinahaplos nya ang aking pisngi


No one can hurt you

Dahil hindi lang naman ito ang unang beses na masleep-paralyzed ako,tinibayan ko pa rin ang aking loob.Pinilit kong isipa ang paa ko at sa wakas ay nagawa ko ito.Nang magising ako ay agad akong umiyak,tumakbo ako sa kuwarto ng mga magulang ko ngunit nakita ko si Mama na nasa pasilyo.Agad ko s'yang niyakap

"Oh anak,bakit ka umiiyak? Anong nangyari? tara na,sa kuwarto ka na namin matulog"

Nakahinga ako nang maluwang nang mahagkan siya

Sleep my baby sleep,no one can hurt you

Nanindig ang balahibo ko at pinanlamigan ng katawan. Agad akong kumalas sa pagkakayakap at doon ko lang napagtanto na hindi pala si mama ang aking kayakap kundi ang babaeng may nakakakilabot na boses habang natutulog ako

"Ahhhhh!!!!!" sigaw ko

Sa sobrang takot at nabuwal ako sa aking kinakatayuan

---------------------------------

Nang magising ako ay nasa kuwarto na ako nila mama,nakita kong mataas na rin ang sikat ng araw

"Oh anak,okay ka lang ba? anong nangyari? nakita ka nalang namin ng Papa mo na nakahiga sa pasilyo" ngayon ay dama kong si Mama na ang kausap ko

Agad kong ininalaysay ang buong pangyayari at doon ay sinabi rin sa akin ni mama na totoo ang kuwentong sinabi sakin ni Jamaica.Sinamahan akong pumunta ni mama sa simbahan para ipagtirik ng kandila ang mga namatay para sa katahimikan nila.Nagpasalamat na rin ako na walang masamang nangyari sa akin

-END-

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon