Chapter: 03 LOVE AT FIRST SIGHT

294 5 1
                                    

Ersha POV

Natapos palang ako mag hugas ng plato at mag ligpit sa kusina kaya pinuntahan kuna sila sa sala kaso pag dating ko bigla naman pumasok ang tatlo kaya napanguso ako.

"Bakit ka nan dito?" Mataray na tanong ko kay gray.

"Eh gusto kita makita eh." Sagot niya naman.

"Ay nako." Nasabi ko nalang saka ko siya tinalikuran.

"Hanggang ngayon ba galit kapa rin sakin.?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya.

"Oo dahil nakakainis ka." Sagot ko sa kanya.

"Ilang beses na ako nag sorry sayo pero ayaw mo parin ako patawarin." Sabi niya saka nag lakad palapit sakin.

"Kay jared ka mag sorry hindi sakin kase sa kanya ka may kasalanan." Sabi naman sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Ayoko mag sorry sa lalaking. Saka kasalanan niya naman kong bakit ko nagawa yon sa kanya." Inis na sabi niya.

"Ng dahil lang sa akbay bigla muna siya sinuntok? Jusko naman gray.!" Sabi ko sa kanya.

"Eh ayoko kase mag lumalapit sayong ibang lalaki eh." Sabi niya saka ngusumo.

"Bakit? Boyfriend ba kita?" Mataray na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Hindi pa pero malapit." Sagot niya na nakangiti pa. Tinulak ko naman siya palayo sakin.

"Tumigil kana nga. Kakahiya ka may bisita ako." Sabi ko sa kanya. Saka ako nag lakad papunta kay shandel saka ko siya binatukan.

"Aw!" Gulat na sabi niya.

"Para sakin yon.?" Tanong niya.

"Dahil hindi ka sumunod sa sinabi ko kanina." Sagot ko sa kanya saka ako naupo sa tabi ni kensha. Siya lang kase ang babae dito.

"Tabi tayo ah.?" Naka ngiting tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sakin kaya nagulo ko ang buhok niya.

"Ilang taon kana pala?" Tanong ko pa sa kanya.

"7 po." Sagot niya.

"Ikaw po ate.?" Tanong niya.

"18 na ako ngayon." Sagot ko naman sa kanya.

"Gusto mo ba pumunta sa kwarto ko.? Puro kase lalaki yong nan dito saka hindi naman ako pwede uminom." Tanong ko sa kanya.

"Okay lang po ba?" Balik tanong niya naman. Ngumiti ako saka tumango. Nag paalam naman siya sa mga kuya niya.

"Wag kang magulo don ah." Sabi pa ng kuya khallid niya.

"Opo kuya." Sagot naman niya.

"May bisita kapa dito tapos iiwan mo lang." Sabat naman ni gray.

"Si shandel na ang bahala na mag asikaso sayo dyan." Sabi ko naman sa kanya saka ko siya inirapan.

Iniwan kuna nga sila sa sala. Alam naman na ni shandel na ayoko kaharap yon si gray dahil naiinis talaga ako sa lalaking yon.

Nan dito na kami ni kensha sa kwarto ko. Pinaupo ko naman siya sa kama ko saka ko binuksan ang maliit na ref na nan dito sa kwarto ko. Kumuha ako ng maiinom na juice saka ko binigay sa kanya. Kumuha na rin ako ng chocolate saka ko binigay sa kanya.

"Thank you po ate." Masayang sabi niya.

"Sa bahay ko nalang po ito kakainin. Ipapakita ko po kay mama." Naka ngiting Sabi niya naman.

"Okay. Kuha lang ako ng lagayan." Sabi ko sa kanya saka ako tumayo para kumuha ng maliit na lalagyan sa may maliit na kabinet saka ko ito binigay sa kanya.

LOVE AT FIRST SIGHT (BOYxGAY)Where stories live. Discover now