Khallid POV
3pm na ng dumating si ersha kasama ang isang lalaki na kasing taas niya lang at ang liit ng katawan. Tumingin ako sa katawan ko na mas maganda pa kesa sa lalaking kasama niya. Bwisit na yan ngayon lang siya umuwi. Anong oras na ako naka upo dito sa labas kakahintay sa kanya. Napatingin naman sila sakin kaya tumingin naman ako kay ersha pero napaiwas agad siya ng tingin sabay tingin don sa kasama niya at ngumiti pa talaga. Lalo naman ako nainis. Galit talaga siya sakin. Sh*t lang dahil baka nga iniiwasan niya na ako.
"Ingat ka pauwi. Mag text o call ka nalang pag nakauwi kana ah." Biglang sabi naman ni ersha sa lalaking kasama niya. Hintay ko naman ito makaalis saka ako lumapit kay ersha.
"Pwede ba tayo mag usap?" Tanong ko agad sa kanya ng makalapit ako. Tumingin naman siya sakin. Nagulat naman ako dahil yong mga mata niya ay para malungkot ng makita ako.
"Pagud ako. Next time nalang tayo mag usap." Sagot niya naman. Mag sasalita pa sana ako kaso tinalikuran niya na ako. Huminga naman ako ng malalim saka ko nilakasan ang loob ko. Bahala na.
"Gusto ko lang mag sorry sa mga sinabi ko sayo kagabi. Lasing lang ako kagabi kaya ko nasabi ko. Wala din ako maalala sa mga nangyari. Si papa at mama at kensha lang nag kwento sakin." Biglang sabi ko. Natigil naman siya saka tumingin sakin.
"Sorry talaga. Sana mapatawad mo pa ako." Dugtong ko pa. Pero naka tingin lang talaga siya sakin.
"Pangako hindi na mauulit yon. Pangako talaga. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon." Dagdag ko pa. Napabuntong hininga naman siya.
"Pasensiya na pero pagud ako." Sabi niya naman saka ako nito tinalikuran at tuluyan pumasok sa bahay niya. Napamura naman ako ng hindi ko na siya nakita.
Kainis. Hindi niya ba ako kayang patawarin? Ganon ba kasakit para sa kanya ang sinabi ko kagabi? Eh nag paliwanag na nga ako na wala akong maalala. Saka hindi naman na mauulit yon. Bwisit na yan.
Nag lakad naman ako papunta sa bahay na naka kuyom ang kamay ko dahil sa inis.
"Anong nangyari sayo.?" Biglang tanong ni kenji ng makapasok ako. Nahiga naman ako sa sofa saka ko kinuha ang selpon ko sa bulsa ko. Hinanap ko agad ang no.niya saka ko siya tinawagan pero natapos nalang ang kakaring ni hindi niya man lang sinagot.
"F*ck!" Inis na sabi ko, saka ko sinuntok ang sofa. Naupo ako habang hawak ko parin ang selpon ko at paulit-ulit ko siya tinawagan hanggang sa pang lima ay sa wakas sinagot niya na.
"Hello!" Bungad na tanong niya. Hindi naman ako naka sagot agad dahil nagulat ako sa boses niya dahil pati bosea niya ay pambabae talaga.
"Sino to?" Tanong niya pa. Mag sasalita na sana ako pero bigla niya nalang ito pinatay. Napatingin naman ako sa screen ng selpon ko. Kaya tinawagan ko ulit ito pero busy na ang no.niya.
Sino naman kaya ang kausap niya. Nakakainis baka yong lalaki nanaman na kasama niya kanina ang kausap niya. Tumayo naman ako saka ako pumunta sa kwarto ni kensha. Kumatok muna ako saka ko ito binuksan.
"Bakit?" Tanong niya agad ng makapasok ako. Nakita ko naman siya na nag tatali ng buhok niya.
"Saan ka pupunta?" Balik tanong ko naman sa kanya.
"Sa bahay ni ate ersha." Sagot niya naman na naka ngiti pa.
"Ano naman gagawin mo don.?" Tanong ko pa sa kanya.
"May ibibigay raw siya sakin eh." Sagot niya pa.
"Gusto mo samahan kita.?" Tanong ko pa. Pero umiling naman siya.
"Wag na kuya dahil alam ko hindi pa kayo okay na dalawa." Sagot niya saka kinuha ang selpon niya at lumabas ng kwarto niya. Sinundan ko naman siya hanggang sa may gate nila ersha.
"Dyan ka lang kuya baka magalit sakin si ate ersha eh." Pag pigil niya naman sakin. Napakuyom naman ako at lalong nainis ng pumasok siya sa loob ng gate at iniwan talaga ako dito sa labas.
"Umuwi ka kaagad ah." Sabi ko sa kanya saka ako bumalik sa bahay.
Naupo ulit ako sa sofa habang hawak ko parin ang selpon ko. Nag text na rin ako sa kanya, sinabi ko na rin kong sino ako pero ni isang reply wala talaga.
Ano bang dapat ko'ng gawin para mapatawad niya ako. Gusto niya bang lumuhod pa ako sa harapan niya para mapatawad ako. Ilang sorry pa ba ang kaylangan ko sabihin sa kanya para mapatawad niya ako. Hindi naman ganon kalaki ang kasalanan ko sa kanya para magalit siya sakin ng ganito.
"Hindi ka pinapansin ni ersha noh.?" Biglang tanong ni kenji sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Bigla naman siya tumawa.
"May nakakatawa!?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Meron. Yang mukha mo. Hindi na kase mapinta." Sagot naman ni kenji kaya binato ko siya ng isang unan.
"Kawawa ka naman pala." Pang aasar na sabi niya pa. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka lahat ng inis ko sa kanya ko pa mabato.
Ilang saglit pa bumalik naman si kensha na may dala na paper bag. Masaya naman ito na pumasok sa loob saka naupo sa tabi ni kenji.
"Pinapabigay ni ate ersha. Sana raw magustohan mo." Masayang sabi naman ni kensha saka ito may inabot kay kenji. Isa itong t-shirt na kulay itim. Ngumiti naman si Kenji na halatang masaya sa binigay sa kanya.
"Meron din ako saka si mama." Sabi pa ni kensha. Napatingin naman siya sakin saka ngumiti. Ngumiti naman ako dahil akala ko meron ako.
"Wag ka raw tawag ng tawag at text sa kanya, dahil ayaw niya raw makipag usap sayo." Sabi pa nito. Napakuyom naman ako sa sinabi niya at inis na tumayo saka ako nag tuloy sa kwarto ko.
Inis ko naman na binagsak ang pinto ko. Napamura pa ako dahil sobrang galit talaga siya sakin. Parang gusto ko tuloy mag lasing ngayon. Hindi ko kase matanggap na galit parin siya sakin at ayaw niya pa ako makausap.
Gusto ko mag lasing at puntahan siya sa bahay niya. Pero... Pero bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako nagkakaganito sa kanya eh wala naman kaming relasyon na talaga. Hindi ko naman siya girlfriend? Siguro nga tinamaan na ako sa kanya.
Ito na siguro ang sinasabi na 'LOVE AT FIRST SIGHT'
•••••
Itutuloy.....
YOU ARE READING
LOVE AT FIRST SIGHT (BOYxGAY)
Romancekatang isip na kwento pero sana magustohan niyo