CHAPTER 3

5 1 0
                                    

THIRD PERSON POV

Halos tatlong buwan ng nakacoma si Sheena, inoperahan din ang mukha nya dahil sa naapektuhan ang balat nya sa napakalakas na pagsabog ng kanilang bahay. Makikita mo narin ang lumalaking umbok ng kanyang tyan dahil sa tatlong buwan narin itong buntis kaya maigi itong binabantayan ng mga nurse at doctor

"Kailan kaya sya magigising?" dalawang lalaki ang nakatingin ngayon sa walang malay na si Sheena

"I dont know son" sabi ng isang lalaking medyo may edad na at tinapik ang balikat nito

"ikaw na muna ang magbantay sa kanya anak" sabi pa nito at umalis na nga

nasa isang private room sila ng hospital at sila lang ang gumagamit ng buong ikatatlong palapag ng building ng hospital.

Pinagmasdan naman sya ng binata ang maamong mukha nito at ang tyan nito

"You need to wake up for your child" mahinahong sabi nito at binuksan ang laptop nya para gawin ang trabaho nya

---

Umiyak lang naman ng umiyak si Shane ng malaman ang nangyari sa kanilang bahay lalo na sa kanyang magulang

"F-Frank sila m-mom and d-dad" nandito na sya sa hospital at hinihintay ang sasabihin ng doctor sa kanya, pero alam na nya na wala na nga ang parents nya dahil sa halos sunog na ang mga balat nito ng makita nya

"Babe buntis si m-mommy!" hindi matanggap ni Shane ang nangyari kaya iyak lang sya ng iyak dahil wala syang magawa, todo pag aalo naman ang ginawa ni Frank sa kanya

"Ssshh its okay babe, im here" nakayakap sa kanya si Shane at pilit na pinapakalma nya ang kasintahan

nakita nila ang doctor pero kinausap muna nito ang mga awtoridad bago sila kinausap

"Ms. Shane Dela Cruz?" tanong ng isang detective ng lapitan nila si Shane

"a-ako n-nga po" iyak nya at hinarap ang mga ito

"Nasaan ka ng mga oras na naganap ang aksidente?" nabigla man sa tanong sa kanya ay sinagot nya parin ito

"n-na k-kela F-Frank po" sagot nya, natatakot man sya na baka malaman ng iba ang tinatago nilang relasyon ay sinabi nya parin ang totoo at baka pagbintangan pa sya

"Im sorry for your lost Ms. Shane they are burned to death" sabi ng doctor kay Shane na mas lalong ikinawala nito

"NO! Doc! Buntis si mommy! Hindi sya pwedeng mamatay! HINDI SILA PWEDENG MAMATAY!" pagwawala nito hanggang sa may na realize na isa pang bagay

"H-how about my twin?" nagkatinginan naman ang mga awtoridad sa tinanong sa kanila ni Shane

"Ms. Dela Cruz dalawang bangkay lang ang natagpuan namin sa bahay ninyo" sabi sa kanya ng isang pulis

"P-pero may k-kakambal po ako! Si Sheena! N-Nasaan sya?!" muling nagkatinginan ang mga awtoridad bago pinautos na muling maghanap sa kabuuhan ng kanilang bahay

Nagkatinginan naman sila ni Frank sa nalaman nila at agad na tinawagan ang mga kaibigan nila hinanap ang kakambal nya pero nabigo sila malaman kung nasaan ito dahil kahit ang mga kaibigan nila ay hindi alam kung nasaan ito.

"Dont worry babe we will find her" sabi sa kanya ni Frank

kahit na malaki ang galit nya kay Sheena ay kapatid nya parin ito, dahil alam naman nya na hindi ginusto ni Sheena ang nangyari sadyang plinano lang talaga nya para mangyari. Pero galit parin sya dito dahil sa pagkukumpara sa kanila ng kanilang magulang na mas matalino ito kesa sa kanya, na mas disiplinado ito kesa sa kanya at dahil din sa kanya ay tinatago nila ni Frank ang kanilang relasyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LIED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon