Part 7

72 10 0
                                    

Imee's POV

Pag gising ko ay nadatnan ko ang mga unan na nakaharang sa right side ng balikat ko nang tumingin naman ako sa sofa ay nakita ko si Rod mahimbing na natutulog. Tinitigan ko lang siya habang natutulog at hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako. 

Nahagip naman ng tingin ko ang bag niya na malapit sa center table. Kinuha ko naman ito kaso may lock combination shet 9 digits pa nga. Kinuha ko agad ang phone ko at binuksan yung flashlight para sana makita yung mga fingerprints pero wala. 

" Ano ba to nakakainis naman"- Imee 

Sinubukan ko yung birthday niya pero hindi ko pa rin mabuksan. 

" Ughhh bat ayaw"- Imee 

Hindi naman sa pag-aassume pero sinubukan ko yung birthday ko at initials namin pero wala pa rin. 

" Hay grabe naman ano yan teenager?"- natatawang saad ni Imee 

Tumingin muli ako kay Rod na mahimbing na natutulog. 

" Hindi ikaw yung tipo ng tao na state the obvious kaya imposible nga pero ikaw yung tao na mabilis makalimot sa mga simpleng bagay unless may impact sayo." 

Muli kong nag try buksan yung bag niya. 

" O sige mag aassume na naman ako na inlove to sa akin."- Imee 

Nilagay ko na yung naisip kong pin. 

0-9-2-8-9-1-3-5-5 

Bigla naman nag open yung bag kaya natuwa ako. 

" September 28 nung una kaming magkita at syempre pangalan ng love of his life well ang galing ko talaga"- natatawang saad ni Imee. 

" Ano bang mga laman nito."- Imee 

Nang buksan ko ang bag ni Rod ay nakita ko ang first aid kit, baril, mga bala at cellphone. 

Binuksan ko yung cellphone niya may passcode na naman. 

0-9-2-8 

" Gotchaaa"- Imee 

" Ay hindi ako ang wallpaper?"- malungkot na saad ni Imee. 

Pumunta agad ako sa gallery walang kalaman laman. Sa contacts naman ay puro sa trabaho nakita ko naman ang isang contact na may pangalang " Boss". Agad kong kinuha ang number at inilagay sa cellphone ko. Nakita ko rin ang ilang mga messages nila nung "Boss". Isa-isa kong pinicture-an ang mga yun bigla naman nagsalita si Rod. 

" Hindi naman kita iiwan. Ikaw ang pinaka importanteng mayroon ako"- Rod 

Tiningnan ko naman siya pero tulog pa rin. 

" Okay mini heart attack."-  Imee 

Muli akong nagpatuloy sa pag iimbestiga nakita ko naman ang isang envelope na hindi pa nabubuksan. Syempre binuksan ko tumambad sa akin ang mga identity ng grupo namin kasama ako. 

" Hindi pa niya siguro to nakikita"- Imee 

Agad akong pumunta sa ilalim ng kama ko at itinago yung envelope. Pinalitan ko ito ng panibago pero walang laman. 

" Bahala siya mag overthink"- natatawang saad ni Imee. 

Huli kong binuksan yung wallet niya nahuli ko nalang ang sarili ko na ngumingiti ng makakita ako ng isang magandang babae sa wallet niya. 

(Hello credits sa may ari ng picture) 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Hello credits sa may ari ng picture) 

" Kaya naman pala wala sa cellphone"- natatawang saad ni Imee. 

Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko ay ibinalik ko sa ayos ang lahat. Nagulat naman ako ng may malaglag na flashdrive. Muling nagsalita si Rod kaya naman inilagay ko na  yung mga gamit niya at ibinalik ito sa center table. Ilalapag ko na sana yung gamit niya nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko sakto naman na nakaharap ako sa kanya. 

" Anong ginagawa mo?"- nagtatakang saad ni Rod. 

" Wala pinapanood lang kita matulog"- nakangiting saad ni Imee. 

Ngumiti naman si Rod na para bang kinikilig. Agad ko naman inilagay sa loob ng damit ko yung flashdrive para hindi niya makita. 

" Kinikilig ka ba?"- natatawang saad ni Imee 

" Ako? Hindi ha"- Rod at nagtakip ng unan sa mukha. 

" Ihh bakit mo tinatakpan ng unan yang mukha mo"- natatawang saad ni Imee. 

" Wala kasi tumigil ka na maangas ako ih"- natatawang saad ni Rod. 

" O siya sige na tumayo ka na diyan may pasok ka pa"- Imee 

Tumayo na ako at niligpit yung higaan ko. 

" Sige ikaw rin mag-iingat ka dito"- Rod habang tumatayo na at inaayos yung mga gamit. 

Lumapit naman si Rod sa akin. 

" Bakit?"- Imee 

" I love you Ling"- Rod sabay halik sa noo at pisngi ni Imee

Ngunguso na sana ako kasi akala ko hahalikan niya ako sa labi bigla naman siya nagsalita. 

" Ling kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako"- Rod habang pabalik na sa mga gamit niya na sa center table. 

" Ay hopya"- saad ni Imee

" Sige magdadala ako mamaya"- Rod 

" Hindi na ano papasok na kasi ako"- Imee 

" Ha? Magpahinga ka muna."- Rod 

" Kaya ko ng pumasok"- Imee 

" Sigurado ka ba? Baka hindi ka pa magaling?"- Rod 

" Oo sure na niyakap mo na ako kaya magaling na ako"- natatawang saad ni Imee 

Napangiti naman si Rod. 

" Uy kinikilig ka sa akin no"- pang-aasar ni Imee. 

" Ang pula ng pisngi mo"- dagdag pa niya. 

Nakangiti lang si Rod at nang matapos na ito mag ayos ng gamit ay lumapit ulit kay Imee. 

" Halika nga dito para mas lalong gumaling"- Rod habang naghahanda na yakapin si Imee 

Ngumiti naman si Imee at niyakap si Rod ng mahigpit. 

" Maraming salamat sa pag-aalaga mo"- Imee at lalong humigpit ang yakap kay Rod. 

" Walang kaso basta para sayo"- Rod at hinalikan ang buhok ni Imee. 

Pagmulat naman ni Imee nakita niyang may butiki sa balikat ni Rod kaya agad niya itong hinampas. 

" Aray ko naman why naman ganon Ling?"- Rod 

" Sorry may butiki kasi diyan sa shoulder mo"- Imee 

Titingnan pa dapat ito ni Rod pero bigla ulit hinampas ni Imee. 

Tumawa lang naman si Rod. Natangal naman yung butiki at tumakbo. 

" Sige na aalis na ako kailangan ko pa pumunta ng bahay para kuhanin ang iba ko pang gamit."- Rod 

" Siya nga pala kuhanin ko number mo para makapag update ako sayo"- Rod 

Agad naman binigay ni Imee ang number niya ay hinatid si Rod sa pintuan. 


Butiki's mind: Ina netong mga to harot harot niyo diyan natutulog ako dito bigla niyo akong pupukpukin hindi ko na nga kayo pinapakelaman ang sakit tuloy ng ulo ko."- Hilong hilo saad ng butiki habang pabalik sa kisame. 


Nakatanggap si Imee ng text message mula kay Rod. 

Hi Ling update lang walang bago ikaw pa rin. 

Napangiti lang ako sa kabaduyan ng lalaking to. Napatingin ako sa salamin at nawala ang ngiti sa mga labi ko. 

" Umaayon ang lahat sa plano ko. Malapit na."- Imee's Mind. 

CALL ME AGENT DRAGONAWhere stories live. Discover now