A/N: Hello pooo, comments your thoughts po about my story hehe:)
Chapter 1:
Today is the day.
Today is our first day of school. Just like other students, hindi ako excited pumasok. Ngayon na lang ulit ako makikisalamuha after almost 3 years of quarantine kaya naman parang tinatambol ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung paano makikisalamuha dahil ang tagal kong nakakulong sa bahay at nasanay na akong walang kausap.
Napatulala ako sa harap ng salamin, napansin kong humahaba na naman ang wavy kong buhok-baka gupitan ko ulit ito sa ibang araw. Napansin ko rin ang eye bags sa palibot ng mata ko dahil sa kaadikan ko sa wattpad at kdrama. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang sarili ko. I'm not like other senior high school girls who looks hot, I look like a kid for my age. I'm 4'11 and I'm not that curvy. I rolled my eyes at my reflection and proceeds to brush my hair.
Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako para mag abang ng tricycle. Hindi kalayuan ang school ko sa amin kaya naman halos limang minuto lang ang byahe ko.
Nahati ang klase namin sa dalawa since hindi pa rin safe ang makihalubilo sa maraming tao. Kaya naman nang pumasok ako sa classroom ay kakaunti pa lang ang tao. At halos manlumo ako nang mapansing wala akong kakilala kahit isa, as in kahit isa, yung iba pamilyar kasi dito na rin sila pumasok before pero wala akong matatawag na kaclose ko.
Napabuntong hininga na lang ako at napagpasyahang umupo na lang sa una para din mas madali kong maintindihan ang lesson.
I can't believe na 3 years had past like a blink of an eye. I can't help but reminisce. Kamusta na kaya yung mga dati kong kaklase? Tumangkad na ba yung crush ko nung first year?- Hoy masyado ka naman. I giggled at my thought.
"Dating ka bang baliw?" Napatigil ako sa pagtawa at napatunghay.
Agad nagliwanag ang mukha ko nang makilala ko ang nagsalita.
"Lorenzo, kaklase kita?" He just gave me a isn't obvious? look.
He's Lorenzo, my elementary classmate. He's also been studying here in Phoenix high. He sat next to me at pasimple ko syang pinasadahan ng tingin habang abala sya sa pag aayos ng gamit nya. He become taller, dati ay parang isa o dalawang pulgada lang ang tangkad nya sa'kin pero ngayon ay hindi man lang ako umabot sa chin nya. His shoulder become broader too, and his features become more sharper. Makapal ang kanyang kilay at pilik mata, matangos din ang kanyang ilong, at mamula mula ang kanyang labi.
Since when did he become this handsome? Uhugin 'to noong huli kong nakita ah?
"Alam kong attractive ako pero wag mo naman ipangalandakan" He said while combing his hair using his fingers. Agad ko syang inirapan na ikinatawa nya.
"So bakit ka nag ABM?"
"Mukha kasi akong pera." I joked.
Napaubo sya at napatingin sa'kin.
"Same gurl, but you know what hindi ko naman talaga bet mag ABM." So bakit ka nandito? I fight the urge to tell him that kasi baka maoffend sya.
"Nababasa ko na sa utak mo gurl, nagtataka ka siguro kung bakit ako nandito gano'ng ayaw ko naman pala."
"Paano mo--"
"Paano ko nalaman iniisip mo? Halata sa mukha mo gurl, hindi ka marunong mamplastik."
Napanguso ako bago sya inirapan, hindi naman pala madaling maooffend ang isang 'to.
"Actually I want to pursue culinary but our school doesn't offer non academic strand, ayaw ko rin namang lumipat kasi hassle." Tumango tango lang ako sa kanya. I'm not the type of person who's talkative, madaldal naman pero sa mga piling tao lang.
Sa lahat ng kaklase ko ay sya lang ang pamilyar sa'kin kaya naman wala akong choice kung hindi magstick sa kanya.
Saktong 7:20 ng umaga nang pumasok ang adviser namin na si Sir Alwin. He's not our real adviser, sya lang yung adviser namin for the mean time dahil hinihintay pang dumating yung totoong adviser namin.
Nothing special happened on that day, sabay kaming nag recess ni Lorenzo at girl hindi keri ng social battery ko yung energy nya. Sobrang dami nyang baon na kwento na hindi ko alam kung saan nya nasasagap.
"Tahimik ka pala?" Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch time namin.
"Hindi naman, nasanay lang ako na wala masyadong kausap." Ani ko sabag subo ng kanin at ulam.
"Sabagay, napakaingay mo kaya noong elementary." How thoughtful of you, thanks for reminding me Lorenzo.
"Ay gurl, naalala mo ba noong elementary tayo?" Here we go again, welcome to the episode of Naalala mo noong elementary tayo?
"What about it?" I still asked even though I don't really want to reminisce about our elementary days a.k.a. our dugyot days.
"Noong naglagay sila Rolan ng trap sa backstage para kay James? Nilagay nila yung timba na may putik sa ibabaw ng pintuan para pag binuksan ni James matatapon sa kanya. Kaso papansin ka kaya ikaw yung naunang pumasok sa backstage kaya ang ending sayo natapon yung putik." That freakin' bastard, I still remember him and I still hate him for doing that.
Napatingin ako kay Lorenzo na halos hindi na makahinga sa katatawa. Gago, saksakin ko kaya 'to ng tinidor?
"Oo naalala ko yan, sinong makakalimot no'n di ba? Core memory yan." I act unbothered but deep inside nag iisip na ako ng pang rebutt.
"Naalala mo ba noong lumubog ka sa compost pit?" Natawa ako nang sunod sunod syang mapaubo. Inilapit ko sa kanya ang tubig para makainom sya, baka sabihin ng iba pinapabayaan ko sya.
"Gaga, 'wag namang ganyan accla. Nakakawala ng gana." Napatawa ako nang mahina kaya saglit syang napatingin sakin.
"Ang dalang mo na ngumiti ngayon, naalala ko dati na kahit maliit na bagay tinatawanan mo."
Unti unting nabura ang ngiti ko at napatingin sa kanya. Gano'n ba talaga ako dati? Pero ang alam ko walang mali sa'kin ngayon, pakiramdam ko walang nagbago.
"Ah wala naman na kasing nakakatawa, tsaka dati pa 'yon, mga bata pa tayo no'n."
Ngumiti sya at marahang ginulo ang buhok ko.
"Mas bagay sayo pag tumatawa ka."