chapter 23

77 1 0
                                    

===

Sa pangalawang araw namin sa isla, hindi ako gaanong nag-enjoy. Eh kasi naman, may isang tao jan, na bantay sarado ako. Hindi ba naman ako payagang maligo ng pool kahit kaya ko na. Sheeessh. Ano ba naman ito.

"Kawawa ka naman cute, hindi ka pinayagang maligo ng bantay mo, sayang ang lamig pa naman ng tubig." pang-iingit sakin ni Nate.

"Hintayin niyo ko jan, magpapalit lang ako ng damit" tatayo na sana ako.

"Sit down, Ashley. Hindi ka pa magaling kaya umupo ka lang diyan." Ehhh??? Close ba kami? At kung makatawag ito sa pangalan ko, wagas. Tumawa si Nate.

"Grounded ka cute."

"Teka nga muna, sino ka ba para bawalan ako? Hindi kita tatay noh."

"Hindi mo nga siya tatay cute, suitor mo siya"

"Huh??? Suitor??? Ikaw??"

"Bakit di ba pwede?" Tanong niya

Matagal bago ako nakasagot.

"Tatawa na ba ako?"

"Huh??" sabi niya

"Biro iyon diba? So tatawa na ba ako?"

"HAHAHAHA,,, walanjo ka Cute, toto--"

"Okay, exit ka na Hon, nakakagulo ka sa kanila eh," awat ni Meg kay Nate.

"That's true, when we go back to Manila, I'll start courting you."

Nakamata lang ako sa kanya. Seryoso siya talaga? Pero bakit niya ako liligawan, di ba best enemies kami? Ano ba, ang gulo na ha.

"Why?"

"Why? Ano ba ang rason ng lalaki kapag niligawan niya ang babae? So simple. It's because I like you"

HE WHAT?? he likes me? HOW? WHEN? WHERE?

===

Nang umuwi kami, ang awkward namin lahat, ay kaming dalawa lang pala. Sweet kaya ng apat na iyon. Tabi sila Meg at Nate sa harap habang nagdadrive si Nate. Sina Jess naman at Jake, laging nagbubulungan sa likuran namin. And we?? hayun tabi nga kami pero laki ng distansiya namin. Sumiksik ako roon sa bintana para lang hindi kami magdikit. Nilakasan ko pa ang earphone ko para hindi niya ako kausapin.

At ang walanghiyang lalaki, kinuha ang kabilang earphone ko at nakishare sa music ko.

"Ganito pala pinakikinggan mo, mga acoustic"

"Oo kaya, ibalik mo na iyan para mapakinggan ko ng mabuti"

"Ayaw." sabi lang niya at pumikit

"Hoy, lalaki wag mo akong tulugan, akin na nga yan. At pwede ba lumayo-layo ka sakin"

"Ayaw pa rin. Ganda ng music mo eh. At makikitulog ako sa balikat mo, napagod ako sa kakaalalay saiyo eh,"

"At kasalanan ko pa ngayon? Sino ba may sabi sayong alalayan mo ko?"

"Alangan namang pabayaan ko ang babaeng liligawan ko?"

Shit na lalaking ito. Lakas makahirit'

"Urgh, you're annoying , bahala ka sa buhay mo."

"Ayyeeeiii, kilig much naman kayo diyan" tudyo ni Meg samin.

"Wag mong dagdagan init ng ulo ko Meg"

"Opo, nagcomment lang naman. Jeff galingan mo ah." Nag-thumps up pa ang dalawa

Ehhh sarap hambalusin ng dalawang ito lalo na si Nate na panay kindat sakin sa rear view mirror.

====

"Leigh, tingnan mo dali." sigaw ni Jess sa labas.

"Ano ba Jess, ang aga-aga, sumisigaw ka na."

"Ehh, tingnan mo kasi kung sino ang nasa labas."

Nakita ko si MALAS?? He was standing there beside his car.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Good morning Ashley, sabay na tayo sa school" dinedma lang niya tanong ko.

"The last time I checked, kami ni Jess ang palaging sabay."

"Bakit di ba pwedeng ihatid at sunduin ka school"

"Oo, dahil alam ko ang daan papuntang school"

"Tss, hali na nga kayo, Jess sakay na."

"Tayo na Leigh,"

"Kayo na lang, kaya kong lakarin papuntang school"

"Sasakay ka ba o bubuhatin pa kita?"

"Don't threat me Mr. Barden. Dahil hindi pa rin ako sasakay. So Ciao!!" nagsimula akong maglakad ng bigla niya akong binuhat at sinabit ako sa balikat niya.

"Let go of me. Ano ba, Jeff!!!"

"Huwag kang malikot, baka mahulog ka" I punched his back, pero hindi parin siya natinag. Naisakay na niya ako sa sasakyan kaya wala na akong magawa.

"Ang sweet niyo naman." sabi ni Jess sa likuran ko. Natahimik siya ng makita ang sama ng tingin ko.

====

Phew!! ang aga ko masyado sa school. Gulat tuloy si manong guard. I intentionally went to school very early. Kasi naman, for three days, binubwisit ako ng taong iyon, sunduin ba namn ako ng maaga at sapilitang pasakayin. Hindi naman ako makagamit ng pwersa kasi, lumalaban na siya. Fighter pala ang mokong, mas magaling pa nga sakin eh. So this time, nauna akong umalis kay Jess.

Lunch break na. Haayy buhay. Para akong may malaking utang na pinagtataguan. Heto lang naman ako nakatambay sa taas ng malaking puno at kumakain mag-isa. Buti nalang may dala akong baon. Di ko na kailangan pumunta ng cafeteria, alam kong nandun ang mga asungot na iyon. Tumunog na ang bell kaya bumaba na ako. To find the sight of him sitting casually there.

"Ang tagal mo naman bumaba, napilitan tuloy akong ipatunog ang bell ng maaga para lang bumaba ka" What?? Tiningnan ko relo ko, an hour earlier before time. Kaasar!!!!Urrggh!!

"Ano ba talaga problema mo ha? Pwede bang lubayan mo na ako"

"Im courting you"

"This isn't courting, for Pete's sake. This is forcing." Sigaw ko sa kanya. Naiinis na talaga ako eh.

"It's my first"

"What?"

"I-i don't know how to court because this is my f-first time courting a girl"

Mahinang wika niya. Hindi siya makatingin sakin. Namumula rin ang mga tenga niya.

Natawa ako. Akalain mo iyon, ang Prince nang lahat, isa palang mahiyain.

"Okay lang na tawanan mo ako, kung yan lang paraan para mapasaya kita."

Natigil tuloy tawa ko sa sinabi niya.

"Sheessh, you're the most obnoxious person I've ever met." Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Kaya napaatras ako, pero puno na ang nasa likuran ko.

"And you're the very first girl I ever loved." Then he kissed me. Tinutulak ko siya pero wala ring nagawa iyon dahil ang lakas niya. He kissed me gently. He sip every corner of my mouth, forcing me to open it. Nanghihina ang mga tuhod ko na anumang oras ay matutumba ako. Napakapit ako sa leeg niya. Natatangay na rin ako sa halik niya at naramdaman kong kusang bumuka ang labi ko. And he entered it using his tongue, napaungol ako. Pinutol niya ang halik.

Naguguluhan ako. Bakit ko hinayaan sarili kong magpatangay

"Please, give me a chance babe. I'll do my best to have you. Please?"

"O-okay"

What?? Why did I say that? Shit my mouth.

"Thank you so much. I won't waste this chance." Dinampian niya ng halik ang labi ko.

Meet Mr.MalasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon