You're My Prince 1 ( SHORT STORY )

418 14 7
                                    

--------------

[ NELICA ALVAREZ ]

Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko. Nasa Canteen ako.

May malaki akong problema .. nang nagdaang gabi ay sinugod namin ng kapatid ko si Tatay sa ospital. Di namin alam na may sakit sya sa puso. Di rin namin alam kung saan kukuha ng pera ... lalo na't kailangan na itong operahan.

Patay na si nanay .. kung mawawala pa sya pano na kame ng kapatid ko?

Di ko napansin ang paglapit sakin ni Rhaze kaya nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi.

"Hi Beautiful !" bati niya, sabay akbay.

Ngumiti lang ako sa kanya. Nagtatakang tinitigan nya ako.

"Hey! What's the problem sweetheart?" masuyo nyang tanong.

Sinandal ko lang ang ulo ko sa balikat nya.

"Nothing."

Ayaw ko syang mag-alala .. lalo na't isang buwan palang ng maging kame. 

Sya ang anak ng may-ari ng School na pinapasukan ko. He was rich and handsome .. kaya di makapaniwala ang lahat ,kahit ako .. nang ligawan nya ako. 

Di ko alam kung ano ang nakita sakin ng isang Rhaze Anthony Sandoval.

Unang-una ay transferee lang ako, at nakapasok sa St.Jhon University dahil sa scholarship. Mahirap. Simple.

Naalala ko ginawa ko lahat para layuan nya ako noon. Tinatapon ko lahat ng binibigay nya. Paglumalapit sya sakin ay binibigyan ko sya ng suntok. Madalas din ay pinapahiya ko sya. Pero di sya sumuko. 

He was everything every girl could ask for. Kaya di ako bagay sa tulad nya. 

Wala akong balak sagutin sya .. kahit na paglumalapit sya sakin bumibilis ang tibok ng puso ko.

OA man pakinggan .. pero "Langit sya, lupa ako."

His a PRINCE.

and ..

I'm NOTHING ..

But then one day ...

[ FLASHBACK ]

Last subject na .. ilang minuto nalang uwian na.

Nagulat kame ng malakas na bumukas ang pinto. 

Pumasok sya. 

Magulo ang damit. Magulo ang buhok. Halatang bagong gising lang sya. Amoy alak.

At higit sa lahat .. namamaga ang mga mata nya. 

He looks miserable.

Di ko alam kung bakit naawa ako, at the same time nasasaktan sa nakikita.

Lumingon lingon sya at nang nakita nya akong nakaupo sa isang sulok.

Agad syang lumapit at lumuhod sa harapan ko.

Hinawakan nya ang kamay ko. 

Gusto kong bawiin .. pero di ko magawa. 

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko. Nag-init ang pakiramdam ko. Nahihirapan akong huminga. At ang pinaka di ko maintindihan ay masaya ako na hawak nya ang kamay ko.

You're My Prince 1 ( SHORT STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon