Prologue

106 6 1
                                    

KALAY


Sabi ni Mama na ayusin ko daw ang laman ng stock room kasi uso ngayon ang dengue, ang lamok ba, you know!

Halos madurog ako sa nahalungkat ko dito sa stock room ng bahay namin, paano naman kasi, ang daming posters, t-shirts, mga mug at kung ano ano pa ang nandirito..

puro gawong, ba lay, kamo?

'oo'

Mangiyak-iyak akong lumabas soon sa stock room at dumiretso nalang sa rooftop para lumanghap ng sariwang hangin.

Dalawang taon na pala simula ng mag break sila, sayang at di ko naabutan...

"Dalawang taon na ang nakalipas."
matabang kong sabi sa kawalan.

Break na sila, at wala akong magagawa pa. Wala as in wala naman talaga, ano ako? Superhero? Duh!

Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa at manonood lang ako sa kung ano mang updates sa socmed ng biglang bumalandra saken ang isang balita na may shooting stars daw na magaganap ngayon 11 PM til 2 AM.

napatingin ako sa relo ko pero 9 PM palang eh, tagal nun, tapos ano na naman e wi-wish ko? Money, jowa? Charot!

Pagod ako kaya humiga muna ako sa sofa dito sa rooftop, may bubong din naman kaya safe, payapa dito, kulang nalang talaga ay beer at pulutan, hehe.

So ayun na nga, sa diko namalayan naka tulog na pala ako@#$_&-+(#)/!

-------

Shet! Yung shooting stars, dali-dali akong pumunta sa railings ng rooftop at tumingala sa langit pero mukhang uulan na ah, may kulob at kidlat kasi pero wala pa namang ulan, chineck ko ang relo ko 1:58 AM

Pakshet ka talaga, Kalay!!! HUHU

Mukhang uulan na nga pero nag hintay pa rin ako sa shooting stars kahit malabo na kasi nga parating na ang ulan ng biglang...

BOOM! SAKTO!

May nakita akong shooting star, maaliwalas, napaka klaro, kitang-kita at ang ganda.

Agad kong tiniklop ang aking mga mata at taimtim na humiling...









"Sana magkabalikan na sila Jema at Deanna.. tsk, no! Sana magkatuluyan sa huli sila Jessica Margarett Casidsid Galanza at Ma. Deanna Izabela Alvizo Wong, kahit anong mangyari. Mahanap sana nila ang daan pabalik sa isa't-isa kahit malabo na."

There, I said it. Pero antok na talaga ako, mukhang aambon lang naman kaya dito nalang ako mags-sleep.

----------------

Ang sarap ng tulog ko hays, pero leche! Bakit naging maingay? May fiesta ba?

Hindi ko pa rin minumulat ang mata ko pero dinig na dinig ko ang malalakas na tambol ng mga drums at hiyawan ng mga tao.

May narinig pa akong nagtatalo na dalawang babae, aysh! Ano ba 'to, uy!

Diko nalang pinsansin ang pagtatalo nila dahil agad din namang natapos ito.

Seriously?! What the hell is happening.

Pero di ko pa rin minumulat ang aking mga mata, am too tired to do that..

"Miss." May kumalabit saken pero baka di ako yun, baka nagkamali lang.

"Miss, psssst!" Ay shet inulit pa nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

gawongWhere stories live. Discover now