SAMPAGUITA

13 0 0
                                    

Maynila, 1885

"Maligayang pagbabalik Señor Sebastian." Magiliw na bati ng kutsero sa isang lalaking kakababa lamang sa daungan. Binigyan naman sya ng malaking ngiti ng binata at bahagyang yumuko. Huminga nalang ng malalim si Sebastian at iniikot ang kanyang paningin sa paligid. Matapos ng ilang linggong paglalakbay ay sa wakas, nakabalik na sya sa kanyang bansang sinilangan. Sumunod na sya sa kutsero ng kunin na nito ang kanyang gamit at inilagay ito sa kalesang naghihintay sa kanya. 

Namangha sa kanyang nakikita si Sebastian habang lulan sya  ng kalesa. Tunay ngang malaki na ang pinagbago ng Maynila mula ng sya ay umalis, mahigit anim na taon na ang nakakaraan. Mas marami nang establisyemento na naitayo, mas maraming tao ngunit hindi nabago ng panahon ang ugali ng mga pilipino na nanatiling may respeto, masayahin at matatag.

"Mabuti ay nakabalik kayo ng ligtas, Señor. Tama lang ang iyong pagdating para sa anibersaryo ng pagkamatay ng iyong mga magulang." sabi pa ng kutsero. Ramdam ni Sebastian ang pagbigat ng kanyang dibdib. Sa kanyang pagbabalik ay inaasahan nya ang mahigit na yakap ng kanyang magulang ngunit hindi na ito nangyari pa. Kahit ang pagdalo sa libing ay hindi na nya nagawa.

"Akin talagang sinadya ang pagdating ng ganitong panahon. Ako'y labis nang nasasabik na makita sila." Kahit pilit ay nagawa pa din nyang ngumiti. Kahit pa nagluluksa ay pilit nyang tinatatagan ang kanyang loob.

"Tutuloy pa po ba kayo sa isang bahay panuluyan dito sa Maynila o nais ninyong dumiretso na sa San Antonio?" Tanong ni Mang Lito. Napatingin naman si Sebastian sa kalangitan at nakita nya ang aliwalas nito.

"Dumiretso na po tayo ng San Antonio, nais ko na rin makauwi at magpahinga sa aming tahanan." Tanging tango na lamang ang naisagot ni Mang Lito at itinuon na ang kanyang pansin sa daan.

Muli ay iniangat nya ang kanyang mata sa kalangitan at pinagmasdan ito. Hindi nya mapigilang ngumiti. 


"Ina, Ama, pauwi na po ako." 













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SampaguitaWhere stories live. Discover now