Hunyo

5 0 0
                                    

Magkakilala na kami, pero hindi kami nagpapansinan dahil abala ako sa trabaho at pag-aaral. At isa pa'y nayayabangan ako sa kilos niya sa tuwing pumapasok sa eskwelahan.

Palagi akong nag-aaral, at hindi ako pumapasok nang hindi man lang nagbabasa ng aralin. Kahit pahapyaw man lang. Nakuha ko ang ugaling ito noong nag bata pa ako. Hanggang sa makapagtapos ako ng kursong Edukasyon. 

Nang makapagtrabaho ako sa isang sangay ng gobyerno at naisipan ko uling mag-aral, ay nadama ko ang kakaibang excitement na pagkatapos ng ilang taon ay nag aaral na uli ako ng isang panibagong kurso. Masaya noong una...dito ko nakilala si Argus. Wala akong pera noon dahil hindi tinatanggap ng ATM machine and card ko...habang nakapila ako'y nakita ko siyang nag-withraw. Dahil kailangan kong makabalik sa paaralan ay kinausap ko siya. "Saan ka pupunta? Babalik ka na ng school?" tanong ko.

Pupunta daw siya ng SM. At ewan ko ba, wala naman sa loob kong sumama pero nagpahatid ako hanggang establismentong iyon. Wala akong kapera-pera, ni pang bayad sa tricyle, wala! Kaya nang huminto ang motor na minamaneho niya'y agad akong bumaba at umalis na. Sinubukan ko ulit gamitin ang card ko pero wala talaga. Dapat daw kasi ay mayroon nang microchip ang card ko para magamit ko ito. Ngunit hindi iyon ang tamang pagkakataon para asikasuhin ko iyon dahil madami pang kakailanganing dokumento ...tanghali na noon at gutom na rin ako.

Naglakad-lakad ako sa food court, at nakita ko doon ang aking tiyahin..Mayroon siyang mga kasama kaya nahiya naman akong magtagal sa okupado nilang mesa..at habang nag-uusap kami'y lumapit sa akin si Argus. "Madam, aalis na ako." sabi niya at agad tinungo ang escalator.

Biglang nag-fast forward ang isip ko at tinawag siya. Di ko namalayang sinundan ko na pala siya pababa ng escalator. "Babalik ka na ba sa school? Pwedeng makisabay?" sabi ko. Pumayag naman siya. Habang angkas ako ng motorsiklo ay madami siyang ikinukwento. Hindi ko naman ito pinagtutuunan ng pansin dahil hindi ako interesado. Ang gusto ko lang ay makabalik na sa paaralan at makapaghanda sa susunod na klase dahil wala noon ang aming propesor.

Feeling InsecureWhere stories live. Discover now