Pauwi na ako nun mula sa trabaho...
Nagpa-part time job kasi ako pra may pang-allowance ako...
Mahirap lng kami pero sa isang private school ako nag-aaral. Natanggap kasi ako sa sholarship nila. Pero marami pa rin kaming gastusin sa school lalo na't graduating student na ako. Kaya doble-kayod ako ngayon..
Malalim na ang gabi at kasing lalim nito ang iniisip. Tinatahak ko ngayon ang isang eskinita.
May assignments pa ako at projects na gagawin. Paano ko na naman kaya mapagkakasya ang allowance ko nito?
Haaayy.. Buhay nga naman..
"Aray ko po!" Gag* to ah, kitang may naglalakad eh humaharang pa sa dinadaanan.
"Ano..b..ba..."
Sa aking pagharap ako'y nagulat
O_O
Bukana ng baril sa aki'y nakatapat
Nanlilisik ang kanyang mga mata at tila parang halimaw na mangangain ng tao
" Akin na!" sigaw niya sa akin..
Oh no! Lord Help! Waaaahhh... Gusto ko pa grumadweyt please!
Gulat sa pangyayari
Ako'y di mapakali
Bag ko'y kanyang hinablot
Ako'y nakaramdam ng matinding kilabot!
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pero bago pa man ako makasigaw upang humingi ng tulong,
Nabigla ako sa aking nakita...
Si Mamang Holdaper ay nakahandusay na sa daan...
Mga mata'y nanlaki sa papalapit sa'king lalaki
Bag ko sa aki'y kanyang inabot..
Habang mga tingin ko sa kanya'y malalapot.
Ako'y nabighani sa angking kagwapuhan
Tipong kinahuhumalingan ng mga kababaihan
Di makaalis, di makagalaw
Tuliro sa'yo at hindi sa insidenteng pagnanakaw.
Tumalikod ka at dahan-dahang lumayo sa akin
Kaya pag-iisip ko'y biglang tumino
Medyo malayo ka na kaya't wala ng magagawa pa
Kundi ang isigaw sa'yo itong mga kataga:
"Hoy Magnanakaw ka! Bumalik ka dito!"
Lumingon kang may bahid ng pagtataka at pagka-inis...
"Miss, baliw ka ba? Ako ang tumulong sa'yo at hindi ako ang magnanakaw!"
At muli ikaw ay tumalikod mula sa akin...
Napangiti na lamang ako at sabay sigaw ng
" Ibalik mo ang
PUSO ko..."
Nabigla ka sa narinig mo kaya't napalingon ka sa akin...
Gosh! Nakakahiya ka! Bakit ko ba nagawa yun?!? Lord, kunin niyo ako please... *embarrassed*
Is this what they called love at first sight?!? Sorry, Ang landi ko po!
Hindi ko naman sinasadya eh.. Pero iba talaga ang nararamdaman ko for him...
Luuhh! Ganito ba epekto ng naho-holdap?
Sa sobrang hiya ko hindi ko namalayan nakalapit ka na pala sa akin...
O//////O
Dahan-dahan kang lumapit sa akin. As in parang 2 inches away from each other lang tayo...
"Kung ganon, handa na akong magpabugbog sayo..."
Huh?!? Ano daw yun? Bakit ko naman siya bubugbugin?!? Niligtas na nga niya ako tas bubu-
"Magpabugbog sa pagmamahal mo..." sabi niya sabay ngumiti ng malapad
*wink*
=END=
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Korni buh? Xenxa naman.. hahahaXD
Actually tula talaga yan assignment namin for filipino pero yung isa ko pang ginawa nalang yung isinubmit ko
kaya ginawa ko nalang siyang one shot dito...
anyways, liked it?
Vote, Comment and Follow ... :)